Guys, uunahan ko na kayo. Bitin, depressing at maikli ang chapter na to. Patapos na kasi siya kaya iniiklian ko na lang. May mga pangyayari kasi rito na di niyo pwedeng malaman agad. Kaya maikli lang siya. Sa may bandang ending niyo na malalaman.
Kay John lang to na POV. Malalaman niyo kung bakit walang POV si Chandria.
Sa mga makakahula sa mga pangyayari rito, yung may mga nase- sense na, quiet muna ha? Para di malaman ng iba. Para naman may thrill. :]]]
Read niyo na!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
JOHN'S POV
Hinihintay namin na lumabas ang doctor mula sa room ni Chandria.
Isang oras na ang lumipas.
Hindi ko alam ang buong pangyayari dahil wala ko sa tabi niya.
Wala....
Wala ko nung time na kailangan niya ko.
Nakakainis!!!!
"Babe, tahan na. Chandy's going to be alright.." pang- aalo ni Carlos kay Mara.
Tuloy pa rin sa pag- iyak si Mara.
Mukhang hindi niya kinaya yung nangyari kay Chandria.
Takot na takot siguro siya.
"Babe, I'm scared. Ayokong mawala yung best friend ko. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi niya tayo pwedeng iwanan."
Tuloy pa rin sa pag- iyak si Mara habang nakayakap siya kay Carlos.
Kitang kita ko yung higpit ng yakap niya.
Takot na takot talaga siya.
"Hindi mawawala si Chandy. Gumagawa na ang lahat ng paraan para di siya mawala. Ipagdasal na lang natin siya. Wag ka nang umiyak." -Carlos.
Pinunasan niya yung mga luha ni Mara.
"Ayusin mo ang sarili mo. Mag- aalala lang si Chandria if makita niyang namumugto ang mga mata mo. Gusto mo ba yun?"
umiling naman si Mara.
Haaayzzzzz.....
Lord, help Chandria..
Bigyan niyo pa siya ng lakas para malabanan niya ang sakit niya.
BINABASA MO ANG
"Our Heart" [KathNiel]
Fanfictiona story about LOVE AT FIRST SIGHT AND GREAT LOVE.. this is another KathNiel story but with different story. there'll be twists that you should watch out for. this is a sad story and i hope i can make you cry with this.. be a witness of Chandria and...