Khlynn's note:
I am currently in the middle of completing this story after a few years of hiatus. I hope someone is still waiting for this story to be completed.
Enjoy!
Kelly's POV
"Miss Kelly Suarez, what can you say about your father's way of governing your country?"
"Some Filipino say that he's too good to be the Philippine's President, what can you say about that? "
"What can you say about the new controversy in your country involving a certain Janet Napoles? I heard she's-"
"We apologize but Miss Kelly will not answer any of your questions. Let's go Lady Kelly." Sabi sa akin ni Mang Greg, ang head ng security na nagbabantay sa akin dito sa America.
"What's the Philippine's first daughter doing here in America?" Pahabol pa ng isang kanong reporter.
Like duh!
Anong paki niyo kung andito ako sa States, aber?
Ahyst! Kakainis tong mga reporters na 'to! Ayaw akong tantanan. Kung paano naman kasi nila nalaman na anak ako ng Presidente ng Pilipinas.
Hahay.
Halos isang taon na din akong naninirahan dito sa America at nag-aaral sa isang paaralan dito bilang normal na tao. Yes, my father is the President of the Philippines, blah blah blah...
Halos isang taon na din ang nakakaraan nang maihalal siya bilang pangulo ng Pilipinas and since then hindi pa ako nakita sa Media until now. Hindi sa ikinahihiya ako ni dad, mahal na mahal kaya ako nun, ayaw niya lang akong mapahamak.
Gusto kasi ni dad na kung maari, hindi ako kilala ng mga tao kasi baka daw ako ang pag-initan kapag may mga batikos tungkol sa kanya. Kaya nga niya ako pinapunta dito sa America.
Well, I was enjoying and doing good on hiding my true identity here until today. Bigla na lang sumugod dito tong mga reporters na 'to.
Kalerki. Shock na shock tuloy ang beauty ko.
Tsk
Kakainis talaga. Nag-eenjoy pa naman ako sa buhay ko dito.
Andito na ako ngayon sa loob ng Limousine. We're on our way to the Airport. Biglaan pero kailangan ko nang bumalik sa Pilipinas dahil sa nangyari.
Hayst.
Hindi sa ayaw kong bumalik sa Pilipinas, andun kaya dad and kuya ko. Ano lang, hahay..

BINABASA MO ANG
LOVE ME, or ELSE!
RomantikIsa lang ang hiling ni Kelly sa buong buhay niya. Ang mahalin din siya ng kanyang one BIG love, si Zake. Sa katunayan, pitong taon na niya itong "nililigawan". Ahy naku, pero mukhang wala pa ring pag-asa. Tsk. Tsk. Hanggang kailan naman kaya niya ka...