Polvoron

28 3 0
                                    

Heto ako ngayon naglalakad pauwi ng bahay namin,nakakabad trip nga lang kase maulan at ang ginaw pa.Akmang dududkutin ko na ang wallet ko sa aking bulsa dahil malapit na ang tindahan na pinagbibilan ko lagi ng paborito kong polvoron,nang biglang humangin ng malakas at bumaliktad ang dala kong payong.Kaya naman basang basa ako pagdating ko sa tindahan.
"Pagbilhan nga ng limang polvoron"ani ko.Agad namang ibinigay sa akin ni Aling Lumeng ang polvoron habang siya'y nakangiti."Salamat po" at muli ko nang binuksan ang payong ko para umuwi na sa bahay namin na tapat lang ng tindahan.
Kinabukasan,ng papasok na sana ako sa trabaho,napakaraming tao sa tapat ng bahay namin.Ako naman tong si tsismosa nakiusyoso."Kuya kuya anong meron jan?"tanong ko."Hinuhuli kase si Aling Lumeng ng mga pulis"sabi nya."Eh bakit po?"takang tanong ko. "Yung tinda nya kase gawa sa.....hay!basta mauna na ako".Umalis na yung lalaki tapos inilabas na ng mga pulis si Aling Lumeng ng may posas sa kamay,sumisigaw sya, "Ano naman kung pinatay ko ang anak ko?!Eh wala naman syang silbi!Kaya ginamit ko na lang siya para kumita!At isa pa masaya naman ang mga taong pinagbibilhan ko!" Napatigagal ako ng marinig ang tinuran niya.Kinilabutan ako.

Monstrum Omin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon