Barbie's POV
Argh! Bat ganun siya? Ilang babae ba yung dinidate niya sa isang linggo? Tss. Okay, hindi ako nagseselos. Oo na, nagseselos nako. Kakainis lang kasi na ewan ko ba kung bakit, kasi ngayon. Nakikita ko siya, kasama yung isang babae. Naalala ko, ka-loveteam niya iyan noon sa ibang network. Ang sweet nilang dalawa. Kung titingnan sila sa isang tingin, iisipin mo na sila. Okay, ako na yung selosa na walang karapatan. Pero, alam niyo yung feeling na.. alam naman niyang gusto mo siya pero-- Ewan! Ewan! Ewan!
Wow lang talaga! Ano to? Pag tapos na sila nung girl, ako naman? No way! Hindi ako reserba, option or choice! Ayoko nun. Ayoko.
Hinintay ko nalang si Cast since mag-uusap din naman kami tungkol samin. Oo, gusto ko na ng closure. Hindi para maging kami ulit pero para maging free na talaga ako. Im still in grief, inaamin ko. Yung meeting place namin? Mismong place din ni Ryle at nung kasama niya. Sinadya ko talaga para kahit papano, eh prepared ako.
Boy: Barb!
Tumingin ako sa tumawag. Si Castle with his casual attire. Gwapo pa din. Pero, wala na yung spark. Haha!
Ako: Tara, dun tayo.
Dumaan kami sa kanila. Alam mo yung feeling? Yung gusto mong tumingin pero hindi pwede. Pwede naman kaso baka makita ako.
Ryle's POV
Boy: Barb!
Napalinga-linga ako nang marinig ko iyon. Barb? Siya kaya yung tinatawag? Sino naman yung tumatawag? Nakita ko sa kabilang kalye si Barbie at yung isang lalaki. Hindi ko kilala pero mukhang kaibigan niya.
Taki: Diba, siya yung girl?
Tumango ako. Dumaan lang sila samin. Ni hindi ako tiningnan. Hindi ko alam kung nakita niya ako with Taki. Pero, gusto ko siyang hilahin pabalik at umalis sa lugar na iyon. Pero, mukhang importante din yung pagkikita nila. Umupo sila malapit samin. So, may posibleng marinig ko sila.
Boy: Salamat ulit, ha? Pumayag ka ng makipagkita.
Barbie: Kailangan. I need closure, Castle. Pero, hindi porket gusto ko iyon, eh magiging tayo ulit.
Castle? Her ex?
Castle: Alam ko naman. Basta, hayaan mo lang akong magpaliwanag.
Barbie: Go.
Nakinig lang ako hanggang sa hindi ko na napigilan pa. Mahal parin kasi siya nung Castle. Hinila ko na si Taki palayo doon. Ewan ko pero nawalan ako sa mood bigla. Tumigil na kami nang mapagtanto kong malayo na kami sa kanila.
Taki: Kakahingal, Ryle ha? Pero.. mukhang meron sila noon?
Ako: Ewan ko. Alam kong may ex siyang makulit. Pero yung alam ko, hindi naman niya iyon pinapansin. Wala nga daw siyang planong kausapin pa iyon.
Taki: Narinig mo naman siguro, diba? She need closure. Siguro, kailangan talaga niya iyon para maging free na siya sa past niya. Atsaka, mukhang sumuko na din yung lalaki dahil pumayag siya.
Ako: (Sighs) Ewan ko, Taki. Sa tingin mo, may sila paba?
Taki: Wala. As we heard before, wala na talaga siyang plano. Malay mo, ginawa niya talaga iyon para sayo.
Ako: Sana nga. Tara na, uwi na tayo.
Pumara na kami ng taxi at sabay na umuwi.
***********************
Sorry sorry sorry kung ngayon lang ulit naka-update. Iniisip ko kasi kung ano yung ilalagay ko hehe. Pero, eto yung naisip ko. Eto na po! Merry Christmas po sa inyong lahat! Pamasko niyo nalang po yung mga votes at comments niyo na puro "update na pleassee" hahaha! Pero, nakakatuwa dahil gusto niyo yung kasunod. Merry Christmas po ulit!
Lovelots,
Author
YOU ARE READING
TEXT IN DISGUISE (RyBie TEXT LOVESTORY)
FanfictionSocialserye of RyBie (Fanmade) baka kasi isasave niyo yung number ni Ryle kuno hahaha!