FOUR

24 1 0
                                    

♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ 

CHAPTER FOUR

9pm na tapos mag isa lang akong uuwi. Harujosko! Lord samahan niyo po ako! Pano ba naman kasi yung mabait kong bestfriend inuna pa lumandi kesa hintayin ako T_T. Galing pa kasi ako sa office ni Ma’am Shiela. Bakit ba kasi ako yung napili nila na maging isa sa delegate ng summit na gaganapin sa summer?  Kaso hindi naman ako pwede tumanggi kasi malaking tulong din yun para mapaganda ang credentials ko. Hmp! Apat daw kaming delegates e sino pa kaya yung apat? Ako pa lang daw kasi yung nakakausap ni Ma’am Shiela. And take note sa Monday na yun. Three days din yung summit na yun a. Sana hindi ako mabored!

Binilisan ko na lang ang lakad ko dito sa may corridor ng mapansin ko na madilim na sa paligid at wala ng ilaw sa loob ng mga classrooms. Nakakatakot yung ambience dito baka mamaya may makasalubong akong nakaputi at duguan dito.

“WAAAAAAAAAH! Fuschiang kalabaw! Lord kayo na pong bahala sa akin!” Napasigaw talaga ako ng bonggang bongga. Eh pano ba naman kasi. Ako lang mag isa ang naglalakad dito hallway then all of a suddent may hahawak sa balikat ko! HOMEGAS! O jusko! Nangangatog na ko sa takot.

“Huy! Okay ka lang? Nagulat ba kita?” Nung marinig ko siyang magsalita, dahan dahan akong dumilat. Woooooh! Fuschiang gala!

“Hi—ndi. Hooo! Hindi mo ko nagulat. Grabe kalmang kalma nga lang ako e. Relax o! Hooo!” Pambihira. Nakahinga ko ng maluwag as in sobrang maluwag! Kala ko mamamatay ako sa takot kanina. WOOOOOOH!

“Hahahaha.. sorry! Magugulatin ka pala!” Anak ng pasta! Tawanan talaga ko? Pasalamat talaga tong si Matt at gwapo siya kundi kanina ko pa siya nasuntok!

“Bat ka ba kasi bigla bigla sumusulpot? May lahi ka bang kabute? Hay grabe! Akala ko mamamatay na ko kanina e.”

“E bakit kasi mag isa ka lang naglalakad dito? Gabi na!” Grabe mas mamamatay yata ako sa kaba ngayon e. Kausap ko talaga si Matt ngayon at sabay kami naglalakad palabas ng campus.

“Nauna umuwi si Miles may lakad daw siya e. Nakakatampo nga kasi iniwan niya talaga ako mag isa.”

“Wala ka pala kasabay umuwi. Gusto mo sabay na tayo?”

What??? Tama ba yun? Sabay daw kaming uuwi?

“Sigurado ka?” Ano ba Shana pumayag ka na lang ang dami pang arte e.

“Oo. Ano tara!” Kinuha niya yung dala dala kong libro. Saka kami naglakad papunta sa terminal ng tricycle. Medyo nagtaka nga ako e. Alam niya na tricycle sinasakyan ko pauwi. Ngayon lang naman kami nagkasabay pauwi.

Nung nasa may kanto na ako pumara na ko dun sa driver. Bumaba muna si Matt ng tricycle para mababa ako. “Manong eto pong bayad.”

“Huwag na.” Hinawakan niya yung kamay ko saka niya inabot yung bayad kay manong. Take note hinawakan niya yung kamay ko! As in hinawakan niya talaga! Hindi na ko maghuhugas ng kamay mamaya!

“Thank you sa pag libre sa pamasahe. Teka bat bumaba ka rin ng tricycle? Di ka naman dito nakatira.”

“Ihahatid kita hanggang bahay niyo” Then he gave me his sweetest smile. O my golly gosh! Makalaglag underwear! Hahaha

Wala naman kaming masyadong napagkwentuhan habang naglalakad. Buti nga hindi naging awkward yung atmosphere e. “Sige Matt dito na ko. Gusto mo ba muna pumasok sa loob?”

“Ahh.. hindi na gabi na rin e. Next time na lang. Bye!” Tapos tumalikod na siya. Bago siya makalayo tinawag ko siya. “Matt! Hmmm.. Thank you ulit ha!” Nag smile ulit siya sakin.Nang makalayo na siya saka ako pumasok sa loob.

Ang laki ng ngiti ko parang mapupunit na labi ko sa sobrang ngiti!

^ _________ ^

“Ang laki ng ngiti a! Hahaha yabang may nakakatagal pala sa katarayan mo?” Napahinto naman ako saka ko nilingon yung nagsalita. Grabe no! Hindi talaga mawawala yungmga taong panira ng araw.

“So?” Saka ko siya tinignan ng ANO-TINITINGIN-TINGIN-MO-DYAN-LOOK. Anak talaga ng kapre to!

“Whatever!” Pinatay niya yung yosi niya saka siya tumayo sa hagdan sa may pintuan. Sabay pasok sa loob ng apartment niya.

Lord give me more patience. Baka po makapatay ng nilalang na may buhay at baka makasuhan pa ko ng cruelty to animals. Grabe panira talaga ng araw yung kapre na yun! Arrrrggg!

 After ko magdinner. Dumiretso na ko sa kwarto ko. Matutulog na sana ko kaso biglang tumunog yung cellphone ko.

From: +639876543210

Goodnight! Sweet dreams. Sleep tight.

-          Matt ^_^

OH MY GOOOOOOOOOOOOOOOOOOSH! WAAAAAAAAAAAAAAAAH! Para kong bulate na binuhusan ng asin. Halalalalalala! Pambihira naman Matt! Papatayin yata ako sa kilig  nitong lalaking to e.

Nawala tuloy yung antok ko. Hahaha grabe ha kinapos ako ng oxygen sa sobrang kilig ko. At dahil sinapian ako ng espiritu ng kalandian. Bumaba ako at lumabas ng bahay para magpaload. Duh! Bihira lang mangyari to no! Baka sabihin ni Matt isnabera ko. Yun nga lang 1234567890 years siya bago magreply. Nakatulugan ko tuloy siya kinabukasan ko na nabasa yung reply niya.

♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ ♀ ♥ 

A/N: Votes and comments po mga mahal! pakilike po yung page ko po thank you very much

https://www.facebook.com/pages/Tamie-jetaime143/665892216761724

I Hate that I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon