Chapter 4

196 5 10
                                    

Suga's P.O.V

"Annyeong Chloe." Hays, ang ganda talaga niya. Biglang may humila sa akin palabas at napa-dapa ako.

"Sorry, Suga! Hindi ko sinasadya. Tara samahan mo ako sa Computer shop." Si Y/n nga pala, may ginagawa ba akong mali? Napansin ko na lagi na lang akong na-a-aksidente kapag nakikita ko si Y/n eh. Kahapon, natapilok ako. Kaninang lunch, nadulas ako. Tapos ngayon naman, nadapa ako. Hays, ang lampa ko talaga. Nabawasan tuloy pogi points ko. Computer shop? Hindi na lang ako umangal at sinundan ko na lang yung gusto niya.

"Wait lang pala, ano'ng gagawin natin sa computer shop?" Tanong ko sa kanya. Clueless talaga ako.

"Ang slow hands mo naman! Ano pa bang ginagawa ko sa computer shop? Teka, kilala mo ba talaga ako? Pasalamat ka sa'kin....Never mind." Huh? Ano naman yun? Mag-pa-pasalamat ako saan? Ano nga ba ang gagawin ni Y/n sa computer shop?

"Mag-pa-pa-print para sa project?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko talaga alam eh. Ang clueless ko talaga.

"Hindi, mag-do-DOTA ako. Slow hands mo talaga Suga." Sabi sa akin ni Y/n at ginulo yung buhok ko. Naramdaman kong namula yung mukha ko at napansin ni Y/n 'yun. Pero thank God tumawa lang siya. Ang cute ng tawa niya. So kyeopta.

Y/n's P.O.V

"Hindi mag-do-DOTA ako. Slow hands mo talaga Suga." Ginulo ko ang buhok niya and surprisingly, his hair is really soft. Gaano karaming shampoo and conditioner ba ang ginagamit niya? Kainggit naman. Curious din ako kung ano ang ginagamit niyang products para sa buhok niya. Teka lang, stalker mode on?

"Bobo mo naman! Matatalo tayo niyan eh."

"Oy ayusin niyo maman! Malapit na tournament. Ang-la-lamya!"

"Tapos na po yung time ng number 5!"

"'Teh pa-extend pa po!"

Pumasok na kami sa loob ng computer shop at sobrang dami ng tao. Nag-si-sigawan, binabatukan ang isa't isa kapag natalo, at nag-mu-murahan. Napansin ko naman na nag-wince si Suga. Nako, baka sensitive yung mga tenga niya kaya siya nag-wince. Mahilig pa naman 'tong tumambay sa matahimik na lugar at malamang hindi talaga siya sanay. Hays, ang bopols ko talaga.

"Uy captain! Ang tagal naming naghintay. Ba't ang tagal mo naman?" Tanong ni V sa akin.

"Grounded nga ako diba? Hindi ako pwedeng mag-cut ng class kasi may balak gawin si Chloe kay Yoongi. Basta, mamaya ko na lang sasabihin sa inyo pagkatapos ng practice natin." Sabi ko na lang sa kanya at umupo sa bakanteng upuan.

"Ok lang ba Yoongi? Gusto mo bang umupo muna?" Such a stupid question Y/n. Malamang gusto niya talagang umupo. Nag-a-alala na ako sa kanya. Halatang hindi talaga siya sanay at hindi siya nakaka-relate dahil hindi naman siya isang DOTA player and first time ko din pala ulit ma-concern.

"O-Ok lang ako Y-Y/n." May problema ba siya sa pag-sa-salita? Pero kapag sa recitation naman, walang tigil at parang alam na niya ang lahat.

Tumingin siya sa labas at umupo sa tabi ko. Tumingin ulit ako sa kanya napansin ko yung complexion niya. Grabe sobrang puti. Sa sobrang puti niya, parang vampire na siya. Nakaka-inggit naman yung skin niya, ang puti. Yung lips niya, medyo red and pink-ish. Ang gwapo niya talaga, pero iba na gusto niya eh.

Pero posible nga bang mag-kagusto ako ulit sa'yo at mahumaling ang puso at sarili ko sa'yo?

***
Annyeong readers :) Kamusta na kayo? Ako hindi pa rin naka-move on sa MBC nung saturday at hindi ko rin na-pigilan yung sarili ko sa pag-suot ng BTS na t-shirt. Sana rich kid na lang kasi lahat ang mga fan girls \>_</. Anyway, thankyou nga pala sa pag-basa ng libro ko :) ♡.

-Suga_Tine (Christinechandria_14)



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Suga x Reader (Tagalog) My DOTA girl Where stories live. Discover now