Wrong grammar and spelling ahead.....
SARAH'S POV
Andito ako ngayon sa mall, bibili ako ng libro, mahilig kasi ako dun, pati na rin sila crystal at danica.
Di nako magpapakilala, e paki nyo tinatamad ako e!
Naglalakd ako ngayon, papuntang jollibee, dun ako kakain tas pag tas manonood ako ng sine, nakabili nako ngayon ng libro na babasahin ko, im sure hihiramin nanaman yun nung dalawa -_-
*boggsshhhh*
Ouch ah! Ansakit nun ah
Oo, nabangga ako nitong lalakeng tatanga tanga -_- bwisit naman oh!
"Aish!! Ano bayan? Tumitingin kaba sa dinadaanan mo?" tanong ko sa kanya.
Epaktong to! Di manlang ako tulungan -_-
"Tsk! Kung tumitingin ka rin ba, magkakabnggaan ba tayo?" anak ng tokwa tong lalakeng to ah! Ang yabang kala mo kung sino, panget naman!
"Tsk! Yabang mo" sabe ko pero syempre pabulong nalang yung dulo.
"Psh! Gwapo naman" sabe nya, luh? Nag assume si kuya, feeling amputek.
" *insert nasusuka kunyari* Mr. Matanong ko lang ah, tumingin kana ba sa salamin? Ha-ha-ha gwapo ba yang mukha mo? Eh kamukha mo lang puwet ng baboy eh, hahahhaha" ako, at umalis nako dun, ayun si kuya nakatulala, siguro ngayon lang nya na realize na kelangan nyang tumungin sa salamin.
Sorry sa inasta ko kanina, bipolar lang talaga ako eh, sinasabe nga nila danica na baliw na ba raw ako kasi, umiiyak ako sa classroom tas sinasabunutan ko yung buhok ko, pano ba naman kasi eh, natatakot akong matanggal sa visual arts.
Oo ksali kami dun ni crystal at micaela, sila dajeng at lingling ayaw eh, di kasi ako nakapasok ng mga halos one month dahil nawala nung kaklase ko yung ID ko kaya ayun, di ako pinapapasok ng guard, si micaela, obvious naman na matatanggal sya nun, as expected na tanggal nga sya, tamad ren kasi eh.
si crystal naman, di sya na tanggal why? Sya lang naman yung babae dun sa visual arts na magaling eh, aaminin ko pangalawa lang talaga ako, idol ko nga si crystal eh, sya yung tipo na kahit mahirap na yung ginagawa di parin sya susuko at i ta-try nya ng i ta-try makuha lang kung pano yung purpose nun.
Oo, tama na nga to! Sa kakadaldal ko nandito na pala ako sa jollibee.
Umorder nako at kumain, tsk! Bwiset yung lalakeng yun, wag na wag lang talaga nya ipapakita yung mukha nya saken. Hayyss bubugbugin ko sya, makwento nga sa mga loka.
To: danica, crystal, carly, micaela.
Babes, punta kayo sa park dun sa subdivison malapit sa bahay namen, may ku-kwento lang ang lola, dejk.
Sent
Pag tas kong isend tumayo nako at lumabas ng jollibee, pumara ako ng taxi at sinabe kung saan ako pupunta.
Nang makarating ako dto, ay anduon na sila, kaya kumaway nako.
CARLY'S POV
Tingnan mo tong bruhildang to! Kakadating lang -,- pagantayin ba daw kami.
"Oh! Bat ngayon ka lang?" tanong ni dajeng, hahah highblood sya eh.
"Kaya nga, tangna neto! Iniwan ko pa dun yung ginagawa ko, para lang makapunta dto!!!" bulyaw sa kanya ni crystal, hahah.
"kaya nga akala namen kung ano ng nangyari sayo eh" sabe naman ni micaela, hayss mga loka talaga.
"tanga kaba micaela? Magtetext ba sya ng ganoon tas mag pa 'dejk' pa nga sya tas may mangyayaring masama?" ako, boba amputek!!
"Ah...Eh... Pasensya na. Gusto ko lang naman kasi makipagkwentuhan sa inyo eh, atsaka gusto kong mag labas ng sama ng loob" paliwanag naman ni garet, hay nako... Ano nanaman bang problema nito?
"Oh, sge na sabihin mona!! Kokotongan talaga kita kapag wala yang kwenta" sabe naman ni dajeng, at sinamaan ng tingin si garet.
"Ito na nga eh... Kasi dba nagmall ako, tas pumunta sa national bookstore para bumili ng libro, pag tas ko nun. Naglakad lakad ako, tas biglang may lalakeng bumangga saken at nalaglag yung mga librong pinamili ko, eh sa dami nun, at balak ko kasing ipahiram sa inyo yung dalawa, di man lang ako tinulungan. Kabwisit tas ang yabang pa nya!!!" kwento ni garet, ayun lang? Tas pinapunta pa kami dto?
"Arraaayyy!!!!" reklamo ni garet eh pano banamn kinotongan sya ni dajeng, haha wawa naman.
"Yan lang pala tas papapuntahin mo pa kami? Aken na nga yung libro, bilis nang mawala yung inis ko sayo!" sabe naman sa kanya ni crystal.
Inabot naman na ni garet yung libro kay crystal "Ge, alis nako, hiramin ko lang to! Ingat kayo sa pag uwi, alam kong malapit lang yung bahay nyo dito, pero mag ingat kayo kasi alam kong tanga-tanga kayo mag lakad!!" crystal, at umalis na.... Grabe sya ah!!!.
"Tal, sabay nako!!!" sabe ni danica at tumakbo papunta kay crystal -_- mangiwan daw.
"Ge na, uwi na rin ako, mga walang kwenta naman kayong kasama, atsaka ikaw micaela umuwi kana, yari ka kay sir Estro" sabe ko sa kanila at umalis na.
Habang nag lalakad ako, ay may nakabanggaan ako.
"Ay, im sorry miss" sabe nung lalakeng nakabangga ko, tinulungan naman nya akong makatayo.
"Ahh... Ge okey lang!" ako, at ngumiti sa kanya. "Hmm... Ako nga pala si Halden." pag papakilala nya, ngumiti muna ako sa kanya bago mag pakilala " Hello, im carly" ako, at nakipagshake hands sa kanya.
"Busy kaba?" tanong nya saken... Busy nga ba ako di naman masyado eh, atsaka ayaw ko rin namang umuwi muna, uutusan lang ako dun -,- " di naman, ikaw?" tanong ko sa kanya "hinde rin, so... Alam kong nasaisip mo na feeling close nako, pero ayaw ko pa talaga kasing umuwi, at pwede gumala muna tayo? Promise di ako masamang tao!!? Sabe nya at tinaas yung kanang kamay, hahaha cute " sure!!" sabe ko sa kanya at nag tungo na kami sa mall.
•Mall•
Nandito kami ngayon ni halden sa McDo kumakain kami, galante pala to eh! Nilibre nya ako, ang saya nya kasama, kahit kanina ko lang sya nakilala eh ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya at close na kaming dalawa, at napag alaman ko rin na dun din pala sya nakatira sa subdivision na yun.
"Hmm... Matanong ko lang ah! May mga kaibigan kaba?" biglang tanong nya saken, napangiti naman ako hahah ang cute kasi nya kumain eh.
"oo naman, meron ah, kanina nga lang yung bago tayo magkabungguan eh nagkita pa nga kami eh" kwento ko sa kanya "so ilan kayo?... Edi ibig sabihin, pagod ka na nun, sorry ah naistorbo pa kita." panghihingi nya ng paumanhin "Nah! Okey lang ayoko rin naman umuwi nun, kasi puro aral lang dun sa bahay at saka utos" sabe ko sa kanya. "So...ilan yung mga kaibigan mo atsaka magkwento ka nga kanina nung ginawa nyo, kung pwede lang?" sabe nya saken nag nod naman ako sa kanya "Sure... Lima kami, tatlo yung bookworm isang lazy, at ako... Kanina yung ginawa namen nagkita lang naman kami sa park , malapit sa bahay namen, kasi itong kaibigan ko, nagtext samen na magkita daw magkukwento... So ito nga dahil sa masunurin kami, pumunta kami tas ang tagal nya, nagkwento sya na ganuto daw kasi may nakabangga daw sa kanyang lalake na di daw sya tinulungan dun sa mga librong binili nya at di pa sya tinulungang tumaya, tapos ang hangin pa daw feeling gwapo" pagkukwento ko sakanya.
"tapos, ayun lang pala sasabihin nya, tas pinapunta pa kami dun, kaya nainis yung dalawa nameng kaibigan at umalis, so nag decide na rin akong umuwi, tas nabangga kita" dagdag ko " hahha parehas rin tayo, ganyan rin yung nangyari samen kanina eh, nag kwento yung barkada ko na may nakabanggan daw sya babae na amazona daw, hahha" sabe nya, so baka yung si garet at yung guy na kaibigan ni halden sila ata yung nagkabanggan.
"Parang sila ata yun ah! Hahaha may pagka amazona kasi yung mga kaibigan ko eh, pwera lang sa isa" ako, at tumawa.
Napag disisyunan na namen ni halden na umuwi, at nagbigayan kami ng number sa isat isa, hinatid din nya ako sa bahay and pinakilala ko sya kila mom, at ayun umuwi na sya.
Its a wonderful day... For me.
BINABASA MO ANG
Bestfriends
SonstigesThere was a 5 girls, mag bebestfriends sila and super duper close nila sa isa't-isa and then nameet nila ang 4 badboys slash mayayabang and guluhin ang buhay nila? Ganon nalang ba ang mangyayari sa kanila na away dito ayaw duon? Or someday mafall s...