I'm married to a Jerk! 21

3.7K 135 6
                                    



Napapangaga ako sa mga nadadaanan namin na gamit. Alam kong mahal ang lahat ng nakikita ko, yong flat screen TV pa lang ang laki kaya alam kung kahit isang taon pa na ipunin ni nanay yong pinapadala ko ay hindi ito magkakasya. "What the hell is going on here?" naisip kong isatinig sana yon kaso hindi ko pa nakikita si nanay sino naman tatanungin ko?.


Pinapasok kami ng katulong sa loob ng study room. Sinabihan kaming maghintay lang ng konti at pababa na raw ang seňora.. Huwat?" sinong seňora? nanay ko ang hinahanap ko at hindi ang may ari ng bahay.!" Niloloko ata ako ng katulong na yon ah!" Sasapakin ko talaga mamaya yon pag nakita ko uli, bakit naman si seňora pa ang tinawag hindi naman yon ang kailangan ko.



Biglang bumukas ang pinto ng study room at pumasok ang isang napaka gandang babae.

Simpre sa ganito ka gandang bahay, bagay lang din sa babae ang kagandahan nito.



"Hello po ma'am.. Sorry to disturb.... hindi ko natapos ang sasabihin ko sana ng bigla na lang akong yakapin ng babae. Sa gulat ko bigla pa akong napa atras.



"Anak" miss na miss kita.. buti na lang naisipan mong umuwi. Kami na sana ng papa mo ang dadalaw sayo sa manila. sa gulat ko sa sinabi ng babae ay itinulak ko siya. Bakit nya ako tinawag na anak hindi ko naman siya kilala. Saka wala akong papa.. Pero natigilan ako ng ma realize kong parang familiar yong boses nya.


Kaya tinignan ko siyang maigi. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang nanay ko. "Nay?" Ikaw ba yan?"


Anak namin eh," oo simpre ako to!" Sino pa ba. Niyakap ako uli ni nanay at this time niyakap ko rin siya pabalik. Matagal kaming nagyakap, ganun namin ka miss ang isa't-isa. Pero nang maalala ko si manang ay wala na pala ito sa loob.



Hinila ako paupo ni nanay sa isang upuan at saka naman siya umupo. Hindi pa rin ako makapaniwala na nanay ko yong kaharap ko. Ang bata at ang ganda nya, hehe may pinagmahan pala ako..
Nakalimutan ko tuloy yong problema ko..



Ikwenento ni nanay na matagal na pala kaming hinanap ni papa, kaya pala " NG " yong last name ko dahil, half taiwanese din pala ako.. Magkasintahan daw sila ni papa ng mabuntis si nanay sa akin. Pero hindi na siya nagawang panagutan ni papa dahil ipinakasal ito sa iba ng mga magulang. Mayaman pala tatay ko, sobrang yaman nga raw sabi ni nanay.


May dalawa daw akong kapatid na anak ni tatay sa asawa. Isang babae at isang lalaki, at ang good news ay tanggap raw kami ng dalawa. Katunayan ay tamang-tama ang pag dating namin ni manang dahil uuwi raw ngayon ang papa nya galing taiwan kasama ang dalawang anak.


Dahil sa pagod ako sa biyahe at parang nahihilo ako, pinagpahinga na muna ako ni nanay sa kwarto ko. Nang makapasok namangha ako ang ganda kasi. Lahat ng iniwan kong gamit sa dati naming bahay ay dinala ni nanay at inayos sa pagkakalagay sa bago kong kwarto.


Masaya ako para kay nanay, nakikita ko kung gaano siya ka saya ngayon, nagkabalikan na kasi sila ni tatay dahil patay na pala ang asawa nito. Bago ako natulog ay tinawagan ko muna si manang, sinabi ko sa kanya na okay lang ako at nagpasalamat ako sa kanya dahil wala siyang sinabi kay nanay tungkol sa pag aasawa ko. Inimbitahan ko siya para sana mamayang gabi pero tumanggi siya.
Ibinaba ko na ang cellphone at pumikit para matulog.



Nagising ako bandang 6pm. Ang haba pala ng itinulog ko, sinabi ko naman kay nanay kanina na hindi ako sasama sa airport at dito na lang ako maghihintay sa kanila. Agad kong inayos ang sarili ko, buti na lang at may mga dress akong naiwan. Pumili lang ako ng bagay lang sa okasyon. "Shit!" ang sikip naa.. pero buti na lang nakasya pa, para nga lang hindi na ako makakahinga. Sakto namang nag 7pm ng makarinig ako ng mga katok. Nagsalita ang katulong at sinabi na ready na daw ang dinner.



I'm married to a Jerk! ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon