Chapter 2

160 4 2
                                    

Namjoon's P.O.V

"Sige, magkita tayo sa library palagi ah?"

"Uhm, ok sige."

"Ang pula ng mukha mo ah. Ano'ng nakain mo?" Tanong ko kay Suga.

"Ah, e-eh, wala! B-Basta." Nau-utal utal niya pang sinabi.

"Kinausap ka lang inlove ka na niyan?" Asar ko sa kanya at mas lalo pang namula yung mukha niya. Sobrang visible nung pagba-blush niya, dulot na rin ng maputi niyang mukha.

"Hindi ah. Sabi lang naman niya magkita daw kami sa library araw-araw." Sagot naman niya sa akin.

"Library, araw-araw?! Tangina baka ginagamit ka lang nung babaeng yun! Ang dami ng nang-ganyan sa'yo. Yoongi, sabi ko naman sa'yo eh, ginagamit ka lang ng ibang mga babae dahil lang diyan sa katalinuhan mo. Binibigay mo sa kanila yung grades mo eh. Sasabihin nila na "Pakopyahin mo ako, tapos mag-de-date tayo", uto uto ka naman eh. Lagi kong naririnig na nag-uusap yung mga babae na ginagamit ka lang daw para tumaas grades nila. Min Yoongi ilang beses na kitan pinag-sabihan diyan."

Hindi ko na napigilan yung bibig ko na ilabas yung mga salitang nasabi ko. Hindi ko naman siya dina-down eh. Ginagawa ko lang naman kung ano ang makabubuti sa kanya para hindi siya umasa. Masasaktan lang siya eh.

"Mianhae hyung, pero gusto ko talaga si Chloe eh. Alam ko na magugustuhan niya rin ako at hindi niya ako gagamitin." Sabi niya with a hopeful voice.

"Ewan ko sa'yo. Ang stubborn mo talaga kahit kailan. Maiwan na nga kita." Ang sabi ko na lang sa kanya. Ang kulit niya talaga.

Y/n's P.O.V

Grabe, sobrang ingay ng mga babae. Pati ba naman yung ingay nila, nakarating pa rin dito sa C.R? Lagi na lang bukam-bibig ang mga lalaki. Nagpa-plastikan. Paano kayo magugustuhan ng mga lalaki kung ganyan naman kayo umasta, aber?

"Nauto ko nanaman yung gilagid na yun. Ang galing ko talaga." Proud pa talaga yung nagsabi ah. Wait lang, gilagid? Parang kilala ko yun ah.

"Gilagid? Bes, sino yun?" Tanong naman nung isa.

"Sino pa ba? Edi si Min Yoongi. Ginagamit ko lang siya para mas tumaas pa grades ko. Easy, mangongopya lang ako sa school works niya at sasabihin ko sa kanya na mag-de-date kami." Ay gaga. Lahat sila nagtawanan ng sobrang lakas. Ka-imbyerna! Sino naman sila para ganyanin yung tropa ko?

"Eh gago ka pala eh! Tangina wala kang kwenta! Sino ka para ganyanin yung tropa ko? Gusto mo ipa-drop out kita dito sa school namin?" Tama nga. Ganyan nga Y/n. Konting tiis na lang makakasapak na ako.

"Oh my gosh!" Sige mag-bulungan pa kayo.

"Pwede bang 'wag ka nang makisali dito? Bakit? Kasali ka ba sa usapan namin? Alam kong gusto ako ni Suga-Oppa, kaya lahat ng plano ko, matutuloy!" Wow! Nakakabilib, isa ka bang manghuhula? Ikaw? Gusto ni Suga? Gaga! 'Wag kang assumera at natawag mo pa siyang Oppa. This girl is really pissing me off.

"Tanga, 'wag ka ngang assumera! Sige, gawin mo lang 'yang plano mo at tingnan natin kung masisikatan ka pa ng araw. Alam mo? Ang ayaw ko sa lahat, yung pinag-ti-tripan yung tropa ko. Kaya Chloe, ayusin mo yan, pati 'yang mga kaibigan mo. Kapag may nakita lang akong isa sa inyo na lumapit sa mga kaibigan ko, hindi lang suntok ang aabot sa inyo." Sabi ko sa kanila. Lahat sila, naka-titig lang sa akin at walang masabi. Totally speechless.

"Girls, tara na nga. Baka masabunutan ko pa 'yang babaeng yan." Bungad ng isa pang babae na pulang pula ang bibig.

***
Hello mga readers :) Kamusta na kayo? Sana magustuhan niyo itong chapter na ginawa ko. Marami kasi kaming ginagawa sa school gayon. Ita-try ko ring mag-update bukas. Thankyou for reading :) ♡

-Suga_Tine (Christinechandria_14)

Suga x Reader (Tagalog) My DOTA girl Where stories live. Discover now