Literal na napanganga kame ni Rachel.
Anu daw? Badminton? Sa lahat ng iaayang gawin ng isang lalaki sa isang babaeng kaka-kilala pa lang ang pagba-badminton na ata ang hindi mo aasahan.
" huh? Badminton? Sa ganito katirik na araw? "
Di ko napigilang itanung sa kanya. Bigla siyang natawa
" hahaha naku pasensya na, masyado bang weird kung tanghali kita ayain maglaro. Ang totoo kasi niyan wala ako maisip na sabihin sainyo at kung paano pa tayo makakapag usap ng matagal. "
Mahabang saad ni Rui.
Masyado atang bilib sa sarili etong lalaki na ito at parang sigurado siyang papayag kami na maglaro.
" ah Rui, pasensya na pero kailangan na naming umuwi. Hindi kasi pwedeng magtagal etong si Cherry."
Si Rachel na ang sumagot.
Ngumiti na lang ako kay rui. Habang pinagmagmamasdan ko ang makapal niyang kilay na ngayon ay naka-kunot na.
" ganun ba? O sige sa susunod na lang. Ingat kayo ah? Lalo ka na Cherry. Mglalaro pa tayo eh "
" hahahaha sige. Una na kami. "
Tumalikod na kami ni Rachel at baka kung saan pa pumunta ang usapan.
Hindi ko na gusto pang lumingon, pero pakiramdam ko naka-tingin pa rin siya samin papalabas.
" Weird! "
" uu nga eh. Ano kaya nakain nun? "
" baka di kamo kumain. Nalipasan. "
Pagbibiro ko. Tinawanan na lang namin ni Rachel at binilisan nang lumabas.
Sa paglalakad namin hindi namin namalayan na nasa paradahan na kami ng tricycle.
Malayo pa kasi ang bahay namin mula sa school kaya sumasakay pa ako ng tricycle. Hindi katulad ni rachel na walking distance lang ang bahay mula rito.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumara na rin ako ng masasakyan. Pag uwei ko sa bahay walang tao. As usual si mama lumabas na naman na iniwang bukas ang bahay pagkapasok sa loob dumiretso ako kaagad sa taas. Nagpalit ako kaagad ng damit at bumaba.
Wala pa rin si mama.kami na lang kasi ang naiiwan ni mama sa bahay kapag nasa trabaho si papa. Yung dalawa ko kasing kapatid na babae nagsipag asawa na.
Pumunta na ako sa kusina at naghain sa sarili ko. Sanay na akong magisa kumain. Mas gusto ko yun kesa sa sama sama kami at puro bangayan lang ang maririnig.
Habang naghahanda,biglang tumunog ang cp ko.
From : +690906445274
Keep safe :)
Unregistered number nanaman. Napapadalas ata ito.
Hindi ko na pinansin dahil hindi na rin bago. Binubura ko na lang. Nung minsan kasing magreply ako, wala namang reply na dumating. Nung tinry ko namang tawagan cannot be reached naman.
Sabe nga nila marami raw tao ang walang magawa sa buhay. Lalo kung unlimited ka at wala ka namang ma itext.
Maya maya pa dumating na si mama, nasa kalagitnaan na ako ng pagkain.
" andyan ka na pala bunso. "
" saan ka galing ma? "
" dyan sa kumare ko, at binyag daw ng anak niya sa linggo. Pinapapunta ako "
" ah.. Kaen na ma "
Aya ko sa kanya. Sa araw araw ganito kami ni mama, kaya nga pati linya namin pare parehas din.
Pagkatapus kong kumain iniligpit ko iyon at hinugasan, nagpunta na rin ako sa cr at naligo. Sa sobrang init hindi maaring hindi ka manlagkit sa school. Pagkatapus kong maligo pinatuyo ko ang buhok ko at naghanda na para matulog.mamaya ko na lang gagawin ang mga assignments at projects ko.
Naniniwala pa rin kasi akong sa pagtulog ng hapon tatangkad ako. Natawa na lang ako sa sarili kong paniniwala.
Maya maya pa, pahiga na ako ng tumunog ulit ang cellphone ko.
Pagtingin ko yung number ulit na yun ang nagtext.
From: +63090906445274
:) Kaen kah.
Nawi-weirduhan man ako, kinatuwa ko parin na kahit sa text man lang may nakakaalala sa'kin.
Kung sino man siya, siya ang dahilan bakit mabilis akong nakatulog na parang wala kahit anung problema.
BINABASA MO ANG
Hindi Mo Sinabi
Fiksi Remajaa story that inspired by someone whom i've known for so long. long enough to realized that some event in our lives was intentional.