“Epikku shonichi” [Epic First day]
“Mommmmyyy!! Nasaan na po ba si kuya Kean? Mahuhuli na po ako sa classes ko oh!” sabi ko habang balik tingin sa relo ko na nagsasabing 7:30 am na.
Kanina pa kasi ako nakaayos dahil kailangan ko na pumasok, 8 am kasi ang time ko at never ko pang gustong malate. Lalo na sa first day ko sa bago kong school. Well, mahabang story pero to cut it short, nag-transfer ako from my former school to this school dahil sa mga problema na hindi ko na pwedeng sabihin dahil past is past. Seriously, kailangan pa ba sabihn yun? Next time na lang.
“Ano ba yan Chey! Wag ka nga masyadong nagmamadali!” sabi ni mommy habang iniinom yung kape niya at nagbabasa ng dyaryo. Napapikit nalang ako. Hindi nila kasi maiintindihan kung bakit ayaw ko malate eh!
First day to okay??? Ayaw kong magkaroon ng bad impression sa bago kong school! Dahil kailanman, bawal yun mangyari!!
Napadilat nalang bigla ang mga mata ko ng binatukan ako ng kuya ko. Well, wala ng gagawa nun kung hindi siya lang no!
“Oh ano? Nakatulog ka na?” sabi niya habang nakangiting abot langit.
“Opo, nakatulog na ako kakahintay sa’yo kuya. Tsk.” Sabi ko naman habang nakangiti. Sarcasm please.
“Hay nako, Chey. Wag ka ngang ganyan! First day of school mo tapos ganyan ka!” sabi niya habang ginulo ang buhok ko at binuksan ang pinto ng kotse na para makapasok ako.
Inayos ko muna ang buhok ko bago ako pumasok kaya nagsabay na kami.
“Sigh. Sino kaya sa tingin mo kuya ang gumawa sa akin nito no?” sabi ko sa kanya at tumawa lang siya pagkatapos pinaandar niya ang makina.
“Hay, Cheyenne.” Sabi niya at umalis na kami .
-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.
“Kuya, wag mo kong iwan.” Sabi ko habang nakahawak sa kamay niya. Nakarating na kami dito sa school and masasabi ko na maganda siya, tulad ng school ko dati and excited na ako pumasok pero parang kinakabahan ako. Parang mangyayari na naman yung dati, lalo na’t hindi ko na kasama sa parehas na school si kuya Kean dahil maaga siya nakatapos.
Genius kasi eh. At 17 nakatapos na kaagad ng pag-aaral? Paano ba naman yun diba?
Hinawakan lang ni kuya ang dalawang kamay ko at nararamdaman ko na kaunti nalang ay bubuhos na ang luha ko. Para naman akong nasisiraan nito.
“Chey.” Sabi niya. “Walang mangyayaring masama sa iyo rito. I promise and hindi kita iiwan. I’ll wait for you in the office until your classes are done.” Nalimutan ko palang sabihin na bago ako pinasok nila mommy sa school na to na isang kaibigan nila ang may-ari, nag-volunteer na si Kuya Kean para maging isa sa mga board of officers dito para pwede siya mag-stay dito and make sure na walang mangyayari sa aking masama.
“Wag mo akong iiwan kuya ha.” Sabi ko at tumango nalang siya.
Hinatid ako ni kuya sa faculty kung saan nakilala ko ang adviser naming si Ms. Fuego. American siya pero nakakaintindi ng tagalog kaya hindi ko kailangang ipush ang sarili ko para mag-english ng todo sa kanya. Maganda siya at mukha siyang mabait.
“Classes will start after 5 minutes and we will go together there. So don’t worry.” Sabi niya.
“Salamat po.” Sabi ko naman and ngumiti lang siya sa akin.
Umalis na nga pala si kuya nang matapos niya ako dalhin dito. Well, nung una ayaw ko magpaiwan pero matapos ko makilala yung mga teachers dito kahit sandali, biglang kumalma ang puso ko and napapayag niya na rin akong maiwan.
BINABASA MO ANG
Cheyenne Hayate
أدب المراهقينCheyenne Hayate... A girl who is very precious and special. She don't like fights and she hates to see someone quarreling. Once when she was a kid, binigyan siya ng music box ng isang little boy na hindi niya kilala and she wants to know that myste...