Chapter 1 - Getting to Know

22K 213 11
                                    

Ako pala si Shime , 31 years old. Matangkad, maputi at maganda. Apat na taon ng single at nag eenjoy sa buhay. Oo nag eenjoy. Pero hindi sa lahat ng panahon ay masaya. Anyway, we all have our fair share of down time. Noong fresh grad ako, atat na ako magka boyfriend kasi nga gusto ko makapag asawa na at the age of 25, but it didn't turn out that way.

Sa ngayon, iniisip ko nalang na kung may darating pa na para sa akin isang pagpapala iyon. Pero kung wala na talaga, tatanggapin ko nalang na mamumuhay na akong mag-isa. After all sa hirap ng buhay at sa mahal ng mga bilihin sa ngayon isang hamon ang pagpapalaki ng mga anak.

Masayahin ako noon. Palabiro at minsan happy happy lang at hindi iniisip and mga problema. Pero sa ngayon ramdam ko na ang bigat ng pakiramdam na kung tutuusin wala naman akong dapat isipin.

Hindi ko alam at hindi ko maintindihan ang aking sarili.

Aaminin ko noong kabataan ko sobrang mapili ako kung sino ang crush ko. Ibang level ang standards ko pagdating sa mamahalin.

Pero deep inside hindi yun ang pinapanalangin ko. Okay na ako sa simpleng tao ang mahalaga mahal ako at responsable sa buhay.

But then again maging makatotohanan tayo. Hindi rin biro ang makapagtapos sa pag-aaral at makamit ang mga pangarap mo. Kaya kasabay sa panalangin ko ang simpleng tao at mahal ako. Pero sa totoo lang..dapat nakapagtapos dn siya at mas mataas ang na aachieve kumpara sa akin kasi nga lalaki siya diba.

Sabi nila mataas na pangarap dw yun..kasi sa kokonti nalang ang lalaki sa ngayon. Bakit naman naging mataas diba? Sa tingin ko tama lang yun at nararapat.

So heto ngayon, sa araw-araw ko na pagpasok sa trabaho...iniisip ko na sana makasalubong ko ang prince charming ko. O na ma meet ko na sana siya. Sabi nila...sino naman makakalapit sayo ang mahal ng ngiti mo?

Eh alangan naman ngitian ko lahat ng taong makakasalubong ko diba? Sa isip ko....gusto ko ang lalaking maglalagay ng permanenteng ngiti sa mga labi ko. Siguro nagiging hopeless romantic na ako..dbale ng hopeless...romantic pa rin naman.

Kaya hayun sa araw-araw ng buhay ko umaasa pa rin ako na sana makasalubong ko na si Mr. Right. Pero wala pa rin talaga? Ganoon na ba ako ka unappealling sa mga guys out there!? Hello!? Hindi niyo ba nakikita ang alindog ko?

Kidding aside...hindi ko naman kasi pinapakita ang alindog ko. ✌

So much for the adlib....heto sisimulan ko na ang pagkukwento sa buhay ko...

Ako nalang mag-isa dito sa Pilipinas kasi nasa Japan ang parents and siblings ko. They're living and working there for the longest time. I am not with them because I just cannot stand living in another country where everything is in order.

Samantalang sa Pilipinas magagawa ko ang mga gusto ko. 😂 Na walang magagalit sa akin. Afterall, I am old enough to handle my life. Diba? Kahit magulo at matrapik sa pinas mas gusto ko pa rin dito. Alam niyo ba kung bakit?

Sssshhh..atin atin lang to hah? Nandito kasi ang mahal ko. Oo ang mahal ko....na hindi ako MAHAL!

Ang sakit diba? Yung umaasa ka na sana darating ang panahon na matutuhan din niya akong mahalin. Pero teka lang..paano pala niya ako matutuhang mahalin eh........

HINDI NAMAN NIYA AKO KILALA!

Am I scary? No! I'm not! I 'm just secretly in love with the person who doesn't personally know me...but....

ANG DIARY NG SINGLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon