THREE

42 1 0
                                    

♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ 

CHAPTER THREE

Shana’s POV

“Ayyy.. Anak ng tipaklong naman o!” Sigaw ko habang tumatakbo ako pababa ng hagdan. Pambihira naman kasi ang aga aga kung makapag ingay akala mo wala siyang kapit bahay! Kala mo pagmamay ari ang buong barangay. Kainis!

“O anong problema mo dyan? Para kang pusang di mapaanak! Ang ingay mo!”

"Ay tipaklong mo!" Nagulat naman ako kay Ram na naka upo sa may kusina at kumakain habang nakataas ang paa. Aba ang sarap ng buhay ah!

“Hoy ulupong! Ang sarap ng kain mo diyan ha! Trespassing ka na naman dito sa apartment ko!” Pambihira tong tao na to! Ang sarap ihagis palabas ng pinto!

“Hoy may duplicate ako di ako nagtrespass." Itinaas niya yung duplicate key ng apartment ko. Nakalimutan ko meron nga pala si Tita na duplicate ng apartment ko. "Pinadala ni Nanay tong pagkain. Ano ba kasi problema mo? At ang aga aga sigaw ka ng sigaw dyan!” Sitting pretty pa rin tong pinsan ko habang sarap na sarap kakalapang ng agahan ko.

“Eh para sakin pala yan e. Bat kinakain mo?!" Sabay hablot nung sandwich na hawak nya saka ko kinain. Pambihira tinatanong pa kung ano problema ko? Ano to bingi? "Di mo ba naririnig ang ingay ingay sa kabila? Di niya ba alam na may kapitbahay siya? Saka kailan pa may lumipat dyan sa kabila?” Buset! Bungol yata yung bagong lipat sa kabila e!

Sa sobrang inis ko kumuha ako ng sandok sa kusina saka ko lumabas. Nag ala Gabriela Silang na naman ang peg ko ngayon. Gusto yata ng gyera nitong mabait kong kapitbahay e. “Hoy teka! San ka pupunta!” Kailangan turuan ng leksyon tong pesteng bagong lipat na to!

Ginamit ko pangatok ng pinto yung sandok na dala ko. Isang mababang pader lang kasi yung pagitan ng kabilang unit. Kaya mula dun sa bakuran ko abot ko yung pinto sa kabila gamit yung sandok. Maya maya bumukas yung pinto. Nahawakan naman ni Ram yung braso ko, sayang di ko tinamaan sa mukha yung. . . teka. . . Tinignan ko siya mabuti. Kinusot kusot ko pa yung mata ko.

“Teka! Kilala kita” Inisip ko ulit kung san ko nakita yung pagmumukha nitong kapre na nasa harap ko ngayon. Aha! Alam ko na! Ikaw yung manong na nakatama sakin ng bola nung nakaraan! Anong. . anong ginagawa mo diyan?”

Tumayo siya sa harap ko saka siya nag cross arms. “Hoy babaeng parang pwet ng manok ang bibig! Ang aga aga. Putak ka ng putak diyan!” Aba sira ulo talaga to! Hahampasin ko talaga ng sandok to!

“Hoy sino kayang mas maingay sating dalawa! Bingi ka ba?! Fiesta ba? At pati buong barangay dinadamay mo diyan sa pag sa-soundtrip mo!” Nagcross arms din ako saka tinaasan ko siya ng kilay. Para kaming engot na sigawan ng sigawan dahil nga ang lakas ng tunog ng stereo niya. Eh ang tangkad nya pa kaya nakatingala ako sa kanya. Pero di ko sinasadya na mapatingin ako sa may lower part niya. Napatakip ako ng mata! “Bastos!” Sigaw ko sa kanya.

“O ngayon bastos? Pano ko naging bastos? Wala naman akong ginagawa sayo?” Pambihira tong lalaking to siya pa talaga may ganang mag sungit. Parang nasa menopausal stage. “Pwede ba magdamit ka ng maayos?! Ang sagwa mo tignan! Nakakaumay ka!” Yuck siya! Ang laki ng tyan niya para siyang buda ang lakas ng loob mag topless. Eeeewww talaga! 

“Eh sino ba may sabi sayong tignan mo? Saka bakit ba trip ko mag boxers lang e. Ang init kaya! Saka wala kang pake bahay ko to! Saka sa tingin mo nakadamit ka ng maayos? Saka bat di mo subukan maghilamos at mag ayos ng buhok?! Para kang ginahasa sa itsura mo!” Mas lalong tumaas yung kilay ko sa sinabi niya. Kanina nasa second floor lang ngayon nasa third floor na. Pero ng marealize ko kung ano yung sinabi niya. 

O__O

Ay fuschia! Ngayon ko lang din naalala. Tinakpan ko ng right hand ko yung dibdib ko at hinila ko ng kabilang kamay ko yung laylayan ng t-shirt ko. Pano naka loose shirt ako na white tas naka boy leg lang ako at wala pa kong suot na bra!

“Arrrggg!!!!! Bwiset! Hindi pa tayo tapos kapre ka!” Tinalikuran ko siya agad saka ko nagmamadaling pumasok ng bahay. Pambihira ka Shana! Nagpapadala ka kasi sa galit mo e! Nakakahiya! Sa dami ng makakakita sakin ng ganitong itsura e siya pa talaga?! Parang nasira ang pagkababae ko. Ajujuju. Pambihira naman tong si Ram di naman ako pinigilan at di sinabi sakin na ganon pala itsura ko! Bago ko makapasok ng bahay narinig ko pa siyang sumigaw. 

"Huwag kang mag alala wala namang bumakat sa tshirt mo! Mas malaki pa nga yung akin kesa sayo! Hahahahaha" Gustong gusto ko talaga ibato sa kanya yung sandok na hawak ko! KAASAR! 

Grabe! Simula nang mag krus ang landas namin nung kapre na nalahian ng sea lion na yon, feeling ko ang malas malas ko na! May dala yatang bad luck yung kapre na yon! T_T

“Ouch! Aray ha! Nakakarami ka na bru! Nahahalata na kita!” Simula kasi kaninang umaga pa ko nagrereklamo kay Miles about dun sa nangyari sakin kahapon. Hahaha napipikon na yata sakin si Miles. “Kanina ka pa kasi paulit ulit e. May mangyayari pa ba kung mababaliw ka kakaisip diyan?”

“E kasi bru feeling ko nalapastangan ang pagkababae ko!” Nakakainis naman kasi e! Pambihira talaga!

“Hoy huwag ka ngang pa virgin dyan! Nakita niya lang naman di niya naman nahawakan no!” Sira ulo talaga to! Pavirgin daw ba ko e! E sa nakakainis naman talaga e! Sa dami ng taong makakakita sakin na ganon itsura ko bakit siya pa?!

Bakit ba kasi ako nagkaroon ng napaka supportive at matinong kausap na bestfriend. I'm too sarcastic ba? Waaaaah! Naiinis talaga ako! Yumukyok na lang ako sa desk ng armchair ko sa sobrang pagkainis ko. Hay. Sana pagbalik ko ng apartment wala na yung annoying neighbor ko. T_T

♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ 

A/N: Vote and comments please. thank you po! paki like na rin po yung page ko mga mahal.

https://www.facebook.com/pages/Tamie-jetaime143/665892216761724

I Hate that I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon