Prologue

16 0 0
                                    

"Bessy, di ka pa rin ba nakakamove sa hilaw mong ex-boyfriend?" Singhal sakin ni Andi.

I took a deep sigh.

"Hindi ko alam bessy eh." Sabi ko. Nasa cafeteria kami ngayon.

Andi stared at me. "Anong hindi mo alam? Mahal mo pa rin yun?" Umiling lang si Andi.

"Ewan ko. Basta pag nakikita ko mga posts niya na masaya siya, nasasaktan pa rin ako." Pag-amin ko.

"Eh hindi ba dapat di kana nasasaktan. Alam mo, gayahin mo na lang din siya. Masaya na. Wag kang magmukmok." Tinuloy niya ang pagkain ng pasta na kanina pa namin inorder.

"Hindi naman ako nagmumukmok. I'm jist telling you the truth." Na nasasaktan pa rin ako at hindi ko pa rin nakakalimutan ang lalaking nagpaiyak sakin nang sobra.

"Alam mo, nasosobrahan kana dyan sa pagkakape mo eh kaya ka nagkakaganyan." Biro ni Andi.

"Ands.."

"Pero seriously, Trish, move on ka na. Ikaw na nga ang nagsabi na masaya na si Gino ngayon. So dapat, ikaw din. You don't deserve this hurt." Lumapit sakin si Andi abd she hugged me.

"Bessy, thank you ah. Buti na lang andito ka sa tabi ko, to give me a comfort." I smiled at her.

"Anokaba, para saan pa na naging bffs tayo. Tara na nga! At baka malate tayo sa next class natin." Tumayo na kami ni Andi.

Naglakad na kami palabas ng cafeteria. Nakapagdecide na ako na kakalimutan ko na lahat ng nakakapagpaalala sakin kay Gino --- ang first boyfriend ko. Mahirap man, pero tama si Andi, masaya na si Gino. May karapatan din akong maging masaya. I don't have to let myself still dragged in this heartbreak.

Naghiwalay na kami ni Andi ng daan. Mag bestfriend kami pero hindi kami magkaklase. Magkaiba kasi kami ng course.

Nakarating na ako sa building namin at hinanap ko agad ang classroom ko. The usual, magulo na naman. Nasa Engineering department kasi ako. Karamihan mga lalaki kakalse ko, pero marami din naman ang mga babae.

"Good morning class." Bati samin ni Ms. Cruz, ang Chemistry prof namin. Fourth year na nga pala ako. Isang sem na lang, makakalayas na din ako sa terror na prof na to.

"By the way, may new student tayo. Fourth year na din siya. At dahil ikaw Trish.." Napalingon ako bigla nung binaggit ni Ms. Cruz ang pangalan ko. "..ang isa sa excellent students ko sa Chem class ko, ikaw ang magtuturo sa kanya. Okay lang ba?"

Hindi ako makasagot agad. Pambihira naman, hirap na hirap na nga ako sa Chem tapos may tuturuan pa ko. Jusme!

"Ms. Ocampo?" Ms. Cruz snapped.

"Ah okay lang po Ma'am." I smiled. Lord, tulungan Niyo po ako. Sana makayanan ko po ang sem na to.

"Okay, Mr. Joseph Gutierrez, please come in." At pumasok na ang new student na tinutukoy ni Ms. Cruz.

Parang nag slow motion ang paligid. Nakita ko ang reaction ng mga kaklase kong babae, nakanganga silang lahat. At parang ako rin yata.

Ang gwapooo ni Koyaaa! Parang hindi nakakalanghap ng air pollution dito sa Manila. Parang naliligo araw-araw sa gatas at gluta. Ang kinis. Teka, anak ba siya ni Dra. Vicki Belo? Erase. Magkaiba sila ng apelyido. Sobrang gwapo niya.

"Class, pwede niyo ng isarado ang mga bibig niyo, especially Trish." Ms. Cruz said.

Napaayos ako ng pagkakaupo ko. Shet, nakakahiya. Baka isipin niya, crush ko siya.

"Sorry po Ma'am." I said.

"Uhm, Mr. Gutierrez sa tabi ka na lang ni Ms. Trish Ocampo. Siya ang maggaguide sayo sa lessons, okay?"

Tumango lang si Joseph.

Wala muna kaming masyadong dibdiban na lessons ngayon. Baka daw kasi mabigla ang braincells ni Joseph. Next meeting na lang daw. Itinuro ko muna sa kanya yung mga past lessons namin at madali niya yun nakuha.

"Ano, gets mo na kung paano nakuha yung sagot?" Tanong ko sakanya. Baka kasi di siya nakikinig, kanina pa ko imik nang imik dito.

Nakatitig lang siya sakin.

"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko. Grabe, tunaw na ko.

Bigla siyang kumurap at halatang nagulat. "Wala naman. I'm just amazed." He smiled. Nakakatunaw ng katawan ang mga ngiti niya. Trish behave.

"Amazed?" Pag-uulit ko. "Saan?"

Natagalan din bago siya sumagot.

"With you." Anak ng tinapay! Ngumiti na naman siya. Umiinit yata ang pisngi ko.

"Ha?" Nangingiti na din ako. Para akong baliw.

"I'm amazed with you. I have never encountered a girl like you." Nambola agad. Pa good shot din to eh.

"Ahh. Pasensya ka na ha, ganito lang sadya ako, medyo madaldal." Binalikan ko yung notes ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Bakit ba ko nahiya bigla?

"It's okay.." Sabi ni Joseph. Akala ko tapos na siya magsalita, hindi pa pala. "..this is just the start. I think I like to know you better."






Twitter: twitter.com/maeannmazing

Instagram: ig.com/amazingjadine

ig.com/iammaeanngrace

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon