XI - Because of her

60 2 0
                                    

Khlynn's Note:

 Hi guys! I'm back. I am super sorry kung ngayon lang nakapag-update, busy lang talaga ang life ko nitong mga nakaraan buwan. Anyways, here's my new chapter. Enjoy! 

 PS: I dedicate this to K_cantoja. 


Kelly's POV

I can't believe I was with Zake yesterday. He was so sweet and we were so happy. Thank you po Papa God for yesterday. But question lang po "love na po kaya ako ni Zake?".  I mean kasi naman, sobrang sweet at possesive nya kahapon. Sigh! I hope so, please lang Lord, sana naman po tama ang kutob ko.

Bumangon na ako to prepare for school. Pagkatapos, hindi pa rin mawala-wala ang ngiti ko habang papuntang kitchen para kumain.

"O Kelly. Kay aga-aga para kang asong ulul sa ngiti mo", asar sa akin ni kuya nang maka-upo ako sa table. I smiled at him not wanting to ruin my good mood.

"Hi dad, hi Kuya", bati ko sa kanila. Para naman silang temang na nakatingin lang sa akin. Alright? So what's wrong with these people? Now, I smiled at them with confusion.

Dad cleared his throat. "Ah kasi Nak, naguguluhan lang kami kung bakit ang saya-saya mo. Kahapon ka pa kasi ganyan nung dumating ka from school. The other day lang, panay ang iyak mo tapos ngayon? What happened? Do I have to worry about this? Do I need to prepare for something?"

And I burst out laughing. "Dad, may kilala kang may-ari ng Mental hospital diba?", tanong ni kuya.

Tumango naman si Daddy habang nakatingin sa akin na tawa pa rin ng tawa.

"Good, kasi maalagan ng mas mabuti yang si Kelly don. Mukhang kailangan nang ipagamot to e." At dun ako tumigil sa pagtawa. Tiningnan ko syang masama. Hmp. Am I not allowed to be happy?

"Dad, can you see how she shifted her emotions? That's one of the signs dad", dagdag pa ni kuya. Si Dad naman parang alalang-alala na.

'"Dad! Kuya! Ba't kayo ganyan? Pag ba ngumiti sa umaga, baliw na agad? DI ba pweedeng maganda lang yung gising? O baka may magandang nangyari the other day?", naka-pout kong sabi.

Kainis e. Naninira ng mood tong dalawang to.

"alright, So what happened yesterday princess? Care to share?"

"Bleh. I won't tell you kuya coz you're so mean. Hmp. Si daddy na lang sasabihan ko." Tapos tumayo ako papunta sa upu-an ni Dad. I acted like I'm whispering something to Dad when my brother whined like a child while stomping his feet.

"Kelly naman e. Ang daya! Dad that's unfair".

At napuno ng halakhak ang buong bahay. Ang saya lang.



_____________________________________________________________

Papunta na akong school. My God I'm so late. Kasi naman sina Dad di ako pinalabas ng bahay hanggang di ko nasasabi lahat nang nanyari kahapon. Kaya ayun nagchikahan kami. I'm sure nagmamadali na din ang dalawang yung ngayon. Ang kulit talaga ng family ko pero very supportive naman. Di ko nga lang shinare yung kiss part kasi you know baka magkagulo. Haha

Anyways, andito na rin ako sa room namin. Buti na lang wala pa yung Maam sungit namin kundi naku lagot ako. Pinag-iinitan pa naman ako nung instructor na yun kasi parati akong tulala sa klase naman. Haha. Don't blame me. Blame Zake kasi di niya pinapatahimik tong isip ko.

Corny ko. Yayks.

Ayan tuloy, di ako makapag-concentrate sa klase. Pero ang mas kinaiinisan pa ni Maam ay yung parati pa din akong top sa exams niya. Kaya kahit inis na inis na siya sa akin, hindi niya ako pweedeng ibagsak. Haha

Pero seryoso, ba't wala pa si Maam? First time in history, late siya. Ay naku, maka-idlip na nga muna. Di ako nakatulog kagabi, si Zake mylabs kasi. Nag-lean ako sa desk ko tapos ayun I closed my eyes. Iniisip ko na lang naka-unan ako sa hot na braso ni mylabs. Chos.

Zzzzzzzzz....

Zzzzzzzz....

Zzzzzzzz...

Naalimpungatan ako nang parang may marahang yumuyugyog sa akin. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at ba't may anghel dito? Nasa langit na ba ako? Ay si Zake pala. Hahay. Gwapo talaga ni Zake mylabs ko. Di ko mapigilang tingnan yung mata niya, tapos yung ilong, tapos yung lips. Yung lips na nahalikan ko na kagabi.

"Kelly yung laway mo", boom panis! Dali-dali kong kinuha ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang mukha ko. Waah, may laway nga. Nakakahiya! Sa harapan pa ni Zake mylabs? Lord bakeet??

Narinig kong tumawa si Zake. "Kelly, stop it. It's okay. Ako lang naman to, relax!"

Exactly my point! Ikaw yan, ang aking one big love tapos nakita mo akong may laway sa mukha? Kill me now Lord, please!

"Come on babe. Let's go somewhere, parehas naman tayong walang klase e". On the second thought Lord, wag mo na lang pala akong patayin. May date pala ako. Yay!


-------------------------------------------------

Nasa canteen kami ngayon. At di ko mapigilang makaramdam ng inis sa kasama ko. May nalalaman pang "come on babe, let's go somewhere " e sa canteen lang pala ang punta namin. Akala ko pa naman dadalhin niya ako sa isang espesyal na lugar. Well, kahit naman saang lugar naman siguro special basta kasama ko siya. Pero alam mo yung ang taas na ng expectation mo tapos bang!

Ayst.

"Kelly? What's wrong bakit parang bigla kang nawala sa mood?", inirapan ko lang siya. Naiirita kasi ako. "Kelly, babe, sumagot ka naman o", dedma pa rin ako. Bahala na si batman. Nagtatampo talaga ako sa kanya. Ewan ko kung bakit ko pinapalaki ko to. Basta, tampo ako sa kanya.

Bukas ko na lang kaya siya kausapin? Cge cge buka---

Naramdaman kong niyayakap niya ako. At yung tampo ko? Nawala na kaagad. Punyemas naman Kelly o! Isang yakap lang pala katapat nun? Pinaikot ko ang aking mga mata and yes, tama ang hinala ko. Halos lahat ng tao nakatingin sa aming dalawa. Haha.

"Nagtatampo pa ba ang baby ko?"

"H-a?",

Great Kelly, just great! Ang sweet na ni Zake tapos Ha lang yung sinagot mo? "I mean, sinong nagsabing nagtatampo ako sa yo?"

Tumawa si Zake tapos umayos siya ng upo. "Punta muna akong counter ah. Order lang akong food natin". Nakailang hakbang na siya nang tawagin ko siya.

"Zake wait! Di mo ma ba ko tatanungin kung anong order ko? Gusto ko ng --"

"Pasta at buko juice? No need. I already knew it.", alright, edi siya na! Alam na alam niya gusto ko no? haha. Kay!

Di ko mapigilang ngumiti sa improvement namin ni Zake. I mean I still couldn't believe it. Parang the other day lang iniyakan ko sya ng bonggang-bongga ng dahil sa isang babeng nagngagalang Clara. Hmp kainis yung babaeng yun. Ba---

"Hi Kelly", napatingin ako sa nagsalita and speaking of the devil!

Inirapan ko sya "Yes?", ang bad ko no?

"Ahm have you seen Zake? Kasi kanina ko pa sya hinahanap e. Magpapasama lang sana ako sa kanya". Ang kapal ng mukha ah! Grabe!

"Actually kasama ko siya ka----"

"Oh Hi Clara!", napatingin ako sa bagong dating na Zake habang ngumingiti ng ubod ng tamis kay Clara. Okay.

"Zake! Thank God you're here. Samahan mo naman ako please?", sabi ni Clarang epal habang hawak-hawak ang braso ng Zake ko. Nakakainis. DI ako makapag-react kasi yung selos ko nag-uumapaw. Si Zake naman biglang nataranta at nilagay ang dalang tray sa mesa.

"What happened?", kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Zake habang nakatingin kay Clara.

"Basta. I'll explain it to you later. Tara na please!". Tumingin sa akin si Zake sabay sabing "Kelly I'll go ahead. bye." Tapos ayun,lumakad na sila palabas ng canteen.

 At ako? How am I supposed to react with that? Damn it Zake! How could you leave me hanging because of her?

LOVE ME, or ELSE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon