Rocky's POV
"Kuya Jeremy?Anong meron at nandito ka?"
Nandito ako ngayon sa office ng school paper ng SLU para sana asarin si Ate Scent pero siya ang naabutan kong nakaupo sa trono kuno niya. Dalawa sila na pinsan kong hilaw.
"Wala lang. Masama dumalaw? Ako pa din ang original at walang katulad na King ng SLU noh kaya bawal kang mag angas sakin Isay!"
Nabatukan ko siya sa sinabi niya. Ang hangin talaga kahit kailan eh!
"Lul! Ano nanliligaw ka na kay Ate Scent sa lagay na yan? Susumbong kita kay Ninang Henyo!"
Ngumisi lang siya pero hindi nakatakas sakin ang pamumula ng mukha niya. Hala siya?!
"Tangina di nga?! Umamin ka na?!"
"Secret! Hahahaha!"
Napamura ako ulit. Eh mga bata pa lang kami, minamanyak na nito si Ate Scent eh! Torpe lang ang gago kaya dyahe pa din sila hanggang ngayon kahit pa nga todo tudyo na kaming mga pinsan nilang hilaw!
Pinaghahampas ko lang siya. Ang bano eh!
"Ay pukang ama! Hoy trespassing kayo dito sa kaharian ko!"
Agad na tumayo si Kuya Jeremy para salubungin si Ate Scent. Shit wrong timing naman oh! Panira ako dito!
"Ehem! Next time na lang ako maninira ng araw. Dyan na kayo pero mahiya kayo mga Insan at may SOGO card naman ako dito na pwede ninyong hiramin!"
"ISAY!"
Humalakhak na lang ako. Sus mga pakipot!
"Wait, di ka talaga pupunta sa party ni Mama sa Sabado? Ikaw lang absent!" - pahabol na tanong ni Ate Scent
"Training! Bawi ako next time!" - pahiyaw kong sagot saka lumabas ng office at nagkagulatan pa kami ni Ales dahil mukhang papasok naman siya.
"Naku Pre balik ka na lang next time at may SPG este bisita si EIC sa loob ngayon!"
Kumunot ang noo niya at tumango.
"Sa gym ka na? Sabay na tayo, Isabela..."
Tumango ako at sumabay na sa kanya sa paglalakad. Training eh.
"Rocky na lang, Pre..."
Ang OA pero may ilang students na kinukuhaan kami ng litrato habang sabay na naglalakad. Malamng ay ipopost yun sa secret files namin mamaya with the caption: The Kings of SLU.
Tsk! Pogi ko talaga!
"Sorry. May friend kasi akong Rocky din ang pangalan eh..."
Nagkamot pa siya ng ulo habang sinasabi yun.
"Edi Rock! Rock na lang Pre!"
Nagulat ako nung bigla siyang humalakhak sa sinabi ko. Napapatili naman ng mahina yung mga babae sa paligid.
Edi wow?! Mas gwapo pa din ako!
"Bato dela Rosa na lang kaya? Hahhaha!"
"Gago! Mukha ba akong kalbo?!"
Napahawak pa ako sa maikli kong buhok. Oo idol ko si Bato pero mas gwapo naman ako dun!
Halos maluha na siya sa kakatawa. LUH?
"Ang babaw mo naman Pre!"
Di ko na napigilang sabihin yun. Sa pagkakatanda ko ay first time namin mag usap ng walang katuturang bagay. Karaniwan kasi ay acads at sports related ang usapan namin at nangyayari lang yun kung may tawag ng laman este pangangailangan.
"No, nakakatawa lang talaga tong usapan natin! And I guess girls are right, your funny side is what sets you apart from me..."
Ganun?! Kunsabagay, hindi naman maiiwasang maikumpara kaming dalawa lalo na ng girls na parehas naming naging fling.
Nagkibit balikat na lang ako.
"Bahala ka na nga Ales! Sige dun na ako sa team ko. Bye!"
"Alright. Galingan natin para sa SLU!"
Tumango na lang ako. Kung competitiveness lang ang usapan, binibigay ko na kay Ales ang trono.
==============
"Hello, Reno? Tuloy ba?"
Alas nuebe na at katatapos ko lang magbihis matapos ang training namin. Bakante ako ngayon kaya pwede akong sumama sa tropa sa bar para mag happy happy.
"Eh Boss pasensya na at may exam kami parehas ni Ronnel bukas kaya bawal malasing! Tinatamad na din gumimik si Ramon eh..."
"Sige sige okay lang at pagod din naman ako ngayon sa training. Pano bukas na lang mga Pre!"
Binaba ko na ang tawag. Sayang yun ah!
"Uy Rocky, hinahanap ka ni Tasha. Nasa labas siya..."
Si Tonette yun, ka team ko na gwapo din.
"Bakit daw? Nakapagpasa na naman ako ng mga kailangang ipasa sa Student Council ah!"
Secretary kasi yun ng SC. HRM siya at graduating na din. Maganda naman kaso parang mabait kaya off limits ako dun.
At inlove daw si Ales dun kaso natotorpe. Weak noh?!
"Bah malay! Puntahan mo na lang! Malay mo maka action ka pa ngayong gabi!"
Binato ko siya ng bote ng tubig.
"Gago! Makalayas na nga!"
Tinawanan niya lang ako. Tsk baliw talaga!
Paglabas ko ng gym ay agad kong nakita si Tasha. Ako lang ba o parang ang sexy masyado ng suot niya ngayon?
"Hi Rocky! Kamusta training?"
Napapitlag ako nung basta na lang siyang bumeso sakin at humawak pa siya sa braso ko!
Shit! Mga ganitong galawan eh! Gagong Tonette nagdilang anghel pa yata!
"A-ah okay lang naman. Hinahanap mo daw ako? May atraso pa ba ako sa SC?"
Tanong ko na lang sa kanya. Rocky, sa mukha ka tumingin! Wag sa legs ni Tasha! Tangina naman oh!
"Uhm nope! Wala na! Pero sakin meron! Diba ililibre mo ako?"
Bigla kong naalala yung time na busy ako masyado kaya nagpasuyo ako sa kanya ng requirement sa SC. Anak ng! Ngayon niya talaga ako sinisingil?
"Ah oo nga hehe. San mo ba gusto? Pwede sa malapit lang at gabi na din kasi..."
She pouted. At alam na alam ko ang galawan na yan. Shit si Tasha ba talaga to?! Yung off limits na Tasha?
Nakatingin lang siya sakin kaya napainom ako ng tubig. Ang ineeeeeet bigla! Shit!
"Ayaw mo ba akong ka-date? Nag ayos naman ako ah?!"
What the fuck?!
Nasamid ako sa pag inom at umubo. Agad naman siyang lumapit sakin at hinagod ang likod ko. Tang.ina!
"Isabela? Tasha?"
Sa ganoong ayos kami naabutan ni Ales. Paalis na din yata siya ng gym.
Tumikhim ako at lumayo ng konti kay Tasha. Kunot na kunot ang noo ni Ales sa amin.
"Ah Tasha next time na lang yung utang ko sayo ha! Kailangan ko na mgpahinga eh"
Binalingan ko si Ales.
"Pre diba magka village lang kayo ni Tasha? Magsabay na kaya kayo pauwi, gabi na eh! Sige ah mauna na ako. Bye!"
Iniwan ko na sila saka naglakad na pauwi sa dorm na dito lang din sa loob ng university.
Phew! Pasalamat si Ales at di ako nagpadala sa tukso tapos tinulungan ko pa siyang pumorma kay Tasha!
Sana maging sila na para masolo ko na ang mga chx dito! Pwahahhaha ayos yun!