Ansaya ko talaga kapag lumalabas ng aming bahay.Naglalaro,naglalakad lakad at nangtitrip sa iba.
Napagod ako sa kakalaro kaya naman umupo muna ako sa gutter.Habang nagmumuni muni ako,may nakita akong estudyanteng nagmamadali sa paglalakad,nakaramdam ako ng saya.Sinundan ko siya.Nung una hindi nya pa ako napansin,pero nilamig siya at nilingon ako.Ang kaninang mabilis na lakad niya ay naging takbo na.Nagsisisigaw siya.Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa tuwing nilalapitan ko sila,nilalayuan nila ako.Nalungkot ako.
Narinig ko ang sigaw ni mama.Pinapauwi nya na pala ako.Gabi na pala.Mabilis akong tumakbo palapit sa balete.Isa lang ang alam ko nasisiguro kong maglalaro ulit ako bukas.