CHAPTER 5
Baka - Stupid
"Chey..." napatingin nalang ako sa tumawag sa akin. A week passed since umalis si kuya at hindi ko alam kung bakit pero I have this feeling na hindi na sya babalik.
Pinilit kong labanan yung feeling na yun pero hindi ko magawa. Lagi nalang akong umiiyak kapag naaalala ko siya o may nakabanggit ng pangalan niya.
Hindi kasi siya tumatawag and lagi kong chinecheck lahat ng social media accounts ko o kaya email pero wala.
EMPTY.WALA
Sabi niya hindi siya mawawala at isang tawag lang siya pero kahit ako na yung gumagawa ng paraan, wala pa ring nangyayari.
At first, akala ko na hindi nya lang nababasa or what kaya dinalasan ko but the heck? Nothing. Walang reply ni isa. Walang hello or hi and when I will ask mom or dad they'll just tell me to stop and I'm being paranoid. Nakakainis nga minsan kasi parang kalmado lang sila sa nangyayari? Kahit wala silang communication with kuya, kalmado pa rin sila.
The heck. For pete's sake... Anak din nila si Kuya Kean.
"Chey... Tumingin ka sa akin." sabi ni Courtney. Bago siya sa school at dumating din sya last week. Since wala pa siyang kaibigan nun at ako din, ay kinaibigan ko nalang din siya.
"Bakit?" malumanay kong tanong at napa-iling nalang siya sa akin. "Alam mo, umayos ka nga. Nangangayayat ka na oh!" sabi niya habang ginegesture niya ang katawan ko at napatawa nalang ako sa mukha nya.
O.A. masyado...
"Wala akong gana these past few days Court and hindi ako pumapayat no!" I retorted and she just rolled her eyes. Nakakaasar pero natawa nalang ako sa ginawa niya.
These past few days nawawalan ako ng ganang kumain and I know that it's because of kuya. Ewan ko pero I feel so lonely... Super lonely enough to not have the appetite to eat.
Nakita ko nalang na biglang nagsiupuan na yung mga classmates namin and I assume na dumating na yung teacher namin.
I now sat at the back with Court. Nasa unahan kasi sila Bree and ayaw namin na magkagulo... knowing na mainit ulo sa akin ni Bree for some unknown reason.
"Good Afternoon..." sabi nung teacher namin and we all stood up and return it.
Pagod na ang lahat and it was reflected in their voices pero nung nakaupo na ako and Courtney, I don't know why pero bigla nalang naging maingay sa harap and they just stayed standing.
"Ano yun?" sabi ni Courtney and I shrugged.
Dahil hindi kami usisera binuksan nalang namin yung libro namin na para sa class namin ngayon. Basa basa dito... basa basa dun... Hanggang sa natapos na yung ingay and bigla na silang umupo...
My gaze was caught agad by a guy in front. He's an Asian by the way he look and FYI...
Si Kuya Kean?
"Kean onee-chan?" I muttered under my breath pero parang narinig nung guy and he looked at my direction.
I sighed. Kamukha lang pala. Kasi he has blue eyes and iba yung color ng buhok nya, blonde.
"Everybody, we have a new transferee." sabi nung teacher namin and gestured the new guy to introduce himself. Ewan ko pero when our gazes met, hindi ko na maalis yung tingin ko sa kanya.
"He's handsome." narinig kong sabi ni Courtney pero I ignored it. Sino kaya siya?
I'm a bit interested sa kanya kasi kamukha nya si kuya and he kinda look familiar to me.
BINABASA MO ANG
Cheyenne Hayate
Teen FictionCheyenne Hayate... A girl who is very precious and special. She don't like fights and she hates to see someone quarreling. Once when she was a kid, binigyan siya ng music box ng isang little boy na hindi niya kilala and she wants to know that myste...