Part II: The Truth Of Everything

13 1 0
                                    


Kinagabihan tila hindi makapagpractice si Maydel dahil sa emosyon nya, tila kahit anong gawin nyang pag-eensayo ay parang hindi ito nakakatulong sa kanya. Sapagkat ang pag-eensayo nya ay wala sa puso dahil puno ito ng inggit at galit.

Nakaupo si Maydel sa kama nya at salo-salo ng kanyang mga palad ang mukha nya, tila stress na stress na ito.

"Bakit sya pa ang napili?! Gusto kong maging singer! I deserve it!" galit na sabi ni Maydel

Kailangang magwagi si Maydel upang matupad ang pangarap nyang maging isang tanyag na singer kahit ang kanyang kakumpetensya ay ang sarili nya pang best friend.

Mayamaya napatunghay si Maydel ng biglang nagbukas ang pintuan ng kanyang kwarto.

"Hi Maydel" nakangiting bati ni Edlis

"Sorry ha? Ginamit ko nanaman ang pinaduplicate kong susi para makapasok dito sa apartment mo hahaha" biro ni Edlis sabay pakita nya ng susi na ginamit nya para buksan ang apartment ni Maydel

"Anong ginagawa mo dito?" sarcastic na sabi ni Maydel

"W-wala lang... I just want to see my best friend" nakangiting sabi ni Edlis ngunit biglang tumayo si Maydel at kanya nyang tinulak ang kaibigan

"So get out! I don't need best friend!" galit na sabi ni Maydel habang tinutulak nya ang kaibigan palabas ng kanyang apartment

"M-Maydel! Wag mo namang gawin to! Please, I need best friend" halos di magkamayaw ang pag-agos ng mga luha ni Edlis habang sya'y tulak tulak ng kaibigan palabas ng apartment

"Best friend? Marami dyan diba? Halos lahat nga gustong makipagkaibigan sayo! Doon ka nalang! Kaya kong mag-isa!" sigaw ni Maydel sabay taboy sa kaibigan palabas ng pintuan ng sala at kanya nyang isinara ang pintuan

"Maydel! Mag-usap tayo please!" sigaw ni Edlis habang kinakatok nya ang pintuan

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Edlis" sigaw ni Maydel habang pinipigilan nito ang emosyon

Ngunit hindi nagpatinag si Edlis sa pagkatok, napasandal nalang si Maydel sa pintuan at unti-unting napaupo habang umiiyak.

"Maydel! Buksan mo to!" halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Edlis

Tila punong-puno ng emosyon ang gabing ito.

Kinabukasan, ito na ang itinakdang araw para sa pagpili ng dalawang mang-aawit na ipanglalaban sa regional contest, tila kinakabahan ang apat na mang-aawit sa mangyayaring labanan, sila'y nag-eensayo ng kanilang boses maliban lang kay Edlis na tila tahimik at walang imik.

"Hey! Hindi ka ba kinakabahan?" tanong ni Mejalee kay Edlis ngunit umiling lang si Edlis habang nakatulala sa kawalan

"Kailangan nating galingan dahil maaaring tayo ang mapili" ngiting sabi ni Mejalee ngunit ngumiti lang ng tipid si Edlis

"May problema ba Edlis?" singit ni Nicole ngunit hindi lang nagsalita si Edlis bagkos ito'y lumuha lamang

"Kaya mo yan, sige aalis na kami para mapag-isa ka" sabi ni Nicole sabay alis.

Mayamaya biglang lumapit si Maydel kay Edlis na kinagulat naman ni Edlis, napatayo pa nga ito at nakangiting hinarap si Maydel.

"M-Maydel?" tila hindi makapaniwala si Edlis ng makita nya ang kaibigan

"S-sorry Edlis..." nakatungong sabi ni Maydel

"Its okay! So bati naba tayo? Oh Lord thank you!" masayang sabi ni Edlis, napangiti naman si Maydel

"Naisip ko, hindi ko pala dapat awayin ang best friend ko" nakangiting sabi ni Maydel

"Okay lang! Ang saya ko!" nakangiting sabi ni Edlis

Hysterical FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon