Third Person's POV
Nagmadaling pumunta sa naturang lugar si Ryle para makita at makausap si Barbie. Hindi na niya kasi alam ang gagawin kung paano manatili yung pagkakaibigan nila at huwag nang iwas ng iwas ito sa kanya. Feeling nya kasi pag hindi ito nakakausap at nakakatext man lang ay parang kinakabahan na siya. Alam niyo yung feeling na parang wala nang gana yung mahal mo sayo? Yun ang nararamdaman nya right now. Kaya eto nalang yata ang option nya, ang puntahan niya nito. Hindi na din niya kasi makausap ng maayos si Chichay, eh. Ang weird din kasi minsan yun.
Habang palapit ng palapit sa lugar ay lalo siyang kinakabahan. Hindi niya kasi alam kung ano magiging reaksiyon nito pag nakita siya. Nakalimutan pa man din nya ang mag-disguise dahil sa taranta at pagmamadali.
Ah, bahala na!, aniya
Nang makadating sa coffee shop ay malayo palang nakita na niya si Taki na hinihintay siya. Nakadisguise ito. Hinanap niya naman si Barbie at nasa isang sulok ito ng coffee shop, umuupo at parang may hinihintay din. He hopes na siya yung hinihintay nito pero parang hindi. Nakita siya nito at nakita niyang nagulat. Tumayo ito at tatangkang tatakas nang..
Boses: Uy, si Ryle yun ah? Ryleeee!
Napukaw iyon ng mga atensiyon ng mga tao sa coffee shop. Tumingin ang lahat sa kanya at unting-unti na siyang dinudumog. Hindi parin siya umaalis dun. Hoping na makausap si Barbie. Tiningnan niya si Barbie sa lugar nito pero hindi na niya ito nakita nang dumugin na siya lalo ng mga tao. Yung iba pilit na nagpapapicture. Pero hindi niya inentertain yun. Nagulat nalang siya nang may humila sa kaniya palayo sa mga tao. Tumakbo sila palayo doon at nang tumigil, nakita niyang si Taki iyon.
Taki: Loko! Bat di ka nag-disguise?!
Ryle: Ha? Eh kasi.. nagmamadali ako eh. Hindi ko naman alam na marami palang tao dun.
Taki: Tsk, ang gwapo mo talaga! Di mo tuloy nakausap si Barbie.
Ryle: Wala rin naman yata siyang planong makipag-usap sakin.
Taki: Edi, ikaw ang makipag-usap! Ano kaba, Ryle. Eto nalang sana yung chance.
Tumingin si Ryle kay Taki.
Ryle: Bat di natin kausapin si Chichay? Siguro, matutulungan tayo nun. Atsaka, maiintindihan niya ang nangyayari pag nag-explain tayo.
Nag-isip si Taki. May punto ito. Kaibigan ito ni Barbie at fan ito ni Ryle. Marami itong alam tungkol sa kaibigan nito at tiyak na boto ito kay Ryle.
Taki: Oh sige, kakausapin natin si Chichay. Basta, siguraduhin mong wala siyang anomang sasabihin sa kaibigan niya.
Ryle: (tumango) Ako nang bahala.
YOU ARE READING
TEXT IN DISGUISE (RyBie TEXT LOVESTORY)
FanfictionSocialserye of RyBie (Fanmade) baka kasi isasave niyo yung number ni Ryle kuno hahaha!