Rocky's POV
"Daddy, hindi ako makakauwi eh. Sorry po, alam mo naman na may laban ng basketball next week."
Nakagat ko ang labi ko dahil kitang kita ang lungkot niya sa screen ng laptop ko.
"Hindi ka ba pwedeng sumaglit anak? Kahit sa bahay na ng Ninang mo ikaw magpunta para malapit na dyan sa SLU..."
Umiling lang ako.
"May training kami Dy eh. Sorry po talaga. Ikain ninyo na lang ako at pakibigay yung gift ko kay Ninang Henyo..."
Nag sigh siya kaya pilit ko ng iniba ang usapan dahil I feel guilty for making him sad. I can imagine him there na medyo OP dahil wala na nga siyang partner tapos wala pa ako.
"Sige na Isay, sleep na tayo. Mag iingat ka palagi ha. Love you!"
"I love you too Dy! Enjoy Ninang's party at hinay hinay na sa inom ha..."
Tumango naman siya saka nakangiting tinapos ang video call.
Humiga na din ako kaagad at hindi ko mapigilang manghinayang . Siguradong masaya ang party sa Sabado at mukhang ako lang ang absent sa aming "magpipinsang hilaw".
Napangiti ako. Sayang talaga!
============
"Aha! Talo ka this month Boss ah! Lamang ng isang chick sayo si Ales!"
"Lul! Kulang ng dalawang chix yan oy! Ako talaga ang panalo ngayon, gumanti lang si Ate Scent sa akin dahil inalaska ko nung nakaraan..."
Nagkalat na sa mga bulletin board ang isa yata sa mga kabaliwan ng school na to: ang pagbilang sa mga flings namin ni Ales. Kings of SLU daw kami eh.
Siraulong Ate Scent, palibhasa EIC ng school paper kaya kung ano anong pauso ang sinusulat at kinakalat para mauto ang mga estudyante dito.
Pero okay na din. Dahil sa rivalry kuno na yan ay marami akong chicks. Hihihi.
"Nga pala, wag kang bibigay pag nilandi ka ni Scarlette ha, akin yun..."
Ngumisi pa si Reno matapos sabihin yun pagpasok namin ng room. Agad akong nag de kwatro pagkaupo.
"Asa! May standard pa din ako sa flings ko noh! Low class yun kaya sayo na!"
"Yown! The best ka talaga Boss!"
"Ingat ka lang pre at baka magyaya ka sa aming mag inuman dahil luhaan ka at bigo! Ang babae, pag sineryoso, nagloloko. Baka kalimutan mo yang golden rule natin, gago ka!"
"Ganun? Parang hindi ka babae kung makapagsalita ah. At golden rule ninyo pa pala yun ah?"
Umupo si Ales sa arm chair ng upuan ko. Kunot noo akong tumingala sa kanya. Di naman kami close kaya nagtatako ako at basta na lang siya sumingit sa usapan namin.
"Ales! Run for your life! Oo babae si Boss pero biologically lang! Yari ka!"
Sinamaan ko lang ng tingin si Reno. Sulsol king kahit kelan eh!
"Bakit totoo naman diba? Wag kang magpanggap na may malasakit sa kanila dahil parehas lang tayong chickboy..."
Hinimas himas niya lang ang baba niya na mukhang napaisip sa sinabi ko. Ramdam ko din na nasa amin na ang atensyon ang lahat.
Malamang ay may article tungkol sa amin next month: The King talked with the more good looking King.
Syempre ako yung tinutukoy na mas gwapo.
"Sorry Isabela but you are wrong. I treat my women really well and the female population don't deserve that kind of insult. Weird lang at ikaw pa na kabaro nila ang nagsabi nun..."
Nag init ang ulo ko sa huling sinabi niya. Reno warned him, right?
"Really well, huh? Kaya pala women. Huh! And please Ales, call me Rocky and stop referring me as a female/girl/woman or whatever dahil baka nga mas magaling pa ako magpaligaya ng babae kaysa sayo..."
I heard our blockmates whistled. Napasinghap pa ang ibang babae. And nope, parehas yata kami ni Ales ng unwritten rule: No fling na kaparehas ng course.
Nahuli ko ang gulat sa mukha niya pero agad siyang tumawa. Tumayo na din siya at nag lean para pumantay sa mukha ko.
Kumunot na naman ang noo ko dahil masyadong malapit ang mukha niya sakin.
"Yes Isabela, really really well. To the point that they feel like I am too perfect for them and don't deserve someone like me kaya they can't keep me..."
I matched his grin. Mayabang ka ha? Nag lean ako para bumulong sa kanya.
"Perfect ka? Kaya pala di mo malapitan man lang si Tasha, I know your little secret, Pare..."
Kitang kita ko ang pamumula niya at panlalaki ng mata niya. Gotcha!
Tumikhim siya at tumayo ng tuwid.
I showed him my winning smile.
"I just want to congratulate you coz I know na kulang ang bilang ng flings mo. I"ll try my luck next time. Have a nice day, Isabela"
Yun lang at bumalik na siya sa upuan niya. Kinamot lo ang tenga ko dahil nakakarindi ang tawag niya sakin kahit pa nga pangalan ko yun. Tss!
"Di ko akalaing pa-cool si Ales. Psh!"
Binulong ko lang yun kay Reno dahil nandiyan na ang Prof namin.
Natawa siya.
"Grabe pahingi naman ng ego at self esteem mo pre! Kahit lalaki kami ay cool talaga ang tingin namin kay Ales, perfect pa nga eh! Tas ikaw? Wow!"
Namamangha lang akong tumingin sa kanya.
"The fuck? Nababakla kay kay Ales?! Kilabutan ka nga! Tangina kadiri!"
Nagtaasan talaga ang balahibo ko. Laki laki ng katawan ni Reno tapos biglang ganun ang pinagsasabi? Imba eh!
"Prepare for debate next week. Choose you team na lang. Rocky and Ales are the team leaders..."
I raised my hand. 4th year na kami at normal na ang ganitong arrangement kapag may team output but I think it is time for a change.
"Change is coming na po Mam so can we give chance to others? Tatlong taon po na lagi na lang kami ni Ales, iba naman!"
The class agreed. Ngumiti naman si Mam sa akin at bumaling kay Ales.
"Would that be okay with you, Ales?"
"Sure! We also have tournament next week kaya baka po di namin masyadong matutukan ni Isabela ang preparation sa debate..."
Namula si Mam nang ngitian siya ni Ales. Ohhhhh. Baka totoo ang chismis na may nakaka fling din siyang Prof?
Ibang klase!
![](https://img.wattpad.com/cover/3115662-288-k689221.jpg)