Chapter 4

443 22 11
                                    

Note: Hi again! Enjoy this chapter. I wrote this for three days(not whole day tho) sa notebook. XD

Yung update po magiging once a week nalang kasi may pasok na kami next week. Okay?

Don't forget to leave a comment and voice out your opinion. ⇩ thanks. :))

So here it goes...

Ellaire's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Nang nakapag-adjust sa liwanag na nanggagaling sa ilaw na nasa loob ng silid na kinaroroonan ko ay nilibot ko ang tingin sa paligid.

Isang hindi pamilyar na lugar. Mula sa pagkakahiga ay umupo ako at hindi ininda ang sakit ng ulo ko. Dala siguro ng pabangong pina-amoy sa akin.

Nakapwesto ako sa isang malaking sofa. Sa harap nito ay may glass table at may dalawang maliliit na sofa sa magkabilang gilid. Nakadikit sa dingding sa harap ko ay ang malaking flat screen TV. Sa bandang tabi ng TV ay may glass sliding door. Sa left side ko naman ay may isang pintuan. Sa tabi ng pinto ay may isang maliit na cabinet at sa ibabaw nito ay isang vase na may lamang isang pirasong tulip.

Sa right side ko naman ay may isang malaking itim na kurtina. Marahil ay ito ang bintana. Doon ko din nakitang nakasabit ang bag ko.

May mga paintings din sa bawat sulok ng kwarto. Ang pinakamalaki ay yung nakapwesto sa likuran.

Isang pinturang, kung hindi ako nagkakamali ay may maraming kahulugan.

May malaking palad na nakapinta dito. Sa ibabaw ng palad ay may dalawang malaking gusali na hinahati ng isang apoy. Kapansin-pansin din ang dalawang taong nagtututukan ng baril.

Isang pulang baril.

Pero mas natuon ang atensyon ko ng may makitang apat na puting sobrang liit na linya mula sa kamay ng dalawang tao papunta sa taas ng pintura. Kung hindi mo pagtutuunan ng pansin ang litrato ay hindi mo ito mapapansin.

Sinundan ng mga mata ko ang guhit, may apat na hintuturo sa dulo nito. Sa bawat daliri ay nakadikit ang puting linya. At sa dulo ng bawat daliri ay may kulay pula na alam kong dugo ang ibig sabihin.

Maraming pinapahiwatig ang litrato. Gusto ko pa sana iyong titigan pero ng maalala kong hindi pamilyar sa akin ang silid ay agad akong tumayo at dumiretso sa bintana at kinuha ang nakasabit kong bag.

Sa pag kuha ko ay nasagi ko at hindi sinasadyang nabuksan ang malaking kurtina.

Napatitig ako sa tanawin sa labas. Nasa isang gusali pala ako, sa likod nito ay isang malawak na kagubatan. May ilog sa gitnang bahagi ng gubat na parang hinihiwalay ang malawak na gubat. Sa dulo ay may isang malaking pader.

Pero, isang bagay lang ang nagpatigil sa akin.

Ang paglubog ng araw.

Biglang bumalik sa akin kung paano ko nagustuhan at minahal ang tanawing to. Kung paano ko ito paboritong panoorin tuwing hapon...

kasama siya.

Pero lahat ng yon naglaho na parang isang bula. Lahat ng nagustuhan at minahal ko sa tanawing to ay nawala.

Naging kabaliktaran ang lahat. Ito na ang pinaka-ayaw kong makita.

Bago pa man tuluyang pumasok sa isip ko ang nangyari, agad ko ng sinara ang kurtina at tumalikod.

Naghanap ako ng orasan pero wala akong nakita kaya kinuha ko na sa bag ko ang cellphone ko. Nakalimutan ko kasing magsuot ng relo ngayon.

"Tangina. Asan ka na?" Kahit anong hanap ko sa loob ng bag ko ay hindi ko parin makita ang cellphone ko. Alam kong dala ko yun. Hinanap ko sa bulsa ng uniform ko pero wala talaga.

City of Gangsters♟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon