Sinusubukan kong kumalma sa kabila ng kaba at panginginig ng kamay ko. Kanina pa ko iyak ng iyak sa bench na kinauupuan ko. Pilit ko mang pinipigilan at pinapahinto ay di ko maggawa. Sobrang nag-aalala ako sa kanya. Alam ko hindi kami ganun kaclose para mag alala ako sa kanya pero hindi ko maiwasan. Since nung araw na makilala ko siya naging magaan na ang loob ko sa kanya. "Matagal na siyang lumalaban sa sakit na yun. At naaawa na kami sa kanya." Napalingon ako sa kanan ko ng biglang may magsalita sa tabi ko. Yung Mommy pala niya na kanina pa rin umiiyak. Mas lalo tuloy akong naiyak dahil namiss ko agad si mommy. Nakabagsak ang ulo niya sa mga palad niya habang patuloy lang sa paghagulgul. Wala naman akong ibang maggawa dahil kahit ako umiiyak rin, hinimas himas ko na lang ang likod niya para patahanin siya. Mga ilang oras rin kaming naghihintay na lumabas na ang doktor at umaasang may magandang balitang maihahatid.
Bumukas ang pinto agad kaming napalingon ng mommy ni Zen at tumayo ng nakalapit samin ang doktor. "K-kumusta na po *sniff* ang a-anak ko?" Gumagalaw kaliwat kanan ang ulo niya. Iniisip ko wala na si Zen. Nagsisimula na namang bumagsak ang mga luha ko. Ganun din ang mommy ni Zen. "Sa ngayon maayus na ang pasyente pero kilangan niyang huminto sa pag aaral dahil lumalala na. Kailangan niyang umiwas sa ibang tao dahil madali lang mainfect ang isang tao na may acute leukemia." Umalis na ang doktor. Tama ba ang narinig ko Leukemia? Si Zen may Acute Leukemia? Di ba nakakamatay yun. Isang malalang sakit yun. At sa ganung paraan namatay si Mommy.
Pinauwi na ko ng mommy ni Zen at pinahatid na sa driver nila. Pero bago yun bumisita muna ako sa kwarto niya. Sa ngayun wala pang nagbabago sa panganagatawan niya pero alam ko unti unti siyang mamayat dahil sa kawalang gana sa pagkain. Iniwan ko sa table sa tabi niya yung paper bag na yun. Pagdating ko sa bahay kumuha agad ako ng makakain ko sa ref dahil gutom na rin ako. Anong oras na kong nakauwi mga 9pm din siguro. Binagsak ko sa kama ang katawan ko dahil sobrang pagod ko at sa muling pagkakataon ngayun na lang ulit ako umiyak. Simula nung makapagmove on ako sa pagkamatay ni mommy. Sana hindi siya matulad kay mommy. Wag ka nga nag iisip ng ganyan Alice hindi mangyayari sa kanya yun. Hinding hindi.
Kinabukasan pumasok ako. Pero puno ng lungkot ang mukha ko. Dahil sabi ng doctor kagabi na kailangang huminto ni Zen sa pagaaral dahil sa sakit nya. At kahapon ko pa 'to pinagtataka, bakit walang ginagawang masama ngayun sakin ang mga kaklase ko. Samantalang datirati papasok pa lang ako sa pintuan may pasabog na sila. Siguro naninibago lang ako o nagbago na sila? Marahan akong umupo sa upuan ko pero bago yung chineck ko muna kung merong kakaiba sa upuan ko. Ilang sandali pa'y dumating na yung first teacher namin English subject.
Uwian na ng hapon, naisipan kong dumaan muna kay Zen. May dala akong prutas na dapat yung perang pinangbili ko dun ay pambibili ko ng libro. Pero wala na sakin yun kailnlangan kong makita si Zen. Nag-aalala na ko sa kanya. Kung ito right term namimiss ko na siya. Binuksan ko yung pintuan ng kwarto niya sa hospital. Sumalubong sakin ang mga tingin nila. Nagising na pala si Zen at may kasama siya. "Ikaw?" Takang tanong ko sa lalakeng nakatayu sa katabi niya. Siya yung lalakeng pinagtanungan ko about kay Zen kahapon. Anong ginagawa niya dito? "Hi Alice." Nabaling yung tingin ko kay Zen na sobrang ganda ng pag-ngiti nakakalusaw yung tingin. Lumalakas na naman ang tibok ng puso ko sa twing nakikita kong ganyan ang ngiti niya nawawala pag aalala ko sa kanya. Kahit na sa ganong bagay na nakaratay siya diyan ay nakukuha parin niyan ngumiti na parang wala siyang sakit na pinoproblema. "Ano pang ginagawa no diyan? Pumasok ka na." Alok sakin ni Zen nakatayu pa pala ako sa pintuan ng kwarto niya. Isinara ko muna yun at naglakad papalapit sa kanya. Lumapit naman sakin yung lalake kinuha yung dala dala ko yung fruit basket. "K-kumusta ka na?" Ngumiti ako ng mapait sa kanya pagkatapos kong sabihin yun kasi kahit medyo okay na siya alam kong papahirapan siya ng sakit niya hanggang sumuko siya. Ngumiti muna siya bago sumagot. "Ito gwapo parin." Biro niya na ikinangisi nung lalakeng kasama namin ngayun dito sa loob ng kwarto. "Pffft~ Tol nagpapatawa ka ba?" Sabi nung lalakeng nakaupo sa couch na ngayun nginangata na yung apple na binili ko. "Hoy mahiya ka nga. Hindi para sayo yan." Suway ni Zen medyo napangiti ako. Di ko alam kung bakit basta bigla na lang kusang umarko ang mga labi ko. "Tol pagbigyan mo na gutom ako eh. Kanina pa ko nagbabantay sayu dito di mo man lang ako pinapakain." Kanina pa pala siya dito. Magkakilala pala talaga sila. "Pagpasensyahan mo na siya Ali ganyan kasi yan eh. Ayy di pa pala kita napapakilala Naitan si Alice, Alice si Naitan kaibigan ko." Nag-hi ako pagkatapos nun. Ganun din siya. Nagpaalam na aalis muna si Naitan. Kaya ngayong kaming dalawa na lang kaming naiwan dito sa loob ng tahimik at maliit na kwarto na ito. Nakakabingi yung katahimikan. Nakakahiya namang ako yung unang magsalita. Di ko kasi ugali na ako ang unang kumakausap sa isng tao kinakain ako ng hiya kapag gagawin ko yun.

BINABASA MO ANG
Eroplanong Papel
Short StoryIsang simpleng laruang papel na magiging tulay kung bakit kita makikilala at naging dahilan kung bakit kita minahal.