FIVE

25 1 0
                                    

♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ 

CHAPTER FIVE

Anong oras na ba ko nakatulog kagabi kakahintay sa reply ni Matt? Pambihira ang sakit ng mata ko. Mukha tuloy ako zombie ngayon. =_=

Nagdirediretso na ko ng c.r para maligo at ng mawala na din tong antok ko. Pagtapos ko maligo feeling ko mas lalo ako inaantok. Parang magnet yung kama ko at hinihila akong mahiga ulit pero hindi pwede. Kailangan kong pumasok. Kinuha ko na yung bag ko pati na rin yung phone ko.

5 new messages.

Tinignan ko naman kung sino yung mga nagtext. Yung 4 messages galing kay Miles yung isa kay Matt. Syempre una kong binuksan yung text galing kay Matt haha malandi ako e. ^_^

From: Matt

Hi Shana good morning :)

Ayy talaga naman! Nawala yung antok ko! Talo ko pa nakainom ng 10 liters na energy drink. Huwag kayo PM yan hindi GM. Ayiee kilig much!

“O Bru? Anong nangyari  sayo? Mukha kang sabog? Ang itim at maga yang eyebags mo? Tapos nakangiti ka pa dyan? Yung totoo?? Nagshashabu ka ba?”

“Bruuuuuuuuu! Sana lagi ka na lang wala!” Ang lawak na naman ng ngiti ko. Sa totoo lang ramdam ko din na mukha akong sabog. Yung feeling ba na para kang nakalutang sa hangin sa sobrang saya mo.

“Ayy.. Bwisit! Hiniling talaga na lagi akong wala?! Ang sama ng ugali mo! Samantalang dati parang di ka matatae diyan pag di mo ko kasama. Ngayon isang araw lang kita hindi nasabayan umuwi ganyan ka na! AHETCHYU!” Magwo-walk out na sana si Miles ng hilahin ko yung laylayan ng buhok niya kaya napahinto siya sa paglalakad.

“Hoy! Huwag kang maarte dyan. Ang drama mo di naman bagay sayo! Pwede magkwento muna ko bago ka magwalk out dyan ha?” Binitawan ko na yung buhok ni Miles tapos mukha naman siyang tutang naghihintay na hagisan ng pagkain. Hahahaha natatawa ko sa itsura niya. Kaso pinigil ko na sarili ko baka umiyak to e. “Magkwento ka na bilis baka mainis mo ko!” Umakbay siya sakin saka nag pout. Akala niya naman kinaganda niya yon? Hahahaha.. Sinumulan ko na ikwento sa kanya yung mga nangyari kagabi.

“AYIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEE! KILIG MUCH KA BRU!!!!!!!!” Muntimang talaga tong babaeng to e. Ngayon naman ako yung sinasabunot-sabunutan niya habang nag hihintay kami ng prof dito sa loob ng room. “Hoy gaga! Tinalo mo pa ko sa pagkakilig ha! Yung totoo ikaw yung hinatid sa bahay? Kung kiligin kala mo ihing-ihi!”  Hawak hawak ko na rin yung buhok niya at nagsasabunutan na kaming dalawa. Pero hindi po kami nag aaway ha.  Ganyan po talaga kaming maglambingan na dalawa.

BABALA: Mga bata huwag niyo pa kaming gagayahin pawang pang propesyonal po lamang! Hahaha >_<

“Gusto mo Bru di ako ulit sasabay sayo paguwi?” Ngiting ngiti naman ang gaga.

“Sige try mo na naman akong iwan sasamain ka talaga sakin. Saka hayaan mo na baka sabihin naman non nananadya ako na hindi sumabay sayo pauwi diba?”

“Sabagay may point ka diyan.

Kasi naman kung aaraw arawin ni Miles ang di pag sabay sakin pauwi baka makahalata naman tong si Matt saka baka isipin non na crush ko siya totoo pa naman. Naku nakakahiya no! Saka ayaw ko malaman niya. Pag nalaman niya naku hindi ko na siya crush. Kaya quiet lang kayo ha!

After class, tulad ng napag usapan sabay kami umuwi ni Miles. Pagdating sa may kanto papunta samin bumaba na ko ng tricycle si Miles naman nagpadiretso na dun sa may kanila may 3 kanto pa kasi mula samin yung bahay nila Miles.

Habang naglalakad, may napansin ako ng lalaki dun sa may poste ng meralco. Di ko masyado maaninag yung mukha madilim kasi saka nakayuko siya pero parang pamilyar siya sakin saka yung uniform niya kapareho nung school uniform namin. Nakasandal siya sa may poste tapos nakahawak siya sa strap ng backpack niya. Mukhang may hinhintay.

Nung malapit na ko sa tapat niya medyo binagalan ko yung lakad. Nakayuko pa rin siya. Alam niyo naman ako may lahing tsimosa kaya sinubukan ko masilip yung mukha niya.

"Ayy butiki mo!" Nagulat ako nung inangat ng lalaki yung ulo niya. Nahuli niya tuloy ako na nakatingin sa kanya. Pero ang mas kinagulat ko.

"Shana andyan ka na pala!"

O_O

Nanlaki talaga yung mata ko. Para kong naistatwa sa kinatatayuan ko. Si Matt?? Anong ginagawa niya dito? Sinong hinihintay niya?

"kanina pa kita hinihintay e!" Ano daw? Teka nabibingi ba ko? Nananaginip ba ko? Sinampal ko yung sarili ko. "Aww!" Masakit! So ibig sabihin totoo to. Hindi  ako nananaginip! Totoo talaga to! HOMEGAS!!!! 

"Huy ok ka lang?"

"Ahh oo." Kinuha niya yung bitbit kong libro tapos sabay kami ulit naglakad hanggang sa gate ng bahay katulad kagabi. Hay. Lord salamat po talaga sa blessings. Breakfast lang po hiningi ko sa inyo pero lunch saka dinner binigay niyo may dessert pa! ^_^

 Ang sarap nga namang mabuhay ano? Kung ganito ba naman araw araw. Kahit may mga gusto ka na hindi mo nakukuha may mga bagay ka pa ring natatanggap kahit di mo hinihingi ^_^. Ang bait talaga ni Lord. Nasira naman ang pag dedaydream ko ng tumunog yung cellphone ko.

1 message received

+6390123456789

Hoy taray! Pinapasabi ni Ram na pakisabi daw sa ermats niya na di siya makakauwi. Salamat daw.

Ha? Taray? Si Ram? Sino sa mga barkada ni Ram? Bukod sa mga barkada niya dito sa may amin wala ng nakakakilala sakin. Pero dahil mabait ako nagreply naman ako.

“Ok” Sorry di naman ako interesado sa kanya, kaya bat kailangan ko siya replyan ng may sense? After a minute nagring yung phone ko. Incoming call galing dun sa unknown number. Sinagot ko naman baka kasi si Ram yon at may importanteng sasabihin.

“Hello.” Sinagot ko yung call in a modulate voice.

“Grabe hanggang sa text mataray ka pa rin e no!” Sagot naman nung nasa kabilang line. Parang familiar yung boses di ko lang matandaan kung saan ko narinig.

“Teka sino k aba? Close ba tayo?” Modulated pa rin yung boses ko kasi nga di ko naman kilala yung kausap ko sa kabilang linya.

“Hahaha hoy taray di mo talaga ko natatandaan? Ako yung gwapo mong kapitbahay!” Pagkasabi na pagkasabi niya nung word na “kapitbahay” para akong isinalang sa kalan at biglang nag init ang ulo ko. Kaya pala sabi ko familiar yung boses. Yung hudas na kapre pala na yon yung kausap ko!

"Ayy ang kapl rin naman ng peslak mo no? Gwapo ka? Saang banda? Kung wala kang importanteng sasabihin. Ibaba ko na tong phone ko at kung pwede huwag mo na akong itetext o tatawagan pa!” Ewan ko ba! Ang lakas talaga maka sira ng mood ng taong to. Yung tipong boses niya pa lang marinig mo nakakainis na what more kung makita ko pa siya diba?

“Okay! Tumanda ka sanang dalaga! Taray!” Bago ko pa siya masigawan eh naibaba niya agad yung call. Arrrrg! Nakakainis! Ipinanganak yata siya sa mundong ito para bwisitin lang ako! Pambihira!

 ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ 

A/N: update. update. update. and please leave comments and votes mga mahal ko!  If you want na magpadedicate just drop a message on my inbox na lang po. 

Palike po! https://www.facebook.com/pages/Tamie-jetaime143/665892216761724 

I Hate that I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon