Chapter 2

226 8 2
                                    

Hans

First day of school.
New school, new environment, new uniform,  new classmates, new professor at lahat new sa kanya.

Pero matapang siya kaya alam niyang kakayanin niya ang anumang darating sa kanya!

Pagdating niya sa school campus di makamayaw ang mga estudyante sa kung sino ang babatiin ng mga ito classmates before o kung sino man ang mga kilala ng mga ito.

Habang siya ay tahimik lang na nagmamasid at nakikiramdan.  Parang mga shunga pala yung mga tao dito ang iingay lang. Sobra pa sa palengke.

My gosh University to pero parang playground lang kung makipag tsismisan ang mga estudyante dito.

Maaga pa naman kaya minabuti niya munang pumunta sa comfort room.  Alam na rin kasi niya yung room niya dahil pinuntahan na niya yun after niyang makuha ang schedule niya and wise decision yun kasi di na niya hanap hanapin kung saan pa yun.

Habang papunta sa comfort room my nadaanan siyang mga babae na nagkukumpulan habang nag uusap about sa star player ng basketball team ng school.

"Girls promise this year ako ang magiging girlfriend ni Tyler. " girl one

"Asa kapa girl na mapansin ka nun kahit magtumbling ka sa harapan nito di ka mapapansin nun! " girl number two.

"Ay oo nga alam mo naman yung lalaking iyon parang bato ata ang puso napaka cold nito sa mga fans niya. Kundi lang yun gwapo and captain ng basketball ay naku di yun sisakat. Napaka ahhh suplado niya girls. "

Hay mga babae nga naman sa isip niya ang lalande maagang lumandi maagang nadali, kaya boom anak ang nadali.

"Excuse me , padaan nakaharang na kayo sa daan! " suplado niyang sabi niya sa mga ito.

"Ay girls tayo ata pinaparingan ng baklitang iyan. " suplada ding sabi nito sa kaibigan nito.

"FYI comfort room to at di tsismisan ng mga kalandian niyo. Haharang harang kayo buti sana marunong kayong tumabi habang nag chichismis. Bakit kayo lang ba ang gagamit dito? At sa tingin niyo may iba pa bang tao dito para di niyo maisip na kayo ang tinutukoy ko? " tanong niya.

"Abat suplada girls ang isang to. " banat ni girl number one.

"Ano gusto niyo itulak ko pa kayo para tumabi lang? Tingnan niyo nga yang mga mukha niyo may make up nga pero di naman pantay.  Gosh look kilay pa ba yan? " pagtuturo niya sa mga kilay ng mga ito. " Sinong nag massacre niyan? Hahahaha, nagsalamin ba kayo bago pumunta ng school? Gross para kayong mga payaso."

Hinawakan ng mga ito ang mga mukha.

"Umalis na nga kayo dito baka ano pang masabi ko sa inyo na ikaka insecure niyo ng lubusan! "

Di naman umimik ang mga ito at umalis nalang.

"Oh ano kayo ngayon kala mo sinong magaganda ang papangit naman ng mga mukha! Ay naku mga makapanira ng araw! " malakas niyang sabi sa loob.

Di niya napansin na may kasama pala siya doon.

Kundi pa ito tumikhim di pa niya nalaman na may tao pala doon.

"Uhummmm! "

Napalingon siya ng marinig niya iyon. At nakita niya ang isang lalaki ok na rin ang mukha joke gwapo ito mga 6 feet ang taas nito,  moreno at halatang may muscles. Pero wala siya care who you parin ito sa kanya.

"Who you ka para tumikhim?" Taas kilay niyang tanong dito. Di niya pinalampas na tarayan din ito.

"Wow! Seryoso? Oh nagpapatawa ka bakla? "

"Bakla talaga ha.  Bakit negro sa tingin mo ngumingiti ba ako para tanungin mo pa ako ng seryoso? Bulag lang o tanga ka rin? At sa naging reaksiyon mo sa tingin mo natawa ka para magtanong ulit kung nagpapatawa ako? " pambabara niya sa lalaki, bakla pala ha puwes negro din tinawag niya dito. " Grabe naman maka bobo! Na tanong! "

"Feeling mo bakla ka tapang mo na kung makapagsalita ha, di mo ba kilala kung sinong kaharap mo? O sadyang nagtapang tapangan ka lang.

" Who you nga diba?  So sa tingin mo kilala kita at kelan kapa nakarinig ng tanong na who you kung in the first place alam mo naman ang pangalan niya? Nag iisip kaba oh bingi lang? Sige sasagutin kita para di kana magtanong ng mga bobong questions. Yes I'm new here at kung sino kaman wala akong time para kilalanin ka!"

"Aba't matapang ka nga ha. Kabago bago mo dito sa school ganyan kana agad! Sa ugali mong yan marami kang makakalaban dito at mabubugbog ka dahil diyan sa bunganga mong walang preno "

"I don't care about your blubbering at wala kang paki kung marami akong makakaaway dito. At kung isa ka sa kanila well di ako takot sayo! In your dreams. Baka kayo pa mabugbog ko. " Sabi niya sabay talikod dito.

Di na niya pa narinig ang sinabi nito dahil tinalikuran na niya ang lalaking negro na yun.

"Hmmmp kala mo kung sinong guwapo, who you ka parin sakin kahit guwapo kang negro ka.  Kala mo mag so swoon ako sayo never! "
Parinig niya rito.

Buti at di siya sinundan nito at suntukin.

"Hay mabuti pa na pupunta na ako sa room ko its already 8:00 na magstart na yung first subject. Well minor subject lng naman yun eh History. "

Pagdating niya sa first subject niya late na siya ng sampung minuto at nandoon na rin ang proof niya at isa isa ng nagpapakilala ang mga classmates niya.

Dahil late siya di maiwasang matuon ang atensiyon ng mga new classmates niya sa kanya.

Pumasok siya na taas noo parin. Who you kayo sa isip niya para mahiya siyang pamasok na late lang.

Dahil late kaya sa hulihan nalang na upuan ang bakante kaya doon siya umupo. Pagkalapag niya ng dalang bag pinagpag niya muna ang upuan para magsialisan ang alikabok doon.

Sa ginawa niyang yun nagmamasid lang ang mga tao sa paligid niya.

Habang nagpapakilala ang mga classmate niya ay wala siyang paki sa sinasabi ng mga ito, ngunit ng magpakilala na yung isang lalaki ng parang kilala niya ang boses ay napatingin siya dito.

"Uhm Goodmorning guys. Siguro kilala niyo na ako at sa hindi pa ako nga pala si Tyler Tuazon,  21. Fourth year na po ako and I'm taking up Business Management, ito yung subject na di ko nakuha noon dahil conflict sa aking practice schedule ko sa basketball.  I hope na maging kaibigan ko kayo. You can call me kuya if you want. "

Hmmp sa isip niya so ito pala ang team captain ng basketball sa school nila. Akala niya cold ito, well wala siyang paki kung ano man meron na ugali ang negro na yun. Ang mga girls naman na classmate niya kinilig.

Dahil siya ang nasa hulihan ay di maiwasang mapalingon ang mga classmate niya ng siya ang magpapakilala.

Walang gana na tumayo siya bago nagpakilala.

"Good morning I'm Hansel Fuentes, 18 and a transferee. Oh by the way I'm gay! " deretsa niyang sagot at umupo agad.

Nganga ang mga classmate niya sa kanya. Halata naman na bakla siya dahil sa kanyang kilos, features at sa kutis niyang daig pa ang mga girls sa kinis at puti.

Ano pa ang silbi nun kung di niya sabihin,  buti na yun para di na magtanong ang mga ito sa kanya.

Natapos ang subject na yun na puro pakilala lang ang nagyari at mga bagay na dapat at hindi dapat gawin nila habang sila nandun sa loob.

Siya naman di na nakinig sanay na siya sa ganun as usual.

Ganun din ang nangyari sa dalawa pa niyang subjects sa araw na iyon puro pakilala lang ang nangyari.

After class nagpasundo na siya agad sa kay Mang Gustin para umuwi na.

What a day! School ganun parin boring para sa kanya.

..

.

.
.

.
.
.
.
.





.
.



.

.

Who You Ka SakinWhere stories live. Discover now