Y/n's P.O.V
Nang lumabas na ako sa C.R, tumakbo ako para tabihan agad si Suga para sa English class. Last na yung English subject namin so pagkatapos ng lesson, homeroom na and you'll never know kung ano'ng pwedeng gawin ni Chloe.
"Ay kalabaw!"
"Ayos ka ah. Mukha ba akong kalabaw?" Ay grabe siya oh. Mukha ba talaga akong kalabaw? Ang daming pumu-puri sa'kin na mga tao na ang ganda ko daw tapos may sumulpot bigla na mushroom. Hays.
"A-Ah, hindi Y/n. Nagulat lang kas-si ako. Ang totoo eh, maganda ka n-naman talaga." Sabi sa akin ni Suga. Wait lang, bakit may naramdaman ako bigla sa tiyan ko at puso? Butterflies and heartbeat? Ay hindi! Hindi mangyayari yun. Never in a million years ako ma-i-inlove. Heck no.
Ang konti ng mga estudyante. Malamang nag-practice sila para sa tournament. Hindi niyo alam kung gaano ko nang gustong maglaro ng DOTA. Huhuhu, DOTA I miss you already. Ka-imbyerna kasi si kuya eh. Sinumbong ba naman ako kay Mom and Dad. Na-grounded tuloy ako for one week at hindi ako nakapag-laro. Malapit na tournament eh. Kailangan nang mag-practice.
Dumating na yung teacher namin, probably the most boring teacher ever. As usual, hindi naman ako nakinig at taas naman ng taas ng kamay si Suga. Ang nerdy talaga. Nerdy na gwapo.
"Well, I guess that you're really interested in my subject, class. I'll see you around." Umalis na yung teacher namin.
"Mang-aagaw."
"Ahas."
"Landi."
Ano nanaman bang problema nila at kailan pa ako naging hayop, aber? Wala naman akong ginagawa ah. Ah, oo nga pala. Yung words of wisdom ko ba?
Sa lahat ng subject, tila ang naririnig ko lang ang pag-da-daldalan nila Suga and Chloe. Marunong din palang dumaldal si nerd.
"Oy nerd! Manahimik nga kayo ng kadal-dalan mo." Sinusubukan talaga ako nitong Chloe na'to ah. Parang gusto niya atang ma-sample-an.
Tutal friday ngayon, naka-rubber shoes kaming lahat. Habang nag-da-daldalan si Nerd and Chloe, pinag-buhol ko yung shoelaces niya. So kapag tumayo siya, face plant.
"Uy Chloe! Bes halika dito, dali!" Yes! Thankyou Lord. Mangyayari na yung plano ko.
"Ano ba naman yan. Nang-iistorbo. Yoongi-Oppa, diyan ka muna ha." Nakaramdam ako ng inis, parang inis na nag-se-selos.
"A-Ah, oo s-sige." 'Yan nanaman yung pa-utal-utal mo nerd. Takot ka ba sa mga babae katulad ni Kookie?
"Tanga! Ahahaha! Gaga mo! Bobo mo amputa!" Narinig kong sumigaw ang iba at napansin ko na lang na na-face plant na yung mukha ni Chloe. Mission succes and only to find myself plastering a smirk on my lips. Yoongi-Oppa? Don't even try me Chloe.
***
Hi mga readers :) Bakit kaya mukhang na-iinis at nag-se-selos si Reader? :) ♡-Suga_Tine (Christinechandria_14)
YOU ARE READING
Suga x Reader (Tagalog) My DOTA girl
FanficDOTA? 'Yan lang naman ang larong pinagkaka-abalahan ng mga estudyante. Mga estudyante na nagka-cutting class, late nang umuwi ng bahay, hindi na nakakakuha ng mga mataas na grade, laging pinapagalitan, laging puyat, laging inaantok, nahahatulan ng d...