Chapter 9

386 15 16
                                    


Ellaire's POV

*Ring *Ring

I got up from bed, lazily and answered my phone.

"What?" Tamad kong saad.

[Is that how you greet your grandfather?] napa-irap ako. Sana pala hindi ko nalang sinagot. Bwisit.

"Anong kailangan mo, tanda?" I got up from my bed and went to the bathroom.

[I'll be there soon.] natigilan ako saglit.

"Does that mean, I can make a move already?"

[No. We'll plan our move there, Elle] biglang bumagsak ang balikat ko. Bakit niya ba pinapahaba? [Elle,] tawag niya

"Ano?" I asked.

[They're planning their move. Stay close to Dark.] saka niya binaba ang tawag.

After kong gawin ang morning rituals ko, bumaba na ako. I saw Dark na hinahanda ang breakfast namin.

"Sabi ni tanda, I have to stay close to you." I said.

Napatingin naman siya sa akin at ngumiti. "Yeah. You should. After nilang malaman na nakuha mo na ako, mukhang gagawa sila ng paraan para makuha ka. When that happen, malaking gulo ang mangyayari. So you should be careful, Jianna."

"Why don't you just go to school with me?" Kunot-noo kong tanong habang kumukuha ng pagkain sa mesa.

"I can't. Malaking gulo lang sa school niyo. Don't worry, ihahatid naman kita." Sagot niya at sinabayan na ako sa pagkain.

After eating, hinatid niya na ako sa school, like what he promised.

"Susunduin mo din ba ako mamaya?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya, napatingin din naman siya sa akin at ngumiti saka binalik ulit ang tingin sa daan.

"Kung walang maghahatid sayo." Napairap naman ako. Kagabi niya pa ako tinutukso. Nung pumasok kasi ako sa bahay after makaalis ni Sage, nadatnan ko siya sa taas sa may balcony na nakasilip sa labas. Tapos tinukso na niya ako kay Sage. Bwisit nga eh.

"Tigilan mo nga ako." Inis kong sabi.

"Asus. Dalaga ka na talaga. Ikukwento ko to kay lolo." Natatawa niyang sambit dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Don't you dare, Dark. I swear I'll kill you." Banta ko pero tinawanan niya lang ako.

Huminto kami sa harap ng school. After I bid my goodbye, lumabas na ako at dumiretso sa loob ng school.

Someone was running kaya nabunggo niya ako. Buti nalang at sa braso niya lang ako nabunggo at hindi ako natumba. Hindi man lang nag-sorry yung lalake at basta nalang tumakbo.

Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya. Weird. Sobrang covered ang buong katawan niya. I just shrugged it off at saka naglakad ulit sa loob.

Ramdam ko na naman ang tingin ng mga tao. Medyo nasasanay na nanaman ako. Pero parang may kakaiba ngayon. Kunot-noo kasi silang nakatingin. Napatigil ako sa paglalakad when someone grab may arm at nakaramdam ako ng kaunting kirot.

Agad kong tiningnan ang nilalang na magpapaalam na sa mundong ibabaw at akma na siyang susuntukin ng makita ko kung sino yun.

"Cabot." He wasn't looking at me, nakatingin lang siya sa braso ko kaya kunot-noo akong napatingin doon.

"Oh. A shuriken." I said while looking at the shuriken na nakatusok sa braso ko. Inangat ko ang isang kamay ko at tinapik ang kamay ni Sage saka diretsong binunot ang shiruken. Binigay ko yun sa kanya, "This yours?" I asked, emotionless.

City of Gangsters♟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon