Brgy. Landian plus BAEKYEON

1.8K 52 222
                                    



Yoona's POV



"Sure kang okay ka lang ba?"-sabay himas ko sa buhok ni Cutie ko.. nawala na ata ang rainbow color sa buhok nya.. sobrang stress ata.. kunsabagay BUWIS BUHAY daw ang ginawa nyang pagligtas sakin ehh..




Napatango naman sya. muli kong hinawi ang buhok nya saka hinalikan ang kanyang noo.




"I love you.."-sabi ko




"I love you more than you do"-saka nya kinurot ng mahina ang ilong ko.. kinilig naman ako dun.. hue hue.. grabe ba't ang cute nya! maski mga pasa ata bumabagay sa mukha nya.. I KENNOT^^




Anyway's nandito kami ngayon sa hospital ni Tao.. ewan ba't pinasarado nya ang buong hospital na ito para exclusive lang daw sa Exo at Snsd.. ayun nagsilayas ang mga pasyente dito noong isang araw bitbit bitbit ang mga dextrose nila.. ang iba pa nga nakisakay nalang sa wheel chair ng iba..




Naka-upo ako ngayon sa kama ni Sehun.. nakahiga sya.. pinuntahan ko agad sya nung mejo magaling na ang pakiramdam ko.. kasi naman daw hindi pa daw mabuti yung pakiramdam nya.. kaya eto.. bed rest pa daw sya..



Siguro nga grabe talaga ang pinag daanan nya para lang maligtas ako.. Hay.. you're my HERO!




"Tama na yan ano ba!"-napatingin ang lahat kay Taeng unnie ng bigla itong sumigaw




"Problem?"-baling sa kanya ni Sica unnie habang ang isang kamay ay hawak ang isang piraso ng ubas at nakatuon sa ngumangangang si Kris.. -.-




Napansin ko nga.. simula pa kanina wala silang dalawang ginawa kundi ang mag-subuan habang nagbabasahan ng iba't-ibang klase ng libro ng Disney Love stories.. anyare?




"Ang ingay nyo grabe!"




"Yun lang ba ang problema mo?"-si Sunny unnie naman ngayon ang nagtanong sa kanya.. katabi nya si Xiumin na inaabutan ito ng.. wet wipes ata? teka! pamilyar yun ah!




Nakita ko namang nagulat si unnie saka kumunot ang noo nito.

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now