Cheyenne Hayate

117 4 2
                                    

Cheyenne Hayate

Noong bata pa ako, naalala ko nung unang nag-away sila mommy.  Nag-sisigawan sila tungkol sa mga bagay-bagay na hindi ko maintindihan at ako naman, umiyak lang ng umiyak habang pinapanood sila. Ayoko sa mga nag-aaway. Ayaw ko sa mga may sumisigaw kaya lumabas ako sa bahay ng hindi nila alam at umiyak sa may pond dun. Iyak lang ako ng iyak pero bigla akong tumahan ng may kumausap sa akin na batang lalaki. Ang cute ng suot niya at para siyang matandang magsalita.

“Alam mo hindi ko alam kung bakit ka umiiyak pero tahan na! Hindi bagay ang umiiyak sa’yo, papangit ka.” Sabi niya habang nakangiti at may kinuha siya sa bulsa niyang isang box at binuksan ito. Tumunog ito at doon sa loob may isang babaeng nagsasayaw.

"Oh. Tignan mo nalang ito!"

“Ang ganda naman niyan.” Sabi ko sa kanya at tumingin siya sa akin habang nakangiti pa rin.

“Gusto mo sa’yo nalang?” sabi niya at kahit nahihiya, tumango na rin ako.

“Oh, heto, sa’yo nalang. Kapag umiiyak ka buksan mo lang yan para tumahan ka na agad. Okay?” sabi niya ulit at tumango lang ako.

Pagkatapos nun, magpapakilala na sana ako ng may biglang tumawag sa kanya. “Anak!” kaya bigla nalang siya nag-'bye' at tumakbo na papalayo.

Sayang!

Sayang nga at hindi ko siya nakilala pero balak kong kilalanin siya.

Balak kong makita siya ulit kahit wala man lang akong katiting na alam kung paano ko gagawin yun pero…

Gusto ko siya makita ulit. Gusto ko magpasalamat. 

Nga pala, hindi pa ako nakakapagpakilala. Ako pala si Cheyenne. Cheyenne Hayate. 

---------

AUTHOR'S NOTE:

Hi everyone! Nagbabalik ulit ako! Egeria at your service with a new story. So, 'Cheyenne Hayate' is the title and I hope na magustuhan niyo siya.

Please vote and comment para alam ko kung may suggestions kayo or nagustuhan niyo! Salamat. :)

Anyway, I'll update every Sunday and Friday. :D Wait for Sunday para sa First Chapter! :)

Salamat ulit!

Cheyenne HayateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon