Bitternes

143 4 2
                                    

Hanah & Selmo

Nag-uusap silang mag asawa ng bigla silang makarinig ng sigaw mula sa kwarto ng anak nila.

Nagkatinginan silang dalawa at naunang tumakbo si Selmo.

Ng buksan niya ang pintuan nakita niya ang anak nila na nakabaluktot sa gilid ng kama at nanginginig sa takot.

Napasinghap naman si Hanah ng makita ang anak sa ganung sitwasyon.

"Baby anong nangyari sayo?" malumanay na tanong niya sa anak.

Nilapitan nilang mag asawa si Hans at painaupo ito sa kama,nanginginig parin ito sa takot.

"Ma,Pa?" sabay yakap sa kanila ni Hans. "Nakita ko sila sa panaginip ko at sabi nila kukunin nila ulit ako.Huhuhu. Ayoko po na makuha nila,natatakot ako.Bakit kahit sa panaginip dinadalaw nila ako?" Umiiyak na turan niya sa magulang.

"Shhh.. Huwag ka ng matakot andito kami anak ng Papa  mo para protektahan ka. Tatandaan mo hinding hindi ka namin pababayaan ng Papa mo okay. Shhh tahan na anak. Wala ni sino man ang makapanakit sayo pinapangako namin sayo yan." Umiiyak din na turan ni Hanah sa anak.

" Hinding hindi na mangyayari yun pangako. Hindi ko hahayaan ulit na mawala ka samin,ayoko na ulit magyari iyon sayo kasi ako yung lalong nasasaktan pag nasasaktan ka anak nadudurog yung puso ko na makita kang ganyan"

"Alam mo ba proud kami ng Papa mo na ikaw ang naging anak namin kasi ang tapang mo dahil nakayanan mo lampasan yung pinagdaanan mo.Kaya huwag kana umiyak ha. Pangako hindi kana nila mahawakan o di kaya malapitan. Ikaw ang anak ko na napakatapang kasi nakaya mo maging matapang."

"Tama ang Mama mo anak di namin hahayaan na masaktan ka ulit pangako yan. Huwag ka nang umiyak pumapangit ka niyan,di bagay sayo eh." Hirit naman ng kanyang ama.

"Pa naman eh,patawa kayo." Napangiti siya sa comment ng ama niya.

"Basta anak bilang ama mo di ko hahayaan na may makapanakit ulit sayo.Mananagot ang sino mang magpaiyak sayo pangako."

"Salamat po. Pero minsan natatakot parin ako di ko maiwasan na maisip yun. Ma, Pa. Natatakot ako na baka mangyari ulit yun ,baka di ko na makayan yung takot na bumabalot sa puso ko. Oo matapang ako dahil yun  ang alam ko to mask the fears na nararamdaman ko. Di po ako matapang sapagkat nakatago parin yung takot sa pagkatao ko at any moment lalabas to baka di na ako maka move on sa takot na to."

" Anak ang takot ay parating nandiyan nasa atin lang yun kung paano natin i handle yun."

" O siya matulog kana may pasok kapa bukas. Gusto mo ba doon kana matulog sa tabi ng Mama mo?"

"Ok lang ako dito Pa,alam ko na pagod rin kayo ni Mama eh . Sige po goodnight po."

"Good night anak."








.......

Kinabukasan maaga siyang nagising at agad pumunta sa kusina.

"Good morning yaya."

"Good morning senyorito, ang aga mong gumising ah."

" Oo nga po eh, feel ko kasi kumain ng sinangag na maraming bawang eh."

"Oh siya kung yan ang gusto mo magluluto ako."

"No yaya ako na po ang mag sasangag ng kanin kaya ko naman po eh,at magpiprito din ako ng itlog tsaka tuyo at isasawsaw sa suka na may maraming kamatis. Oh yum!"

Who You Ka SakinWhere stories live. Discover now