"Our Heart" [KathNiel]- Part Five

7.4K 77 5
                                    

I've done my best to update both of my stories pero itong Our Heart lang ang keri ng powers ko. Busy ako today eh. Dami kagad naming assignments. Sige, read niyo na!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JOHN'S POV

Tulala pa rin ako rito.

Ilang oras na ang nakalipas ng masaksihan ko yung pagco- collapse ni Chandria.

Hanggang ngayon, di ko pa rin yun makalimutan.

Sobra kong natakot kanina.

Hindi ko na malaman ang gagawin ko.

Hindi ako mapalagay.

Naguguluhan na ko sa mga pangyayari.

Lalo na ngayong may natuklasan ako.

Nakakapanghina yung nalaman ko.

Bakit ganito ang dapat mangyari?

Bakit?!

"Samuel, anong gagawin ko?! Ayokong mawala ang kapatid ko! Hindi ko kakayanin!"

Patuloy pa rin sa pag- iyak si May, yung kapatid ni Chandria.

Ilang oras na siyang umiiyak.

Hindi na nga siya mapakalma ng asawa niya.

Kung hindi ako nagkakamali, sila rin yung nakita ko nung nakaraan dito sa hospital.

Sila yung kausap ng doctor.

Sila yun, di ako maaaring magkamali.

Parang ilang ulit na sinaksak ang puso ko.

"Our Heart" [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon