I'm married to a Jerk! 26

3.7K 111 1
                                    




Masakit ang ulo ni Chris ng bumangon, nagulat siya na nasa sala pala siya nakatulog kagabi. Siguro dahil sa kanyang kalangsingan ay hindi na siya naka lipat pa sa kwarto. Agad siyang tumayo at iniligpit ang mga nagkalat na beer in can. Pumasok na siya sa kwarto at naligo ng mabilisan. Pagkatapos magbihis, hinanap niya ang cellphone sa kwarto at sa sala, pero hindi niya ito makita. Kaya nagpasya na lamang siyang umuwi sa bahay nilang mag asawa at baka naiwan niya ito kahapon.




Naabutan ni Chris si yaya chadeng na kaka labas lang sa kwarto nila ni grace. Nangunot ang kanyang noo, nang makita ang nag alalang hitsura ni yaya chadeng. Napabilis tuloy ang kanyang mga hakbang na palapit dito.




"Yaya!" What's going on?" Bakit po ganyan ang hitsura nyo?"sunod-sunod na tanong ni Chris sa taga pag-alaga.
May galit ang mga mata ng matanda ng tumingin kanya. Para itong nag-uusig na hindi niya maintindihan. Binundol ng kaba ang kanyang dibdib sa nakikitang pag alala sa mukha ni yaya chadeng.




Nasa hospital ang asawa mo, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka naman sumasagot.!" kahit mahahalatang galit ang matanda ay malumaymay pa rin itong nagsalita sa among lalaki.
Nag-alalang mukha agad ang nakita ni yaya sa alagang lalaki ng tignan niya ito uli. Bigla siyang nakaramdam ng tuwa dahil dito, alam niyang mahal ng lalaki ang asawa, ang hindi lamang niya naiintindihan ay kung bakit ito umalis na walang paalam.




"Yaya bring me to her please!" halos nagmamakaawa naman si Chris sa matanda ng marinig na nasa hospital ang asawa. Hindi na nga niya naitanong dito kung ano ang naging dahilan. Ang nasa isip ay importante na makita niya ang asawa. Agad namang tumango si yaya sa lalaking alaga. Ayaw niyang makialam pero gusto niyang magkaayos na ang dalawa para sa darating na anak ng mga ito.


Chris POV:



Halos paliparin ko na ang kotse sa bilis kong magmaneho, nag alala ako kay grace. Kahit gusto ko malaman kung ano ang nangyari ay mas nanaig ang kagustuhan kong makita agad ito at mayakap.



Pagka dating namin sa hospital kung saan dinala si grace, ay inutusan ko si yaya na bumili ng bulaklak at frutas. Sa kagustuhan ko kasing makita agad si grace ay hindi man lang kami nag abalang bumili bago pumunta. Sinabihan ako ni yaya, kung saan at anong room kaya diretso na akong naglakad papunta sa kwarto.




Hindi na ako nag abalang kumatok, baka tulog kasi ang asawa ko kaya pinihit ko na lamang ang seradora ng pinto.
Nagulat ako sa nabungaran, sumulak ang dugo ko nang makitang hindi nag iisa ang babaeng dahilan ng pagpunta ko doon. Humarap sa kanya ang lalaki, at nakilala ko naman agad ito na walang iba kun hindi si Ken Lee.



"What the hell are you doing here?" halos pasigaw kong tanong sa lalaki ng magtama ang mga paningin namin.



"Why i shouldn't be here?" balik tanong niya sa akin na lalo namang nagpagalit sa akin. Gusto ko na siya sugurin ng suntok, pero nagtitimpi pa rin ako.



"Get the hell out of here, before i do something that you wouldn't like. Baka hindi ka na makilala ng mga fans mo kung sisirain ko yang pagmumukha mo.!" nakakuyom ang kamao ko, habang sinasabi ang salitang hindi ko dapat sana sinabi.



"Are you threatening me?"



"NO!" I'm simply letting you know what i'm capable of. i told him with my calm voice. I saw my wife face gets white suddenly..alam kong naalarma siya sa mga mangyayari.



I'm married to a Jerk! ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon