Part I: Friendship goals

12 0 0
                                    

Third Person's POV

"Whhooo! Nakakapagod mag practice!" reklamo ni Edlis habang naglalakad sila ni Maydel sa gilid ng simbahan

"Sinabi mo pa! Pero sana parehas tayong mapasok sa regional contest ng church natin no? Gusto ko rin kasing lumabas dito sa probinsya natin" kamot ulong sabi ni Maydel

"Wag kang mag-alala, sigurado akong mapapasama tayo sa dalawang singer na lalaban sa regional, just trust God as always" nakangiting sabi ni Edlis gumanti naman ng ngiti si Maydel

Mayamaya sa kanilang paglalakad, nakasalubong nila sila Nicole at Mejalee na isa rin sa kakumpetensya nila sa contest.

"Hi Edlis! Ang galing mo kanina ah?" nakangiting sabi ni Mejalee

"Salamat, kayo rin naman magagaling." tugon naman ni Edlis

"Pero mas magaling ka pa rin! Sana nga tayo nalang nila Mejalee ang mapasama sa regional contest!" sarcastic na sabi ni Nicole habang palihim na tinitignan si Maydel na tila tahimik lang na nakikinig sa kanilang usapan

"A-ah ganon ba? S-sana nga... Pero di natin masasabi malay mo hindi tayo mapasama pero think positive" tugon naman ni Edlis

"T-tara na Edlis umuwi na tayo" walang emosyon na sabi ni Maydel

"Oh, gosh! Nandito ka pala Maydel? Sorry ha, di kita napansin" sarcastic na sabi ni Nicole

"Sige Nicole, aalis na kami" sabi ni Edlis sabay lakad narin papalayo sa kinaroroonan nila Nicole

"Wag mo nalang silang pansinin Maydel, basta para sa akin, ikaw lang ang pinakamahusay at pinakamagaling kong kaibigan sa buong mundo!" nakangiting sabi ni Edlis sabay akbay sa kaibigan

"Sus nambola ka pa!" kantiyaw ni Maydel sa kaibigan at nagpatuloy na silang naglakad papalayo.

Kinagabihan, kahit sobra ng gabi, busy parin si Maydel sa pag-eensayo ng kanyang boses, tila pursigido syang mapasama sa regional contest ng kanilang church.

Nagvo-vocalization sya at kumakanta ng iba't ibang church songs. Bukas narin kasi ang itinakdang elimination round para sa pagpili ng top 4.

Sa gitna ng kanyang pag-eensayo bigla syang nagulat ng mapansing unti-unting bumubukas ang pintuan ng kanyang kwarto, kaagad natakot si Maydel dahil wala namang ibang papasok sa kwarto nya kundi sya lamang, sa apartment lang kasi sya nakatira at sya'y mag-isa lamang dito.

Kaagad sumuksok si Maydel sa gilid sa takot na makita nya ang nilalang na balak pumasok sa kanyang kwarto.

Hanggang sa---

"Hi Maydel!" biglang napasigaw si Maydel ng marinig nya ang tinig na yon ngunit tumawa lamang ng malakas ang nilalang na pumasok sa kwarto nya kaya unti-unting sumilip si Maydel sa pagkakatakip nya sa kanyang mga mata gamit ang kanyang magkabilang kamay at ng mapagtanto nya kung sino ang pumasok sa kanyang kwarto ay kaagad syang napatayo at pinaghahampas ang kaibigan nya.

"Edlis! Ano bang ginagawa mo dito?! Aatakihin ako sayo!" inis na sabi ni Maydel

"Hahaha, natakot ba kita? Nakakatawa ka! Napakamatatakutin mo!" biro ni Edlis sabay upo sa kama ni Maydel

"Saan ka dumaan? Nakalock ang pintuan sa sala ah?" kunot noong tanong ni Maydel sabay upo sa tabi ni Edlis

"Ahihihi, because of this..." nakangiting sabi ni Edlis sabay pakita nya ng isang susi na ginamit nya para makapasok sa bahay

"Saan galing yan? Para kang akyat-bahay gang o magnanakaw!" biro ni Maydel

"Natandaan mo ba nung isang linggo na iniwan mo sakin ang bag mo? Hinalungkat ko yung bag mo tapos kinuha ko yung susi sa bahay nyo tapos pinaduplicate ko" tugon ni Edlis

Hysterical FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon