Prologue

8 0 0
                                    

Naranasan mo na bang magkaroon ng isang matalik na kaibigan?

Isang kaibigan na pinagkatiwalaan at buong puso mong minahal na para naring isang kapatid.

Isang kaibigan na makakasama mo habang buhay, isang kaibigan na pinagsasabihan mo ng mga sikreto at hinanaing sa buhay.

Ngunit paano nalang kung ang inyong pagiging magkaibigan ay mauuwi sa
pagkamuhi at galit?

Paano nalang kung ang kanilang parehas na nakaraan ay syang dahilan kung bakit parehas naging miserable ang buhay nila ngayon?

Paano nila matatakasan ang poot at galit na matagal ng nasa puso nilang dalawa?

>>>>>>>>>>

"Hindi lang ikaw ang nawalan, hindi lang ikaw ang nahihirapan kundi pati ako! Kaya wag mo sakin isisi ang lahat dahil biktima rin ako dito!"

"No! Ng dahil sayo naging miserable ang buhay ko! Ngayong alam ko na ang katotohanan, ayoko na muling makita ka! Ayoko na muling maging kaibigan ka!"

"Pero Maydel, hindi ko kayang mawalay sayo dahil ikaw lang ang natatangi at pinagkakatiwalaan kong kaibigan! Wag mo akong iwan"

"Huli na ang lahat Edlis, ikaw ang dahilan kung bakit unti-unti akong nauubusan ng pag-asa! Ng dahil sayo gusto ko ng mamatay!"

"Wag Maydel, maniwala ka sa Diyos, kaya nyang baguhin ang lahat, kaya nyang hilumin ang sugat sa ating mga puso!" 

©BraveGrave

Hysterical FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon