I - Missed him

107 0 0
                                    

"Kelly kulelat!!!!! Gumising ka na. Dali naaaaaaaaaa"

Hahay. Kilala ko yung boses na yan..Paano ba nakapasok sa kwarto ko yan? Aga-aga, nambubulabog na naman.

Hmp.

Naramdaman kong niyuyugyog na niya ang kama ko.

Naman oh. Antok na antok pa ako,e!

Tsaka, tampo ako sa  kanya, one week na akong dumating dito sa Pinas, di man lang siya nagpakita sa akin.

Hmp.

Bahala nga siya diyan.

"Ah ganun, di ka gigising ha. Well humanda ka"

Oh my god. Eto na naman yung pamatay niyang pang-gising..

Ayan nah, nararamdaman ko nah..

"Waaaah kuya!!!! Hahahaha.. Hahaahahaha.. Awat na.. Kuya- ahahahhahhahah"

Paano naman kasi si kuya kinikiliti ako ngayon... Yan na yan yung style niya pag-gingising ako.

"Ayan, gising na gising na si Kellyng kulelat! "

Hmp ayan na naman siya sa Kelly kulelat niyang yan. Huhuhuhuuhu...

"Kuya naman, e! Wag na kasing Kelly kulelat. Kellyng cute na lang.. Sige na kuya, please?"

Sabay pout ko.

"Hahaha.. Ikaw cute? Weeh di nga? Tingnan ko nga, san banda ang cute sa mukha mo" Sabay parang ine-eksamin ang mukha ko..

"Eeeeeehhh! Kuya naman, inaasar na naman ako. Huhuhuhuhuhu. "

"O siya. Di na. Pero seriously sis, okay ka lang ba talaga? Sorry wala ako nung dumating ka last week ah. Pumunta kasi akong Palawan last week. Alam mo na madaming inaasikaso sa negosyo"

Wawa naman si kuya ko.

Oh sige na nga, d na ako tampo sa kanya..

Hihihi..

Siya na kasi ang nag-aasikaso ng mga negosyo namin simula nang maging presidente si Dad. Mas matanda sa akin ng 7 years si kuya which made him 24 now kasi 17 ako ngayon. Well, I was 6 years old nang nagsimulang pumasok si dad ng pulitika. Naging brgy captain, mayor, congressman hanggang sa naging Presidente ng Pilipinas.

Actually, kontrang kontra nga ng namayapa kong lolo ang desisiyong yan ni Dad kasi according to him, my dad has to manage pa our family business. Ayaw ni lolo na mapunta sa wala ang mga pinag-hirapan niya.  Kaya kahit busy masyado si Dad sa pulitika ay ginagawa pa rin niya ang lahat para maipakita sa lolo kong hindi niya pababayaan ang negosyong itinaguyod nito.

Last year, when my dad became the President, my kuya Tristan decided to help him na sa business. Himala nga e! Walang ka-amor-amor yang si kuya sa family business but viola he suddenly woke up and decided to help dad!

Di ko nga alam kung ano ang nakapag-pabago sa kanya. Dati puro laro, gimik, chix lang tong kuya ko. Pero simula nung kinausap kaming dalawa ni Dad tungkol sa kung gaano kahalaga sa kanya ang pag-sisilbi niya sa bayan, nakita kung medyo nagkaka-interes na din si kuya sa negosyo hanggang nga sa siya na ang namamahala nito.

Di na rin kasi kaya ni Dad, ikaw kaya ang maging Presidente ng Pilipinas, dba dba?

"Don't worry kuya. I'm fine. " Sabay ngiti ko sa kanya.

"Are you sure? Pero sa tingin mo sis, paano kaya nila nalaman na anak ka ng Presidente ng Pilipinas no? Eh katakot-takot nga yung ginawang pagtatago ni Dad sa identity mo dun."

"Di ko nga rin alam kuya,e. Pero maigi na din yun. At least dito na ulit ako mag-aaral, diba? Kasama ko na kayo ni dad. Malungkot din kasi dun sa America,e"

LOVE ME, or ELSE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon