Suga's P.O.V
"Science is a systematic enterprise that builds and organizes knowledge in the form of testable explanations and predictions about the universe and it is also the intellectual and practical activity encompassing the systematic study of the structure and behavior of the physical and natural world through observation and experiment."
"Very good Mr. Min! Class, dapat gayahin niyo siya. Hindi 'yang mga estudyante na puro computer games. You may now sit down." Puri ni Ma'am Page. Umupo na lang ako at hinihintay ang mga insulto na bubungad sa akin.
"Ang talino talaga ni dre, hahaha!" Sabi ni Hoseok habang lumalamon ng junk food nang patago. Nginitian ko na lang siya at nag-focus sa tinuturo ni Ma'am.
"Taena ang bading hahaha."
"Edi wow. 'Di naman marunong mag-DOTA."
'Yan nanaman sila, puro na lang DOTA ang bukam-bibig. Pati na rin yung mga kaibigan ko, na-adik na sa DOTA. Ako na lang ata ang hindi marunong mag-DOTA sa tropa namin. Pati nga yung kapatid ni Namjoon na si Y/n nagdo-DOTA rin. Speaking of Y/n, bakit wala pa siya?
"Asan na yung babaeng yun? Diba Jimin magkasama kayo kahapon? Hindi ko na kasi siya na-abutan eh. Natulog na ako ng maaga." Tanong ni Namjoon kay Jimin.
"Ewan ko. Nag-DOTA lang naman kami kahapon tapos hinatid ko na siya sa bahay niyo." Tugon naman ni Jimin.
"Sorry Ma'am I'm late."
Andyan na pala siya, hingal na hingal. Malamang nag-puyat nanaman siya.
"Care to explain why you're late Ms. Kim?" Sabi ni Ma'am Page.
"Napuyat po kasi ako Ma'am. Nag-DOTA po ako kagabi." Paliwanag niya. Hay nako, ano naman kasing matutulong ng DOTA sa pag-aaral? DOTA na lang lagi, ano ba yan. Nakaka-imbyerna na.
"Next time na mahuli kita ulit ma-late, sabay ko kayong bibigyan ng detention ni Mr. Park dahil napapansin ko na lagi kayong nale-late na dalawa sa klase ko. Please be seated."
"Y/n naman, baka umabot 'to kay Mom and Dad." Sabi ni Namjoon sa kanyang kapatid. Oo, sila ang may ari ng 5 story school na pinapasukan namin and magka-kasundo rin ang aming mga magulang. 'Buti pa sila, tumatagal ang pagka-kaibigan.
"Sus, kaya ba nila? Subukan lang nila baka mapa-alis ko pa sila dito." Ayan nanaman siya, lagi naman siyang ganyan eh.
"Okay class, may project kayong kailangang gawin. Observe. Research. Formulate a hypothesis. Test the hypothesis. Record and analyze the data and draw conclusions followed by the questions what problem was studied, why was the study conducted and how long was the study conducted. In short, gagawa kayo ng investigatory project. Any study wil do." Sabi ni Ma'am Page habang sinusulat sa board ang mga questions.
"Ay gagi, kapapasok ko pa lang tapos ito yung bubungad sa akin?"
***
"Kookie, may assignment ba tayo sa Science?" Tanong ni Y/n kay Jungkook."W-Wala po n-noona." Tugon ni Jungkook na pulang pula na ang mukha at mukhang hindi mapakali.
"Tsss. Jungkook can't even calm himself." Pang-aasar ni V. Tumawa naman silang lahat. Habang ako, nagse-seryoso sa pagre-review.
"Ang tahimik mo naman ata diyan Suga. Akin na nga yang libro mo." Hindi ko na lang pinansin yung nag-salita nang may biglang humablot sa libro ko.
"Huy akin na nga yan! Kailangan kong mag-review. May quiz tayo sa History." Sabi ko kay Jin at tumigin naman lahat sila sa akin. Lahat sila napa-nga nga. Nakikinig ba talaga sila?
"Hala, hindi ako nakapag-" Magsasalita sana si Hoseok ngunit naputol ito ng bell.
***
Hello mga readers :) Sorry kung maikli ang update and sorry din kung pangit yung quality ng story cover. Nag-mukha kasi siyang na-pixelate ng kaunti. Ita-try ko ring mag-update bukas. Thankyou for reading :) ♡-Suga_Tine (Christinechandria_14)
YOU ARE READING
Suga x Reader (Tagalog) My DOTA girl
FanfictionDOTA? 'Yan lang naman ang larong pinagkaka-abalahan ng mga estudyante. Mga estudyante na nagka-cutting class, late nang umuwi ng bahay, hindi na nakakakuha ng mga mataas na grade, laging pinapagalitan, laging puyat, laging inaantok, nahahatulan ng d...