Sehun_Tao_Baekhyun

1.1K 53 62
                                    



Sehun's POV



Nandito ako ngayon sa isang kwarto..isang kwarto na walang kesame..kita ang mga clouds sa ibabaw..ito siguro ang roof top ng mansion nato..iniikot ng paningin ang paligid..




Isang malaking kwarto..walang lamang kwarto..tanging limang pintuan lang..pati na yung pintuang pinasukan ko..at iilang bato at mga buhangin sa sahig.




Ano kaya ginagawa ng iba ngayon? saan kaya sila napunta? sana ligtas sila




Anong gagawin ko dito?




"Sehun! waaahhhh!!!"-napatingla naman ako at nakita ko si Jongin hyung na sumusigaw sakin at hagit hagit ng isang malaking itim na ibon..




"Waaahh!!! hyung!!!"-sigaw ko rin pabalik..nagmukha naman akong abnormal sa ginawa ko -.- mejo nagulat kasi ako ng makita ko sya..kinabahan rin ako para sa kanya..at saka yun ang reaksyon ko ehh..tss..bahala na nga..ano ba ang pinaglalaban mo Oh Sehun?




Wala ata akong magawa sa kanya..mejo mataas sya at hindi ko sya maabot.




"Maknae magtago ka!"-muli nyang sigaw sakin..pero huli na ang lahat dahil nakapulot na ako ng isang bato sa gilid at tinapon ito sa ibon..at isa pa wala akong matataguan  silid na to.




Bigla namang tumingin ang ibon sakin at nakitang pula ang mga mata nito..




Mabilis naman akong napasandig sa dingding dahil sa sobrang takot at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko..





Napasinghap naman ako ng biglang yumanig ang kwarto..at maya-maya pa ay may lumabas na bagay hula ko kesame ito.




Anong klaseng lugar to?




Tumingala ulit ako..-"Hyung!"-sigaw ko kay hyung na hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang hawak ng malaking ibon  sakanya..

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now