Ballpen

2 0 0
                                    

Sa sobrang dami naming assignments at project ka-kailanganin ko pang maghanap ng computer shop para sa mga research at prints ng picture para sa isang subject.

Sabado ng umaga nagpaalam ako kay mama para pumunta sa phase 1. Medyo malayo yun sa'min. Pero dahil hindi naman kami mayaman, nilalakad ko lang yun.

" Bilisan mo umuwi ah? Baka abutan ka ng papa mo wala dito sa bahay. Mapagalitan ka nanaman. "

Sigaw ni mama mula sa kusina. Palabas na ako nun ng pinto. Dala ko ang isa naming libro at isang notebook. Bago ako lumabas sumulyap pa ako sa orasan sa dingding. 9:15 sa orasan. Kailangan makabalik ako bago mag-tanghalian.

" sige ma, ba-bye! " sabay takbo sa labas.

May pera naman ako pang tricycle. Pero tingin ko mas maganda maglakad para mkahanap kung may mas malapit pang computer shop banda dito sa amin.

Patawid na ako ng kalsada nang mahagip ng mata ko sila Jasper at Rui sa kabila. May apat silang kasamang lalaki na hindi ko kilala. May hawak silang cards at deck. Nagtatawanan pa sila at patawid na rin.

Inalis ko ang tingin ko sa kanila at diniresto ko na lang ang pagtawid. Hinihiling na sana di nila ako makita.

Malapit na ko sa kabila ng may maramdaman akong presensya sa gilid. Unti unti kong nilingon kung sino man yun habang nagdarasal na sana wala kila Jasper at Rui yun.

" Cherry. " malumanay at malalim ang boses na yun. Paglingon ko si Jasper pala na blanko nanaman ang mukha. Pinilit kong kumalma at humarap sa kanya.

" ah.. ikaw pala Jasper. " pilit ko sinayahan ang boses ko. Pero parang mas awkward ata ang naging tunog.

Tiningnan ko siya habang nghihintay sa kung anu man ang gusto niyang sabihin. Para akong naiihi sa kaba. Di ko maipaliwanag kung bakit para akong naiilang sa kanya.

Pinakita niya sa'kin ang isang ballpen. Nangunot ang noo ko sa pagtitig ko duon. Ganun ba talaga silang mag bestfriend? Parehong weird.

Kasabay nun. Ang pagtawag sa kanya nila Rui at iba pang niyang kasama.

" Jasper tara na! Mali-late na tayo sa tournament. Sino ba kausap mo? "

Sigaw ni Rui. Hindi ata niya ako nakita o baka hindi niya na ako matandaan. Kung sa bagay matangkad kasi itong si Jasper. Natatakpan na niya ako dahil sa height kong gang balikat lang niya.

Hindi siya sumagot kayla Rui. Iniabot lang niya sa'kin yung ballpen at biglang tumawid. Sa pagtawid niya tska pa lang ako nakita ni Rui.

" Uy Cherry kaw pala yan! "

Ngumiti ako sa kanya. Isang ngiti na parang ngiwi na ata ang lumabas. 

Binalingan niya si Jasper at tinanong. Hindi ko na narinig dahil na rin sa mga sasakyan at sa layo nila.

Kumaway na lang si Rui sa'kin samantalang si Jasper ay nakatalikod na. Kumaway nadin ako at tumalikod.

Habang nglalakad ako tiningnan ko yung ballpen na iniabot sa akin ni Jasper. Sa loob nun my papel na nakapalibot. Di ko na pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Extra ballpen din ito para sa school.

Pagkarating ko sa isang computer shop. Nagpunta kaagad ako dun sa counter.

" miss, open time po "

" sige sa no. 7 ka na lang. "

" thank you. "

Naglakad na ako papunta sa sinsabi ng babae. Ang shop na ito ay may 20 computers. May kalakihan ito kesa sa ibang shop. Kumpleto rin sila sa iba pang needs ng mga tao. May printing, scanning, telefax, xerox at rush ID din sila. Mas maganda mag computer dito dahil na rin sa hindi mainit at di ganon kaingay ang mga ngsisipunta, hindi katulad sa iba na puro trash talk ata ang maririnig mo.

Pagkaupo ko sa upuan, nag umpisa agad ako sa pag reresearch. Mabilis naman ang connection nila at di ganun kaingay kaya mabilis ko din natapus ang ilan sa mga hinahanap ko.

Lumapit ako saglit sa counter para mgpa-print.

" ate.. pa print po ako sa may no. 7. "

Lumingon sa akin ang nagbabantay at may papel na ibinigay.

" paki save sa my documents. Pakisulat dito kung ilang copies at ng file name. Colored ba o black and white. "

Kinuha ko yung papel at bumalik sa upuan ko. Tamang tama at may ballpen na ibinigay si Jasper. Kinuha ko yun at isinulat.

Pero napansin kong wala naman pala itong tinta.

Napapikit ako sa inis. Bumalik ako sa counter para makahiram ng ballpen. Naiinis ako kung bakit ko ba tinanggap yun at kung bakit di ko man lang napansin na wala naman pala yung tinta.

Hay Jasper! Pinagtitripan mo pala ako.

Sabe ko sa sarili ko. Inipit ko sa notebook ko yung ballpen at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko.

Inialis ko na lang sa isip ko ang ballpen na wala naman palang tinta. Napailing na lang ako at tinapos na ang mga assignments.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Mo SinabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon