Chapter 1

883 32 8
                                    

Chapter 1

Ellaire's POV

Naglalakad ako habang tinitingnan ang paligid ko ng hindi nagpapakita ng kahit na anong emosyon. Lahat sila busy sa kani-kanilang ginagawa. Ang iba'y nag papaalam sa isa't-isa. Ang iba nama'y nakikipag-sagutan sa mga staffs dito. May iilan din namang simpleng umuupo lang. Ang ibang babae ay nilalandi yung mga lalakeng kasama nila. May mga PDA din na mag syota. Hindi nga lang pagmamahal ang makikita mo. Kundi lust. At ang mga kalalakihan naman at ibang babae ay nakikipag-basag ulo sa isa't isa. Wala man lang guard o mga staff na sumisita sa kanila. Halos lahat ng nandito ay mga teenagers.

Hindi ko nalang sila pinansin dahil wala naman akong pakialam sa kanila. At alam kong ganoon din sila sa akin. Pero hindi magtatagal. Ang mga taong 'to ang magkakaroon ng pakialam sa akin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pagkalabas ko'y hindi na ako nagulat sa mga nakikita ko. kung sa loob ay simpleng bugbugan lang, dito sa labas ay may nagpapatayan na. Oo, tama kayo ng basa. Patayan. May nagsasaksakan. Nagbubugbugan hanggang sa malagutan ng hininga. May isang bumabaril. Ang iba'y may mga sandatang dala tulad ng kutsilyo, blades, at mga katana. Ang iba nama'y dumadaan lang na parang walang nangyayari.

Dugo. Yan ang makikita mo kahit saan ka tumingin. Napailing nalang ako. Tangna. Ang sarap pala ditong mabuhay. Walang letcheng batas na sinusunod.

Napatingin uli ako sa mga taong nagpapatayan at napangiti. Di magtatagal. Ako na ang gagawa niyan.

"Miss Sy, dito po tayo." Napatingin ako sa lalakeng may di katandaan. Napa-irap lang ako sakanya. Bakit ba ako pinadalhan nung matandang hukluban na yun ng mga walang kwentang tao? Bodyguard daw. Letse. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Baka nga ako pa ang magligtas sa kanila kay kamatayan eh. I know. Im conceited. Well, partly, totoo naman yung sinasabi ko.

Nandito ako ngayon sa airport sa Prohibited city o ang city of gangsters. Well, mukha siyang hindi airport. More on arena. An arena for gangsters.

Weak. One word to describe them. They're weak. Tss. Pinapakita na agad nila kung sino sila at kung anong kahinaan at ang lakas nila. Kung anong kaya nila at kung anong hindi. Stupid f*cking bastards.

Pumasok ako sa sasakyan ko at napangiti ulit. (Para na akong tanga kaka-ngiti dito) You'll suffer soon.

Dumiretso kami sa mansyon na tutuluyan ko. Malayo ito sa ibang mga bahay dahil ang kalapit nito ay isang eskwelahan.

"Nandito na po tayo Miss." Bumaba na ako at dire-diretsong pumasok sa bahay. Lahat sila'y yumuko at binati ako. May isang matandang babaeng kung hindi ako nagkakamali nasa mid 50's niya na. Nginitian niya ako at bilang isang Ellaire Preesa Jianna Sy, inirapan ko lang siya. Asa silang ngingitian ko sila eh yung matandang hukluban ngang kasama ko for 17 years hindi ko nginingitian ano pa kaya sila na ngayon ko lang nakilala.

"Miss Ellaire--" hindi pa siya tapos magsalita ay pinutol ko na siya.

"Call me Preesa. We're not related for you to call me Ellaire. " I said.

Yumuko naman ang matanda para mag bow. "Naiintindihan ko po. Pasensya na po." Nag bow siya ulit atsaka siya nag patuloy sa pagsasalita. "Miss Preesa, eto na po yung mga requirements na kailangan niyo para sa paglipat mo sa eskwelahan--" pinutol ko ulit siya.

"School? Mag-aaral ako dito?" Tanong ko ng naka kunot ang noo. The heck! Anong pag-aaralan ko dito? Kung pano pumatay? At isa pa ang alam ko, dalawang linggo lang ako dito, kaya konti lang yung dala kong gamit. Tangna. "Dalawang linggo lang ako dito. Hindi ako magtatagal kaya hindi ko kailangang mag-aral. Babalik pa ako ng Korea." Saka ako naglakad paakyat para makapag pahinga na sa kwarto ko.

City of Gangsters♟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon