Si Alydia

28 3 3
                                    

Ako si Carlo,maitsura naman ako sa palagay ko kaso nga torpe ako.Pero may isang babae ang tinitibok ng puso ko,si Alydia.Nakatira siya sa kabilang kanto.Malaki ang bahay nila,ang weird nga lang kase parang mag-isa lang siya don.
Isang araw inutusan ako ni inay na bumili ng suka sa tindahan na katapat ng bahay nila Alydia.Nang pauwi na sana ako sa bahay,narinig kong may sumitsit sa akin.Nagpalinga linga ako at tanging nakita ko ay si Alydia na nasa may bintana sa itaas ng bahay nila.Napakaganda niya.Hindi ko alam pero parang may humihila sa akin para pumasok sa bahay nila.Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng bahay nila.Walang paa,walang kamay at wakwak ang tiyan.Sayang lang at di ko na naibigay kay inay ang suka.

Monstrum Omin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon