1: Prudence Sophia Marquez (Vocalist)
“Ayaw ko na prudence! Ilang bes ko ba sasabihin sayo hindi na tayo magjowa, kalerki ang hirap ng ganto” ani ni Zane saakin. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, kahit alam ko naman ang totoo. Umaga, andito ako ngayon sa harap ng isang food chain sa Mall at hinahabol ang lalaking minahal ko. Nilunok ko na nga ang sarili kong pride.
“Zane naman! Hindi ko kaya!” Sagot ko. Hindi ko kayang mawala sa tabi ko si Zane, 3 years na din kasi kaming mag-on tapos iiwan niya ko?!. Kalokohan! Mataray ako pero nang dahil sa kanya nawala ang ibang negative attitudes ko.
“Enebenemen Prudence! Bakla ako, ilang beses ko naman sayo sasabihin sisteret! Mas malandi pa ako sayo no!” saad niya. Alam kong nagbibiro lang siya sa tinagal tagal namin.
“Zane Mark”
“It’s Zany Mae” malanding pagpuputol niya sa sasabihin ko
“Ok, Zany Mae naman wag ka magbiro 3 years din ang tinagal natin, imposibleng bakla ka!” Sigaw ko, tumingin ang ibang tao samin kaya napayuko na lang ako. Sa tingin ko tama naman ang sinabi ko. Pano niya ko matitiis ng ganong katagal na taon? Kalokohan.
“Awtsupabels, nahurt ako dun! Gusto ko kasi mapalapit sa bestfriend mong si Jai my loves! Kaso hindi nagwork, 3 years din yun te! Ays lang may baby nanaman ako ngayon. Omegesh!” saad niya sabay paghawi ng maikli niyang buhok, totoo nga, hayyy
“Baby Zany Mae! Yuhuuu” nakuha ng attention ko ang isang lalaking kumakaway at nagflying kiss kay Zane Ma ay este Zany Mae.
“Oh ayan prudence te! Gora na ko sa pupuntahan ko, ayan na ang buhay ko! Hihihi, move on ka na te kalerkey tong girl na to.” saad nya
“Teka teka!” pagpipigil ko pero umalis na siya habang gumegewang ang bewang papunta dun sa lalaki. Ano ba naman yan ang unfair ng life, hayyy. POGI NGA BAKLA NAMAN. Uso yan ngayon! Pisti.
Lumabas na ko ng mall at naglalakad, san naman ako pupunta? Masyadong matraffic ang kalsada ngayon, maraming tao ang napuntang Mall siguro dahil malapit na din magpasko, hay di ko pa din lubos na maisip na bakla si Zane, masakit kaya sobra lalo na BAKLA pala ang mahal mo, kung alam ko lang sana hindi na lang siya! Kalokohan. Kaya pala hindi kami nagkikiss, hindi naghoholding hands akala ko kasi siya yung lalaking malawattpad na cold ewan, tuwing nandyan si Jai akala ko kaya lagi siyang natabi sa gitna namin kasi nagseselos siya kay Jai yun pala gusto niya lang makatabi ito. Kaya pala tuwing magkakasama kaming tatlo tuwing sabay sabay kami kumakain nilalagyan niya ng pagkain ang plato ni jai, akala ko bilang pakikisama lang pero iba pala ibigsabihin nun. Sabi nga nila andaming namamatay sa maling AKALA. Hindi man ako patay as in wala na sa mundo yet unti unti naman pinapatay ang puso ko, sounds corny pero yun yung totoo.
“She's not a saint, and she's not what you think
She's an actress, whoa
She's better known for the things that she does
On the mattress, whoa”Ngayon ko lang napansin na may tumatawag sakin hinalungkat ko kung nasan ang cellphone ko, got it .
*Raegan Calling*
Sinagot ko ito.
[Hello! *Sniff* Prudence-ee.. So-phi..aa *Sniff* Mar..quez *sniff*]
“Problema mo?” pagtataray ko.
[Si.. *sniff* si Adina *sniff*]
BINABASA MO ANG
Classical Romance
Fiksi RemajaPaano kapag ang limang myembro ng Not-so-Famous Girl band ay magiging MAID ng apat myembro isang sikat na boy band? At sa hindi inaasahan, maloloka ka sa unique at iba’t ibang ugali ng mga babaeng ito. Matitiis kaya sila ng mga lalaking tuwing nasa...