Lalapit Ka Lang
Wag mong sasabihin na hindi mo ako kilala
Dahil mula noon pa ay kilala na kita
Mula sa paaralan noong tayo'y bata pa
Naglalaro ng habol-habolanHabang naglalakad ako nakita kita
May kasama nang iba
Alam kong nakita mo ako
Ngunit iba ang iyong ginawaWala... Napadaan lamang sa iyong mata
Kahit ngiti o pagtango ay wala
Nagmukhang hindi tayo magkakilala
Dahil lang sa may kasama kang ibaKahit sa ganon lang mapansin mo ako
Sa paraang ako'y kakilala moTama nga, lumalapit ka ng may pangangailangan
Magpapatulong kapag nahihirapan
Ngunit sa oras ng kaligayahan
Ako'y iyong nalilimutanHindi ito madali para sa akin
Ang makalimutan pagkatapos ng lahat
Pagtulong, pagbigay at sa huli ang paglimot
Nawa'y maalala mo, tulungan mo rin akoOkay lang sakin na humingi ng tulong
Ang magkaroom ng pangangailangan
Basta sa huli ako'y iyong makikilala
Hindi sa lalapit ka lang kapag may kailangan.
BINABASA MO ANG
Tula ng Ating Buhay
PoesíaMga tulang hango sa naranasan Pangyayaring nakita ninoman