I'm married to a Jerk! 27

4.2K 130 4
                                    

Grace POV:

Nang umalis si Chris ay saka ko lamang pinakawalan ang tinitimpi kong mga luha. Napahagulgul na nga ako, lumapit si manang chadeng sa akin at pilit akong pinapatahan dahil makakasama raw sa baby na dinadala ko. Nang mahismasan ako, ay ngumiti ako kay manang chadeng ng pilit. Nag hahanda na siya sa mga gamit ko, dahil lalabas kami bukas ng umaga. Pwede na naman daw ako lumabas na mamaya, pero sabi ni manang bukas na lang para makasiguro na okay ako at malakas ang kapit ng bata.




Very thankful ako dahil nandyan lang lagi si manang lalo na't kailangan ko ng makakapitan.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang taong hindi ko sukat akalain na makikita. Mabilis itong nakalapit sa kanya at niyakap siya.
"AA" sabi ko sabay yakap din ng mahigpit sa kanya. Hindi ko napigilan na umiyak uli habang kayakap ang best friend ko.
"How did you know i'm here?" tanong ko sa kanya..
Hindi niya nasagot ang tanong ko ng bumukas uli ang pinto at iniluwa ang mga biyenan ko at pati na ang asawa ni Aaliyah na si Aaron.



Nakatinging lumapit sa akin ang biyenan kong babae at niyakap ako ng maghiwalay kami ni Aaliyah.
"Anak!" buti naman at okay kana pala, pinag-alala mo kaming lahat.. sabi niya sa akin ng maghiwalay kami ng yakap.
Tumango lang sa akin ang biyenan kong lalaki habang nakatayo,a si Aaron naman ay kumaway din sa akin habang hawak ang anak nila ni Aaliyah.




"Okay na po ako mama!" nakangiti kong sabi sa kanya.. noong una ko siyang makilala ay halos hindi ko maisatinig ang pagtawag sa kanya na mama pero ngayon parang natural lamang sa akin ang tawagin siya.
Niyakap niya uli ako at bumulong ng "congratulations.. masaya raw siyang malaman na magkakaapo na sila.




Napaluha ako ng marinig ang kanyang sinabi. Hindi tuloy nila naiwasan na mag alala sa akin dahil sa pag iyak ko. "Tears of joy " sabi ko sa kanila na nakangiti. Totoo naman kasi na masaya ako na magkakaanak na ako.
Nagka tinginan sina Aaliyah at ang biyenan ko, di nagtagal at nagpaalam naman ang biyenan ko na bibili lang maiinom. Kami na lang tuloy ng bestfriend ko ang natira sa loob ng kwarto. Pati kasi manang ay sumama na rin sa biyenan ko.




Niyakap niya ako... patuloy lang din ang pag iyak ko.
"Alam mo bang ibang-iba ka na ngayon?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Paano akong naiiba ngayon?" Sinagot naman niya ang tanong ng nasa isip ko.
"Kasi nag matured kana ngayon. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig at buhay may asawa. makahulugang sabi niya sa akin.



"Alam mo bang nagtatampo ako sayo, kasi hindi mo sinabi sa akin na nag-asawa ka, the same day ng kasal ko noon.. Saka hindi mo rin sinabi sa akin hanggang ngayon at kay Auntie ko pa nalaman. Actually madami kang kasalanan sa akin, pero kung iisa-isahin ko lahat baka abutan nila tayo uli. tumawa pa siya sa huling sinabi




"Sorry besty!" nahiya lang kasi ako sayo.. the marriage is a big mistake anyway. Hindi naman niya ako mahal! naiiyak kong sabi sa bestfriend ko.




"Ano ba pinagsasabi mo dyan!" Kung hindi ka lang buntis ay hahampasin na kita. Anong hindi ka mahal.. patay na patay nga sayo yong pinsan ko noh." napatingin ako bigla sa sinabi ni aaliyah, papaanong patay na patay sa akin ang asawa ko. Kaliwat-kanan kaya ang mga babae na dinadala nito sa office.
Mapait akong napa ngiti sa naisip..




"Alam mo bestfriend, kailangan nyo talaga mag usap ng pinsan ko. Nasaan ba siya ha? Kanina pa siya tinatawagan ni Auntie dahil doon sa nangyaring iskandalo sa taiwan. Walang hiya yong si Leng chu, gusto ipahamak si pinsan. Ipapaangkin ba ang bata na hindi naman sa pinsan ko.!" hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa narinig, kung ganun hindi nakabuntis si Chris sa ibang babae?





I'm married to a Jerk! ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon