Chapter 1

569 13 0
                                    


August 17, 2016

Hans.

"Ay sorry Sir! " hinging paumanhin sa kanya ng babaeng nakatapon ng soft drinks sa kanya.

Tiningnan niya ito bago nagsalita.

"Sorry? Sa tingin mo ba maibabalik ng sorry mo ang pagkatuyo at dating anyo ng damit ko miss? " irita niyang tanong dito.

"Pasensiya kana talaga, may hinahabol kasi akong tao eh kaya di ko napansin na nabunggo kita. "

"Kahit anong sabihin mo tanga ka lang talaga. Kasi kung hindi ka sana tumakbo ng ganun malamang di nangyari to. Hay letcheng araw to! Nakakabadtrip, bakit ba ang daming tanga dito sa mundo! " inis niyang turan.

Ang babae namang nakatapon ng softdrinks sa kanya nakayuko lamang ito habang umiiyak.

Sinulyapan niya ito ulit at inirapan. Tapus tiningnan ang paligid niya.

Di niya maiwasang maiinis ulit dahil sa mga taong gustong makiusyuso sa nanyari.

"Ano ang tinitingin tingin niyo? " Baling niya sa mga ito. " Gusto niyo kayo rin ang tapunan ko ng soft drinks? Mga chismosa at chismoso kayo! "

Parang natakot din ang mga tao sa sinabi niya kaya nag si alisan din ang mga ito.

Binalingan niya ulit ang babae na di parin umaalis sa kinatatayuan nito.

"At ikaw naman babae, Anong pangalan mo?" Tanong niya dito na nakataas parin ang kilay.

" Anamarie Tuazon po. " sagot nito sa kanya.

Sa kanyang tantiya mag ka edad lamang sila.

"Oh ano pa hinihintay mo? Bandila? Bakit andito kapa sa harapan ko, bakit hindi kapa umaalis? Umalis kana! " matigas na boses na sabi niya dito.

"Sorry po ulit sir ha,, pasensiya na talaga. " hinging paumanhin ulit nito sa kanya.

Tinalikuran na lamang niya ito at deretsong lumabas sa mall na yun.

Oo tama kayo pumunta siya sa mall na iyon para mag shopping ngunit yun nga ang nangyari natapunan siya ng softdrinks ng isang napakawalang kwentang babae na yun! Galit na galit talaga siya sa nangyari, hamakin mo yun imbes na mag enjoy siya umuwi siya na wala sa oras.

"Sir ano po ang nangyari sa inyo? Uuwi na po ba tayo? " tanong ng driver niya sa kanya.

"Ay hindi manong uupo lang ako dito sa loob! Malamang oo pupunta ba ako dito kung hindi? Kita mo naman diba na ang dumi dumi ng damit ko? So sa tingin mo ano gagawin ko dito? " yamot niyang turan dito.

Napakamot nalang ng ulo ang kanyang driver.

"Sabi ko nga po uuwi na po kayo. "

"Hmmmp! Bilisan niyo nalang mag drive manong!"

Siya si Hansel Fuentes, Hans kung tawagin nila. Suplado, mainitin ang ulo , mabilis magalit, lahat ng negative character nasa kanya na yata. He was 18 years old, may taas na 5'7, payat di naman masyadong payat, makinis ang balat kasi nga sagana sa yaman, sunod sa luho. May sariling kotse at driver at yaya.

Palipat lipat ng school kasi kahit instructor nila kinalaban niya at sinasagot sagot.

Second year college na siya bilang HRM student. Di naman niya gusto ang course niya, pero request yun ng mama niya eh kaya yun ang kinuha niya.

Pero kahit ganun siya may kabaitan parin siyang natitira. Ayaw niya kasi sa mga taong nang aapi kaya galit siya sa mga yun, Kaya ganyan siya para kahit isa siyang beki kaya niyang alagaan ang sarili niya sa mga ito.

Who You Ka SakinWhere stories live. Discover now