You Are

1.9K 70 49
                                    


Xiumin's POV


"Hoy!"-muntik na akong mapatalon sa biglang pagsigaw ni Sunny na nasa harap ko


"Bakit?"-inosenteng tanong ko


"Tingnan mo kung saan ang mas cute"-sabay pakita nya ng dalawang maliit na stuff toys nyang hawak


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Okay.. mas cute sya


"Bakit?"-tanong ko ulit


"Anong bakit ka jan! napupuno na ako sayo ha! kanina pa ako nagsasalita dito.. itong mga stuff toys lang pala ang kausap ko"-sabay wagayway nya ng mga hawak nya..-"Gagawin sana natin 'tong mga give aways!"


"Ahh.. ganun ba?"


"Ay naku Kim Minseok! ang ibang Exoshidae couples kinikilig at nagkakadevelopan na sa isa't isa tapos ako naman dito nahi-high blood dahil sayo?!"-sabi nya na mukhang disappointed sa'kin.


Lalapitan ko na sana sya ng bigla syang tumayo at lumabas ng Pasta Restaurant.. dito kasi kami nagkita para mapag-usapan at maplanuhan namin ang gagawin para sa darating na NDC


Kanina pa nga siguro sya nagsasalita tapos eto ako hindi nakikinig sa kanya dahil iniisip ko kung pano ko makakaya tong mga pinapagawa sakin ng school.. 


Hinabol ko sya palabas


"Sunny! Sunny! teka lang!"-pero tuloy pa rin sya sa paglakad at hindi man lang ako pinapansin..-"Sandali lang!"-sigaw ko ulit.. napansin ko namang tumigil sya sa paglalakad kaya binilisan ko ang mga hakbang ko para mapuntahan sya. Pero nung makalapit na ako.. nakita ko lang syang parang gulat habang nakatingin ng diretso sa harapan nya kaya tumingin din ako dito..


Isang lalaki..


"Sunshine"-sabi ng lalaki sa kanya sabay grin nito.. kumunot naman ang noo ko


"Ano.. anong ginagawa mo dito?"-tanong nya


Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.. naguguluhan ako ehh.. tinawag nyang Sunshine si Sunny.. ehh Sunny naman ang pangalan nya ahh.. at bakit parang takot ata si Sunny ngayon? galit sya sakin kanina ahh? ba't biglang natakot? kilala kaya nya itong lalaki at takot sya dito.. ehh teka lang.. sino ba tong lalaki?

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now