" okay class, pwede na kayong umuwi. Yung project ninyo kailangan ko na by monday. Is that clear?! "
Sabi ng teacher namin sa MAPEH.
" yes sir! '' halos sabay sabay naming sagot sa kanya.
Friday nuon, kaya naman halos lahat ata ng teacher namin sa bawat subject my pinapapasa sa monday, kundi project assignment naman.
" Uy Cherry, pahiram naman ako ng cellphone mu, may ite-text lang ako. "
Si Sheryl, kapag uwian madalas niyang hiramin ang cellphone ko, tinatanung din nya kung my mga love qoutes din ba ko, ako naman dahil uso ang unlimited pinapahiram ko siya.
" Eto oh, maya pa expiration niyan, basta lagyan mu ng name mu sa dulo ah? "
Paalala ko sa kanya.
" oo sige salamat. "
Maya maya din habang inaayos ko ang mga gamit ko sa pag-uwi, iniabot na sa akin ni Sheryl ang phone ko.
" salamat cherry ah?! Mauna na din ako sa inyo ni rachel. Ingat kayo! "
Sabay takbo palabas, tumango ako at kumaway kahit alam kong hindi rin naman niya nakita.
Naglakad na din kami ni Rachel palabas, isa si Rachel sa mga bestfriend ko.
" chel, CR muna tayo bago umuwi. " sabay turo hila sa braso niya.
" sige, naiihi na rin ako eh. "
Pagdating namin sa cr ang daming tao, palibhasa uwian kaya parang sabay sabay atang tinawag ng kalikasan ang mga estudyante, napagdesisyonan na lang namin ni rachel na humanap na lang ng iba pang cr.
Nakarating kami sa math building at sakto walang tao sa cr, medyo malayo rin kasi itong building at kadalasan mga teacher ang mga nagsisipag gamit ng banyo na ito.
" mauna ka na sa loob, sunod ako pagkatapos mo. "
Si rachel.
" sige salamat! "
Sabi ko sa kanya, maya maya pa bago pa ko matapos narinig ko na siyang impit na tumitili, nagmadali akong maghugas at tsaka patarantang lumabas ng cr.
" Rachel anung nangyare? "
" si anu oh? Kausap si ano.. "
Naguguluhan man ako, sinundan ko pa rin kung san man siya nakaturo.
Nakita ko si Sheryl, may kausap na lalaki, matangkad ito may kapayatan at maputi, nakatalikod siya sa amin kaya di ko makita ang mukha niya.
Hinatak naman ako agad agad ni Rachel para puntahan sila duon, kahit nag-aalangan ako ngpahatak na lang din ako sa kanya. Ang totoo kasi gusto ko rin makita at malaman kung sino man yun. Napaisip tuloy ako kung siya rin kaya ang tini- text palagi ni Sheryl.
Bago pa man kami makarating sa kinaroroonan nila, napansin na kami ni Sheryl, kumaway ito at ngiting ngiti.lumapit na din kami at ngumiti.
" Girls, nga pala si Jasper. "
Bungad ni Sheryl, lumingon naman sa amin si Jasper pero blanko ang mukha, walang ngiti, hindi nakasimangot o anu pa.
" hi! " kami ni Rachel.
Pero wala man lang sagot mula sa lalaki. Gwapo sana isnabero nga lang ang peg.
" sige, Sheryl papasok na ko, kita na lang ulit. "
Yun lang at umalis na rin siya kaagad.
" uy Sheryl, kaw ah? Kayo na ba ni Jasper? "
Tukso sa kanya ni Rachel. Ako naman tinitingnan lang ang magiging reaksyon niya.
" hindi pa. " sabi ni sheryl at bahagyang yumuko pero kita naman na para itong kinikilig.
" asus.. Uy ah? Sa group session natin isama mu siya ng makilala din ng iba " dagdag pah ni Rachel.
" naku, malabo un chel. Pang hapon kasi sila. Tska medyo mahiyain yun eh. "
Sagot niya samin. Tumango na lang ako at inaya na si Rachel na umuwi. Baka wala na kong maabutang tricycle sa labas. Mapagalitan pa ako ni mama.
" ang pogi ni Jasper nu? "
Sabay kalabit sa'kin ni rachel
" gwapo nga isnabero naman "
Sagot ko sa kanya
" hahaha hayaan mo na baka nahiya lang sa ganda natin "
Natawa na lang ako bigla sa sinabi niya.
Malapit na kami sa gate ng may tumawag ng atensyon namin. Hindi naman namin nilingon dahil baka ibang tao yung tinatawag.
" miss! "
" miss! Yung naka black na bag! "
Sigaw nito. Nagkatinginan kame ni rachel, lumingon kami sa paligid para matiyak kung sino ba ang tinatawag.
" ikaw! Ikaw miss ikaw nga !"
Sabe niya kasabay ng paghingal dahil na rin sa pagtakbo.
" hi! Ako nga pala si Rui "
Nagkatinginan kame ni Rachel, pamilyar sa amin ang lalaki na ito, madalas namin siyang makita kasama ni Jasper ( oo si jasper na isnabero )
Inilahad niya ang kamay sa akin ngtataka man iniabot ko din ang sa akin.
" ayun, akala ko pati pakikipagkamay matatagalan mgreply. " sabay ngiti niya.
" ah hehe ako nga pala si Rachel, at siya naman si Cherry "
Agaw ni Rachel.
" pasensya ka na sa kaibigan ko,pamilyar ka kasi eh "
Dagdag pa ni rachel habang ang mga kamay namin ni Rui ay magkahawak padin.
" ehem, yung kamay ko "
Sa wakas ay nasabi ko rin
" sorry, nakalimutan ko. Oo nga pala ako yung bestfriend ni Jasper. Kilala niyo siya hindi ba? "
Sagot ni Rui
" oo, kanina lang. "
Ako na ang sumagot.
" ah miss, este Cherry pwede bang ayain ka mag badminton? "
Isang tanong na hindi ko inaasahang magpapabago sa high school life ko.
BINABASA MO ANG
Hindi Mo Sinabi
Novela Juvenila story that inspired by someone whom i've known for so long. long enough to realized that some event in our lives was intentional.