Gabing-gabi na at pauwi pa lang ako galing sa party ng friend ko.Medyo nakainom kami kaya pagod talaga ako at sobrang antok na.Pauwi na ako sa apartment ko,oo mag-isa lang ako at ok lang dahil sanay na naman ako.Pagbukas ko ng pinto ng apartment dumiretso agad ako sa kama.Muntik ko na makalimutan isara ang lahat ng bintana at pinto,nang maisara ko na humiga na ako at agad nakatulog.
Umaga,nagising ako dahil sa sinag ng araw mula sa saradong bintana.Napansin kong nasa tabi ko yung cellphone ko.Ang pagkakaalam ko nasa bag ko yon kagabi at di ko yon inilabas.Pag-open ko ng cp ko nasa gallery siya.At doon nakita ko ang sobrang daming picture ko habang natutulog ako.May nakadapa,nakanganga,nakakumot at marami pang iba.Natawa ako sa itsura ko.Pero.....naalala ko mag-isa nga lang pala ako sa apartment.