Chapter 1

69 2 2
                                    

"Mariah Gabriella de Guzman Hernandez!!!!!!!!"

"Kyaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh ahhhhhhhh waaaahhhhhhhhhhhh nasaan ang sunog? Omygahdddd lumikas na tayo!!!!! Ayoko pang mamatay!"

Dali dali akong bumangon sa kama ko!

Kumuha ng sako at itinaktak dun ang laman ng aparador ko!

Mas mabuti na yung handa noh kesa tuluyang matupok ng apoy ang mga gamit ko!

"Ano ba Fabee! Halika na!"

Hinila ko yung bestfriend ko kasi ayoko siyang maging bbq sa sunog habang ako eh nakaligtas! Mahal ko kaya yang besfriend kong yan.

Malapit na kami sa pinto ng biglang

*pok

"Aray!"

"Tanga ka ba? Tinawag lang kita sa buong pangalan pero wala akong isinigaw na may sunog! Ang hirap mo kasing gisingin."

Bigla kong nabitawan yung sakong dala ko pati ang kamay ng bestfriend ko sabay kamot sa batok ko.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Nakakainis ka Fabee!"

Bumalik ako sa kwarto at tinatamad na naglakad habang hila hila ko yung sako na naglalaman ng mga damit ko. Oo na! Epic po ako dahil dinaig ko pa si Santa Claus ngayon na akala mo eh nanakawan ng mga panregalo.

"Eh kakain na kasi! Kanina ka pang tulog"

Nagpout si Fabee. Hays ang cute talaga ng bestfriend ko. Kaya hindi ko 'to matiis eh.

"Oo na. Ok lang. Sige sunod na ako. Aayusin ko lang 'tong aparador ko."

Ngumiti ako sa kanya at nginitian niya rin ako. Lumabas siya ng kwarto at pumunta sa kusina habang ako naman eh nagbabalik ng mga gamit ko dahil sa naantalang sunog :3 

By the way, high way. Ako nga pala si Mariah Gabriella de Guzman Hernandez, 16 years old. First year college student at kukuha ng kursong Business Administration sa Lopez University.

Ay oo nga pala? Si Faye Bernadette Lee ang bestfriend ko. Half Korean siya kaya ang cute samantalang ako eh pure Filipina.

Mahirap lang kami. Nag aaral ako para makatapos at makatulong kay mama. Wala na kasi si papa. Namatay siya three years ago dahil sa isang car accident. Hayss namimiss ko nga si Papa kasi sobrang close kami nun eh. 

Nagsesenti na naman ako. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapaiyak kaya no choice ipinunas ko yung underwear na tinutupi ko kasi sobrang kayat na talaga ng luha at sipon ko eh. ^___^v

Kahit kelan talaga ang fail ko. Tss

Nandito kami ngayon ng bestfriend ko sa apartment kung saan kami nakatira. Malayo kasi sa school yung bahay namin kaya sabi ni mama eh kumuha na lang daw ng mauupahan. Maganda naman itong apartment namin kahit hindi masyadong malaki eh malinis naman.

Mayaman sina Fabee kaya lang dahil siya ay bayaning bestfriend, sasamahan niya ako dito baka daw kasi manakawan, marape, masalvage at kung anu-anong ek ek na nalalaman niya na napanuod ata niya sa pelikula ni FPJ at Lito Lapid na mangyayari sakin. 

"Yan! Maayos na ulit. Haysss"

Nagsigh ako tapos ngumiti. Linggo kasi ngayon at bukas ang first day of school. Sana maging maayos ang lahat.

"Oi Mayel kain na tayo."

Bumalik si Fabee at niyaya na akong kumain.

Nagpunta kaming kusina at syempre hotdog at sinangag ang breakfast.

"Hmmm bango!" 

^___________________^

Nagsimula na kaming kumain ng bigla na lang nagsalita si Fabee.

"Oy tingin mo madaming gwapong boys sa LU?" Nakangiting tanong niya sakin.

Malamang! Alangan namang wapong girls =___=

I stared at her then umirap ko.

"The heck do i care?"

Oo na! Bitter na kung bitter pero ayoko talaga ng usapang pag ibig eh. Hindi ko alam pero ipinanganak akong walang katamis tamis sa buto!

-___________-"

"Why are you so bitter Boo?" Tanong sakin ni Fabee

"Errr. Alam mo namang ayaw ko ng mga ganyan di ba?" Umirap lang ako.

"Alam mo balang araw sasabihin mo na tama ako at mali ka." She pouted.

"Boo....." Bigla namang sabi ko.

"Ok fine. Let's just eat." Sabay sabi niya habang nakataas ang dalwang kamay as a sign of giving up.

NBSB po ako. Hindi pa ako nagkakaboyfriend. Hindi naman sa pangit ako, meron din namang nanliligaw sakin pero binabasted ko rin kasi nga nakita ko kung paano umiyak si Mama nung Namatay si Papa. Ayokong masaktan at matulad kay Mama na iniwanan ng taong mahal niya.

Tumingin ako kay Fabee at nakita ko siyang tinititigan ako and then bigla siyang umiling at ngumiti.

Hala! Adik ata si Boo ah? Tsss XD

Nevermind na nga lang. Kakain na lang ako.

"Boo ako na ang magliligpit." Prisinta ko naman sa kanya.

"Sure Boo hihihi." Bigla namang humagikhik ang baliw kong bestfriend.

Natawa na lang ako.

Sinimulan ko ng maglinis ng piangkainan namin. At pagkatapos eh pumasok sa kwarto.

Nakita ko si Fabee na nag aayos na ng gamit niya kaya naman nagsimula na rin akong mag ayos ng gamit ko.

Pagkatapos kong mag ayos eh naligo na ako tapos nagbihis malamang. Kumain ulit then nagligpit ulit then hapon na ayst.

Walang kakaiba sa maghapon ko. >3<

"Boo una na akong mamalantsa ha?" Sabi sakin ni Fabee

"Oh sige." I nodded as a response.

Naghahalungkat ako ng gamit ko ng makita ko ang wallet ko. Andun yung family picture naming tatlo nila Papa. I miss Papa so much :(

Pero bago pa ako makaemote eh nakita kong kulang ang pera ko. Ayaw ko namang humingi na naman kay Mama. Tss kelangan ko talagang maghanap ng trabaho ngayon, kulang kasi ang panggastos ko araw araw eh. T_____T

"Boo ikaw na."

Naputol naman ang pag eemo ko nung tumawag si Fabee.

"Oo. Sige!"

Agad akong tumayo at pumunta sa kwarto. Nagsimula na akong mamalantsa. 

Pagkatapos eh kumain na kami ni Fabee ng dinner. Nagligpit na naman tapos matutulog na.

Pumasok na kami ni Fabee sa kwarto. Hindi po talaga ako natutulog ng walang katabi kasi pakiramdam ko may hihilang Sadaku sa paa ko habang pinapalibutan ako ng maraming chakadolls plus may kapre at tikbalang pa kyaaaaaaahh. Ok! Ako na ang duwag huhubels. ERASE ERASE ERASE T__________T

"Good night Boo. Good luck bukas." Sabi ko kay Fabee.

"Sa'yo din Boo." Sagot naman niya na halatang antok na antok na.

Ngumiti ako then nagpray na sana eh maging maayos ang bukas ko ^__^

Matutulog na rin ako eh. LIGHTS OFF ^____________^

My Prince.....UNCHARMING????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon