Pangalawa

52 2 0
                                    

Alaala

Hindi mo lang alam
Ang sakit  na aking dinadamdam
Na ang mga ngiti mong kay tamis
Ay ang lungkot kong kay pait

Nawa'y asahan mo ito
Na hindi ako mananatiling ganito
Nasasaktan tuwing marinig ang pangalan mo
Umiiyak sa mga alaala mo

Ako lang pala ito
Minamasdan ang tulad mo

May kasama nang iba, tinatawag na mahal
Ikaw ay masaya, sinasabi mong siya ang dahilan
Nawa'y ikaw mga ay masaya
At heto, akin ding sinusubukan

Hindi ko na muling ihahalungkat
Sapat nang maging alaala lamang
Gagawin ko na ito
Ang paglimot na mayroong tayo

Magkakilala na lamang
Salamat sa kwentuhan

Tula ng Ating BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon