III - Like nya ako?

89 1 0
                                    

Someone's POV

"Ang ganda nung bagong transferee sa Architecture Dep't ah."

"Ang ganda talaga niya."

"Kelly Suarez ata name niya."

"Tara hanapin natin mamaya pre, pakilala tayo."

Argh.

Nakakainis, simula na lang nung nag-transfer yang Kelly na yan dito sa Campus, nag-kanda-leche-leche na ang buhay ko.

Noon, alam kong ako ang pinakasikat dito, ako ang pinaka-pretty. Pero ngayon? Halos lahat na lang ng mga lalaki nagkaka-interes sa lecheng Kelly na yan.

At eto pa, eto pa.

Pati ba naman si Zake, aagwin niya sa akin?

Halos mag-mukha na akong santa para mapa-amo lang s Zake at pansinin tapos heto at bigla-bigla na lang syang  dadating para guluhin ang mga plano ko?

No way!

Zake is mine.

I'll make sure makakahanap din ako ng butas sa Kelly na yan.

I'll make sure of it.



Kelly's POV

"Zake, dali na. tayo ka na, please?" Pilit ko.

Andito kami ngayon sa may garden sa school. Pinipilit ko sa Zake na samahan akong pumunta sa mall. May bibilhin kasi ako para sa kuya ko.

Kailangan ko ang opinyon ni Zake para sa bibilhin ko, at syempre kailangan ko siya sa buhay ko.

Ahahaha.

"Ayoko nga kasi." sungit talaga tong gwapong to.

Hmmp.

"Waaah. Ganyan ka na. Ganyan ka na. Isang taon lang akong nawala, ganyan ka na. Di mo na ako love,. Waaaah! Ayoko na. Porke't ba may Clara ka na, kaya ganyan ka na? Oo nga pala, crush mo ba yun?Love mo ba yun? Oh my God, please don't tell me yes, mababaliw ako Zake. Promise na promise talaga, wa--- "

"Oo na. Sasamahan na kita. Dami pang sinasabi. Yan na yan talaga yung style mo" Nakita kong ngumiti siya ng bahagya.

Oh diba, napapayag ko? Malakas ako dyan e. Pag may gusto akong ipagawa sa kanya, ng-da-drama lang ako, pumapayag na yan.

Yun nga lang, yung pinakagusto ko sa lahat, wala pa rin. Waah hanggang kailan ko naman kaya hihintayin yun?

Anyways, at least parang malapit na, ramdam na ramdam ko na.


"Oh tulala ka na naman. Tara na" sabi ni Zake at lumakad na kami papalabas ng school.

Habang naglalakad, Kumapit ako sa braso ni Zake which is palagi kong ginagawa pag-magkasama kami.

Waah, bakit magksama na naman sila??

Ayan na naman, yung mga bubuyog, pakalat-kalat na naman.

Tsk.

Girl, wag mg-worry. I heard yung girl lang naman ang buntot ng buntot kay Zake?

Oh really?

Yes, She's very desperate you know, kaya wag kayong mainggit sa kanya. Zake doesn't like her.

Oh my she's a flirt pala.

 ako? flirt? Desperate? Ganyan na ba ang tingin ng mga tao sa akin dahil sa pagpu-pursue ko sa aking happiness?

Di ko alam pero bigla akong napatigil sa paglalakad at nabitawan ang braso ni Zake.

Flirt na ba talaga ako?

Really?

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Zake , inakbyan ako at idinkit ako sa kanya.

Napatingin ako sa kamay niya tapos sa mukha niya.

He was smiling at me.

"Remember this Kelly, you're not a flirt. Coz if you are? I never would have liked you."

Am I really hearing those words from him??

"What? Ui sabi mo di siya like ni Zake? Eh ano yun?, rinig kong sabi ng isa sa mga bubuyog. Sige na nga d na ako flirt, sabi niya eh.

Napalingun ako sa mga bubuyog sa likod.

"Bleeeh! Anong sabi niyo ngayon? Ahaha. Like kasi talaga ako nito" sabi ko sa kanila sabay gulo sa buhok ni Zake.

Narinig kong tumawa si Zake. "Ikaw talaga, ang kulit!"

Napalingon ulit ako at nakita kong sumimangot ang mga bubuyog.

Ahahahaha, buti nga sa kanila.

----------------------------------------------

Andito na kami dito sa mall.

Nasa men's section ng department store, to be exact.

Namimili ng polo para sa kuya ko.

Wala lang gusto ko lang regaluhan si kuya. Gwapo kasi at mabait sa akin.

Ahahahaha.

Kanina pa din ako tinatanung ni Zake kung para kanino daw yung bibilhin ko.

Sabi ko naman sa isa sa mga pinakam-importanteng lalaki sa buhay ko.

Di ko sinabing sa kuya ko.

Wala lang, gusto ko lang mag-pa-selos. Di kasi alam ni Zake yung tungkol sa kuya ko, at syempre yung tungkol sa Dad ko, yung sa pagiging presidente ni Dad.

Bale, di pa niya na-meet yung family ko. Pero yung family ko parang kilala na siya, kasi halos araw-araw simula nung nagkagusto ako sa kanya, updated ang kuya at dad ko.

Supportive naman sila. As long as alam ko daw ang limitations ko.

"Kelly, para kanino ba kasi yang bibilhin mo?" pangungulit ni Zake.

"Para sa importanteng tao nga sa buhay ko" Nakatalikod ako sa kanya ngayon habang nghahanap ng magandang design ng polo.

Di ko mapigilan ang ngiti. Di pa din kasi ako nakakarecover dun sa sinabe niya kanina.

Di ko din siya na-confront kanina nung nasa car na niya kami, kasi ano.

Ano,

Hahahah. Bigla akong nahiya.

"Sino nga kasi?"

"Lalaki nga kasi" asar ko naman.

"Lalaki pala ah. Bahala ka na nga diyan" Sabay lakad papalayo ni Zake.

"Oi san ka pupunta? Iiwan mo ko? Akala ko ba like mo ko?hhuhuhuhuhu"

"Sinabi ko ba yun? Sorry, wala akong ma-aalala"

Huwat?????

Walang maalala?

Pagkatapos akong kiligin ng bonggang-bongga kanina, eto lang ang mapapala ko ngayon?

 Ang sama niya!!!!!

LOVE ME, or ELSE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon